EPILOGUE

67 6 0
                                    

"Alam mo bang nagdudugo ang puso ko!"'Sino ba yun?"Sa isip-isip na tanong ni Neil.Hindi nya maimulat ang mga mata nya,pero may naririnig syang kumakausap sa kanya."Anong nakikita mo ngayon Neil?"Malumanay na tanong ng tinig na naririnig ng binata."Wala akong nakikita,hindi ko maimulat ang mata ko,madilim!Bakit ang dilim?Sino ka?!"Nalilitong tanong ni Neil sa kumakausap sa kanya.Ilang saglit na natahimik ang paligid,maya-maya pa ay nakarinig na mahinang pagtangis ang binata."Umiiyak ka ba?Sorry, nataasan ko lang ang boses ko kasi hindi ko maintindihan ang nangyayari."May takot sa boses na sabi ng binata.






"Madilim,madilim kasi nawala ka sa akin."Mas lalong nagtaka si Neil sa sinabi ng kausap nya."Sa tingin mo kung may alaga akong mga tupa at papasok ka sa bahay ko saan ka dadaan para makapasok?"Napakunot ang nuo ni Neil,naiinis sya kasi nagtatanong pa ang kausap samantalang masama ang kalagayan nya.Pakiramdam nya para syang bulag.Pero napanghawakan nya ang inis at sumagot nalamang."Sa pintuan ng bahay mo,sa pinto ako papasok para makapasok ."Nagpipigil ng inis na sagot ni Neil."Pero bakit hindi ka pumasok?Bukas ang pinto, pero patuloy kang lumayo sa bahay ko.Naglakad kang palayo sa akin.Hindi ka na bumalik kahit kailan."Matinding lungkot at panghihinayang ang naramdaman ni Neil sa sinabi ng kausap.Ang pinagtataka nya.Bakit sya nakakaramdam ng lungkot? Hindi nya kilala ang kausap nya.





"Ang totoong nakatira sa bahay ko ay makakapasok sa pinto,ngunit ang hindi nakatira sa bahay ko ay dadaan sa bintana para makapasok.Sa bintana dadaan ang kaaway at magnanakaw ng tupa,kaya kung may dadaan man sa bintana ng bahay ko ibig sabihin magnanakaw sya at kaaway."Mahabang paliwanag ng kausap ni Neil.Hindi nakapagsalita ang binata at tahimik lang na nakikinig sa nagsasalita."Sa tingin mo sasama ang tupa sa magnanakaw?Oo,sasama ang mga tupa sa magnanakaw.Ngunit kakawala sila dahil hindi nila kilala ang tinig ng magnanakaw.Hindi nila kilala ang tinig ng magnanakaw,dahil ang kilala lang nilang tinig ay ang tinig ng nag-aalaga sa kanila.Ang magnanakaw ay walang ibibigay na pagmamahal sa mga tupa na ninakaw nya.Pero ang totoong nagmamay-ari sa kanila ay nagbibigay ng pag-aalaga at pagmamahal."Nanatiling tahimik lang na nakikinig si Neil,ngunit nalilito sya kung bakit sinasabi ng kausap ang mga bagay na nasabi nya."Anong kinalaman ng mga sinasabi mo sa akin."Nalilitong tanong nya."Neil!Ang kadiliman na nakikita mo ay bunga ng paglayo at paglimot mo sa akin."Bahagyang nagulat si Neil sa narinig,unti-unti nyang naunawaan ang lahat ng nangyayari ngayon sa kanya.May mga luhang pumatak sa nakapikit na mata ng binata.Nakaramdam ang binata na may humaplos sa mga mata nya.





Transfer Souls [Completed Story ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon