Chapter 16

34 5 0
                                    

"Hindi ko alam.
Bakit ganto ang nangyari?"

Ang tanong na umiikot ngayon sa isip ni Yurres.Akala nya makakaya nilang matapos ang misyon,kahit papaano ay nagkaruon sya ng pag-asa nuon.Ngunit ngayon?Hindi nya na alam ang gagawin.Tulala lamang na nakatingin ang binata sa kawalan.Matapos nila ilibing ng pansamantala sa hardin ng Penthouse ang pinsan ay di na sya makausap ng matino."Hindi pa tapos lahat Yurres!Tandaan mo nasa panganib pa si Aeona.Di hihinto ang pag-ikot ng mundo dahil lang sa pagkawala ng isang tao.Kaya dapat tayong magpatuloy.May magandang plano sa atin ang Dyos."Mahabang sabi ni Michael matapos nyang biglang sapakin ang aktor.Gusto ng anghel na matauhan sya.Natumba ang sikat na artista sa lakas ng suntok ng anghel.




"Sa tingin mo may magagawa tayo?Hindi nyo nga masugatan manlang ang kalaban nung huling pagsugod ng demonyo na yun."Walang makikitang emosyon sa muka at mata ng artista.Tumayo sya at naglakad na para bang naglalakad sa kawalan.Alam ni Michael na nawawalan na ng pag-asa si Yurres,kaya mas napatunayan nya na napakahina talaga ng mga tao.Mabilis silang mawalan ng pananalig sa Panginuon pag humaharap sa malaking pagsubok.


Sa kabilang banda,hindi naman mapigil ni Aeona ang mga luha na pumapatak sa mga mata nya.Muling dumating ang nakaitim na lalaki at pinakita sa kanya ang lahat ng nangyari sa mga kaibigan.Hindi nya matanggap na patay na si Neil.Pakiramdam nya may malaking bahagi sa pagkatao nya ang nawala ng makita na inililibing ang lalaki sa hardin.Natulala ang aktres at muling inalala ang mga sinabi ng lalaking nakaitim.

"Tanggapin nyo na!Sa laban na ito,kami ang panalo."





"Dalhin nyo na ang lahat ng kaya nyong dalhin na sandata.Binasbasan ng Ama yan upang masaktan at matalo ang mga kalaban!Patayin lahat,walang ititira!"Buong tiwala sa sarili na sabi ni Raguel sa mga kasama."Magbabayad sila sa lahat ng ginawa nilang gulo!"Animo'y hayok sa karahasan na sabi ni Yurres.Nagising sa katotohanan ang sikat na artista ng kausapin sya ni Hyena.Muli nyang naalala ang mga salita na nanggaling sa dating nobya.


"Yu naman!Hahayaan mo na lang ba na mawala din si Aeona sa atin?!Duwag lang ang mga taong di kayang ipaglaban ang mga minamahal nila.Kaya wag mong patunayan na isa ka sa mga aso na  bahag ang buntot,pag nakarinig ng malakas na kulog ay nanginginig at nagtatago nalang.Hindi ka aso,tao ka!"



Bago kausapin ni Hyena ang aktor,nakatanggap na muna ng malakas na sampal si Yurres mula sa kanya.Hindi alam ng sikat na artista kung magagalit o matatawa sya sa sinabi ng babae.Ikumpara ba naman sya sa duwag na aso."Wala tayong makuhang tulong sa iba,sarili lang natin ang makakatulong sa atin.Maging ang Ama ay walang sinabi kung nasaan si Aeona.Ngunit,may alam ako na lugar na maaari nyang kulungan ngayon."Paliwanag ng anghel na si Gabriel."Anong ginagawa natin sa tapat ng main door ng Penthouse Gabriel?Sabi mo, alam mo kung nasaan si Aeona.Eh bakit tayo nandito?"Inip at nagugulohan na sabi ni Hyena.Ngumiti lang sa kanya ang anghel."Bakit ka ba sasama Hyena?Mapanganib para sayo ang gagawin namin.Ayaw kong mapahamak ka,kaya dito ka nalang sa Penthouse."Paliwanag ng aktor."Are you kidding me Yurres?!Namatay na ang pinsan mo.At nasa panganib ang best friend ko,tapos sasabihin mo na dito lang ako at walang gawin?"Gulat at di makapaniwalang sabi ni Hyena kay Yurres.



Transfer Souls [Completed Story ] Where stories live. Discover now