Chapter 15

27 5 0
                                    

Nagising si Aeona sa isang madilim na lugar,sa sobrang dilim ay walang maaninag na ano man.Para bang sya'y nasa kawalan.Ilang saglit pa ay nakaramdam sya ng init sa katawan nya.Init na nakakapaso,hindi nya maipaliwanag kong gaano kainit ang kinalalagyan nya.Nanlalata man at nahihilo ay nagawa nya paring makapagsalita."Tulong... Tulong... Tulungan nyo ako!"Mahinang utal ng babae.Nakaramdaman sya ng biglang pagkahilo kasabay ng pagliwanag ng paligid.Hirap na inaninag ng aktres ang paligid.Sa huli ay nakita na ni Aeona ang paligid kung saan ay naruon sya.




Nakarinig ang artista ng mga mahihinang daing.Habang tumatagal ay lumalakas ang kanyang mga naririnig na panaghoy sa paligid.Ang ingay ay nanunuot sa kanyang mga balat na nakapagpatayo sa kanyang mga balahibo.





Nakikita nya na sya ay nakaupo sa lupa,nakatali ang mga paa at kamay.Ang pinagtataka ni Aeona,wala manlang syang makita kahit damo o puno sa lugar na kanyang kinaruruonan.Para bang sya ay nasa isang disyerto.





Ngunit ang kagimbal-gimbal ay ang mga tao na malapit sa kanya.Ramdam ng artista ang sakit na nadadama ng mga tao na walang gapos sa katawan.Ilang saglit pa ang lumipas ay nagliyab ang mga katawan ng ilang tao na nasa paligid ng aktres.Rinig nya ang malakas nilang sigawan.Ang ibang tao ay may mga uod na kumakain ng kanilang laman.






"Himala at buhay ka pa."
Rinig nyang sabi ng isang lalaki na papalapit sa kanya.Hindi katulad ng mga tao na nasa paligid nya.Ang nilalang ay parang malusog pa nga.Pansin din ni Aeona na buto't balat nalang ang mga dumadaing na tao."Sino ka?Bakit ako nandito?!Gusto ko ng umuwi,maawa ka."Lumuhod ang dalaga at sumubok na umiyak pero walang lumabas na luha sa kanyang mga mata."Wala sa akin ang pasya kung makakaalis ka pa sa lugar na ito."Walang emosyon na sabi ng lalaki na itim ang kulay ng buong suot na damit.Tingin ng aktres ay mayaman na tao ang lalaki dahil sya ay naka black suit at pants.



Walang ano-ano ay may itim na usok ang ipinalabas ng lalaki mula sa kanyang kanang kamay.Ang usok ay isang hugis salamin at duon ay nakikita nya ang kanyang mga kaibigan na nag-aaway.





"Akala ko mga Anghel lang ang narito sa Penthouse,may ahas din pala."




"Siraulo ka ba?!Kahit kailan wala akong inahas sayo dahil sa umpisa palang walang kayo ni Aeona!"






"Tumigil na nga kayo!Hindi ito ang tamang oras para mag-away.Nasa panganib sya tapos nagagawa nyo pang magsapakan!"






Napanuod ni Aeona ang pagtatalo nila Yurres,Neil at Gabriel.Isinarado ng lalaki ang kanyang mga palad kaya naglaho ang itim na usok."Nakakatuwang marinig ang pagtatalo nila imbis na iligtas ka."Nakangiting pahayag ng lalaki na naka-itim.Masamang tumitig sa kanya ang aktres."Sa oras na dumating sila at tulungan ako,hindi kana makakangiti ng ganyan."
Napangisi naman ang lalaki."Bilisan lang nila,baka di ako makapagtimpi at maaga kong kunin ang buhay mo."
Matapos ang pahayag ng lalaki ay tumalikod sya at biglang naglaho sa paningin ni Aeona.Sa pagkurap ng mata ng dalaga ay di nya na nakita ang lalaki.









Tahimik na naglakad si Neil papuntang kusina upang uminom ng tubig.Malapit ng sumikat ang araw pero di parin sya makatulog sa pag-alala ng kaligtasan ni Aeona.Napalingon sya sa kanyang likod ng marinig ang boses ng di kilalang lalaki na nakaitim."Masaya siguro na makita ang pagdanak ng dugo mo sa sahig."Sa pahayag palang ng lalaki,alam na ni Neil na kaaway ang nasa harap nya.Agad nyang kinuha ang kutsilyo na malapit sa kanya at sinugod ang lalaki.Walang kahirap-hirap naman na umilag ang lalaking naka-itim.Naglaban ang dalawa hanggang sa mapatumba ng lalaking nakaitim ang binata.Pagapang na lumapit si Neil sa kutsilyo na kanyang nabitawan.Ngunit kinuha ng naka itim na lalaki ang kutsilyo at sinaksak sya ng ilang ulit.Iniwan ng lalaki na nakahandusay at duguan si Neil.Mabilis na nawalan ng buhay ang lalaki dahil sa pagkaubos ng dugo.






Nagising si Yurres dahil sa panghihinang naramdaman.Pakiramdam nya ay para syang unti-unting nawawalan ng lakas,dahil sa isang malalim na sugat na hindi nya manlang makita sa kanyang katawan.Nawalan ng malay ang binata.At sa paggising nya ay gulat ang makikita na reaksyon sa kanyang muka."Paanong nakabalik na ako sa katawan ko?Si Neil!"Nagmamadaling bumaba ang aktor at pinuntahan nya ang kwarto ni Neil.Nabigla sya ng hindi makita ang pinsan sa kanyang kwarto.Kung saan-saan hinanap ni Yurres si Neil.Sa huli ay natagpuan nyang walang buhay ang pinsan sa sahig ng kusina.Ngayon ang gumagamit na ng katawan ni Yurres ay mismong si Yurres.Nakabalik ang artista sa sariling katawan matapos ang pagkamatay ni Neil.






"Tulungan nyo kami,tulong!"Malakas ang sigaw ng aktor habang umiiyak.Lumabas sa kani-kanilang kwarto ang mga kasama ng artista sa Penthouse.Agad silang nagtungo sa kinaruruonan ni Yurres.Nakita nila ang umiiyak na artista habang hawak ang bangkay ni Neil."Anong... .. Anong nangyari?!"Mautal-utal na sabi ni Michael.Pinaliwanag ni Yurres ang nangyari sa kanya at kung pano nya nakita ang walang buhay na katawan ni Neil.






"Ama!Bakit mo hinayaang mangyari ito?Ano ang plano mo?Patawad Ama dahil nabigo kami sa aming misyon dito sa lupa!"Malungkot na sabi ni Raguel habang nakatingin sa itaas.Hindi mawala ang gulat sa iba pang anghel.Si Hyena naman ay nanlulumo sa nasaksihan na pag-iyak ni Yurres sa bangkay ni Neil.


N/A:Wew!Short update for this time :/ Pero madami pang mangyayari.Keep reading.Vote and comment.Kamsamham-
nida!
:D

Transfer Souls [Completed Story ] Where stories live. Discover now