Chapter 3

84 7 0
                                    

Nagtungo ang aktres na si Aeona sa kwarto ng kaibigan.Matagal-tagal na rin ang nakalipas ngunit hindi pa rin nagigising si Yurres.Pilit na pinaglaban ng dalaga na panatilihin ang kanyang life support.Maging ang mga magulang ng aktor ay ilang beses nyang sinalungat sa plano nilang pag-patay ng life support ni Yurres.Habang naglalakad patungo sa kwarto ng aktor.Ay muling inalala ng aktres ang pagtatalong nangyari sa pagitan nya at ng mga magulang ng binata.


"Eona,it's time to let him go.Two years na ang nakalipas pero hanggang ngayon ay in-coma pa rin sya,"maluha-luhang sabi ng mommy ni Yurres.Hindi naman makapaniwala si Aeona.Mismong magulang ng kaibigan nya ang sumusuko na."Tita Tania,si Yurres ang pinag-uusapan natin dito.Malakas sya,napatunayan ko na yun nuon pa.Kinaya nya na ang madaming pagsubok.Kakayanin nya rin ito ngayon.We just have to trust him more,"malungkot na ngumiti ang aktres at pilit na pinipigilan ang pag-iyak.Hindi nya kayang hayaan na mamatay ang matalik na kaibigan.Nang nakita ng mommy ni Yurres ang determination sa muka ni Aeona ay hindi na nya napigilan umiyak.Niyakap naman sya ng aktres at hinayaang humagulgol ang babae.Biglang humiwalay ang mommy ni Yurres at tumingin sa mata ni Aeona.
"I wish I have faith in him like you have now.Gusto ko syang mabuhay.Pero napaka hirap para sa akin na makitang nahihirapan ang anak ko.Sa tuwing malalaman ko na niri-revive sya ng mga doctor,gumagapang sa akin ang takot at awa sa kanya,"patuloy ang pag-iyak ng babae.Hindi magawang tumingin ng aktres sa kanya ng tuwid.Alam nya kasi na pag hinayaan nya ang sarili na makitang nasasaktan ang tinuturing na rin na ina, hindi nya na mapipigil ang luha na kanina pa gustong kumawala sa mga mata."Don't worry.Sa sandaling maulit ulit ang pag-aagaw buhay nya.Ako mismo ang mag-uutos na patayin ang life support."




Nabalik sa reyalidad ang aktres ng makita na nasa harap na sya ng kwarto ni Yurres.Nanlaki ang kanyang mga mata ng makitang wala sa kama nya ang aktor.Unti-unti syang naluha ng makita nya ang paglabas ng binata sa banyo ng kwarto.Agad syang lumapit sa aktor at niyakap ito ng mahigpit."Yu!Sa wakas gising ka na,"hindi nya napigilan ang mga luhang umagos sa kanyang mga mata.Inakala kasi ni Aeona na ito na ang huli nyang pagbisita sa kaibigan.Kahapon ay muling nag-agaw buhay ang aktor.Kaya nagpasya na sila na sa susunod na araw ay patayin na ang kanyang life support.Bumitaw ang dalaga sa pagkakayakap sa kaibigan.Nakangiti nyang pinunasan ang luha."Teka,anong nararamdaman mo?Tatawagin ko lang ang mga nurse para matingnan ka,"Tumungo naman si Yurres bilang tugon."How is he doc?"Tanong ni Aeona sa doctor."Well,this is miracle!Kahapon lang ay unti-unti ng bumibigay ang kanyang katawan.But now,us we examine his body.Bumubuti na ang kanyang kalagayan.Maybe more than a week or days pwede na syang ma-discharge.We just need to run more test in him.Then pwede na syang makauwi,"halos mapatalon naman sa tuwa ang aktres ng marinig ang sinabi ng doctor,malawak syang ngumiti sa aktor.




"Ganun ba kalala ang nangyari sa akin Aeona?"nagtatakang tanong ng binata sa kaibigan."Yes,alam mo bang 2 years kang coma.At ilang beses kang nag-agaw buhay.Kaya sa susunod ay mag-ingat ka na!Para di na maulit ito,"sagot naman ng aktres habang naghihiwa ng mansanas.Napahinto sya sa ginagawa ng mapansin ang malalim na pag-iisip ng aktor."Ano bang nangyari?Bakit naratay ako dito?"tiningnan ng mabuti ni Aeona ang kaibigan,natakot sya sa na isip na baka may amnesia ang binata."Nagkabanggaan kayo ng isa pang kotse.And sad to say,ang pinsan mo na si Neil ang nabangga mo.Base sa investigation ng mga pulis,walang break ang kotse mo,"nataranta naman ang aktres sa biglaang pag sigaw ng kaibigan."What!Tell me kamusta ang pinsan ko?!"Napahawak sa kumot si Neil dahil sa kaba.Di nya malaman ang gagawin,kahit pa magaling ang pagpapanggap nya na sya si Yurres.At kahit na naaalala nya ang lahat ng ala-ala ni Yurres dahil sa pagpalit ng kaluluwa nila,mas gusto nya paring mabawi ang sariling katawan."Balita ko hanggang ngayon ay nasa coma rin sya.And sabi ng doctor nya ay sobrang lala ng inabot nya.Kung gusto mo,pagkatapos mong ma-discharge.Bisitahin natin sya agad,"nakahinga ng maluwag si Neil ng marinig ang sinabi ng aktres.Alam nyang may pag-asa pa rin dahil humihinga pa ang katawan nya."Sige,bisitahin natin sya agad,"seryusong sabi ni Neil kay Aeona.

Transfer Souls [Completed Story ] Where stories live. Discover now