Chapter 4

65 7 0
                                    

Mahigpit na yakap ang salubong ng mommy ni Yurres sa kanya.Ilang naman na yumakap si Neil.Hindi sila close ng kanyang tita kaya hindi sya sanay na maranasan ang sweetness nya."The doctor said you're ok now son.Please!Wag mo na ulit ako pag-aalahanin ng ganun.I thought I'll lose you."Puno ng lungkot na sabi ng kanyang tita.Ngumiti ang binata,hindi nya mapigilang mainggit sa kanyang pinsan.Matagal na nyang hindi naranasan ang pagmamahal ng kanyang magulang mula ng mamatay sila.Maswerte si Yurres dahil may magulang syang laging nakabantay sa kanya.








Agad na pinuntahan nila Aeona at Neil ang ospital kong nasaan ang katawan nya ng ma-discharge sya."Aeona!May bata."Mabilis na inihinto ng aktres ang kanyang sasakyan.Bumababa sya para malaman ang kalagayan ng batang muntik na mabanga."Wahh!Bad kayo,bad."Umiiyak na sabi ng batang babae.Dinambot nya ang mga nalaglag na laruan at binato sa aktres.Sinangga ni Aeona ang kanyang kamay,pero hindi nya inasahan ang isang manika na tumama sa kanyang tyan.Malakas ang pagbato ng batang babae kaya ramdam nya ang sakit."Aray!Sorry,hindi kita napansin.Bakit ka kasi biglang tumakbo?"Nilapitan ng aktres ang bata at tingnan ang kanyang lagay.Napansin ng aktres ang mga gasgas nya sa binti at siko na may tumutulong dugo.Patuloy pa rin sya sa pag-iyak,maging ang uhog ng bata ay tumutulo na.




Lumabas na rin si Neil para kamustahin ang bata.Bago sya makalapit ay rinig na nya ang pagtatalo nila ni Aeona."Ikaw ate,di ka marunong mag drive.Muntik na tuloy akong mamatay.Pano na lang ang mundo pag nawala ang magandang katulad ko?"Sabi ng bata na masama ang tingin sa aktres."Ngayon lang ako nakaranas ng aksidente sa mismong ospital.Wag kasing makulit bata,para di ka mapahamak.Halika,buhatin kita para magamot ka na."Napabuntong hiningang sabi ni Aeona.






Akmang bubuhatin nya ang bata ngunit di nya natuloy, dahil sa pagbahing nya sa mismong muka ng aktres.Lahat ng uhog ng babae ay napunta sa muka ni Aeona.Napapikit sya at pinigilan ang inis.Ang bata naman ay inosenting tumingin sa kanya.Mayamaya ay humalakhak ang bata ng makita ang sipon nya sa muka ng dalaga.Gusto na syang saktan ni Aeona,hindi nya lamang ito natuloy dahil sa pagpigil sa kanya ni Neil."Oh tama na,bata lang sya.Wag mo na patulan."Nagpipigil ng tawang sabi ng binata,inabot nya ang isang panyo sa kaibigan at mabilis na pinunasan ng aktres ang kanyang muka.Ng matapos na linisin ng aktres ang kanyang muka ay masama nyang tiningnan si Neil.Lumingon sya sa entrance ng ospital at nagtawag ng tulong para magamot ang bata.







Napansin ng aktres na panay ang sulyap ng batang babae kay Neil habang ginagamot sya.Kada sulyap ng bata ay kumukurap-kurap ang kanyang mata at halos mapunit ang labi sa lawak ng ngiti."Grabi,nakakatakot ang batang ito.Ang liit palang,pero may landi ng tinatago."Sa isip-isip na sabi ni Aeona.Sinamaan nya ng tingin ang bata,ng mapansin naman ng babae ang tingin ng dalaga ay dumila sya at pataray na umiwas ng tingin.Gulat na tumingin ang aktres sa bata.Tiningnan nya ang lalaking kaibigan upang makita kong nakita ba nya ang ginawa ng babae.Nadismaya sya ng makita na kausap ni Neil ang doctor na nagsagawa ng x-ray,tanging sya lang pala ang nakasaksi ng kamalditahan ng bata.







"Bata,ano nga palang pangalan mo?"Nakangiting tanong ni Neil.Napakunot ang nuo ni Aeona ng mapansin na parang kumikinang ang mga mata ng bata,habang nakatitig kay Neil."Lyka po,hindi na ako bata.Sixteen years old na po ako,hindi lang halata kasi cute ako.Mukang bata,yiee."Kinikilig na sabi ni Lyka."Sabihin mo,maliit ka lang talaga."Pabulong naman na sabi ni Aeona.Kahit na bulong ay narinig pa rin sya ni Lyka,agad nyang tiningnan ng masama ang aktres.Hindi naman nagpatalo si Aeona,nakipagtitigan din sya ng masama.






"Lyka?!Kanina pa kita hinahanap.Anong nangyari sayo?Nasaan na ang mga laruan ng kapatid mo na pinakuha ko?"Puno ng pag-aalala na sabi ng isang nurse.Ng malaman nila na nanay nya ang nurse,agad silang humingi ng tawad at pinaliwanag ang buong pangyayari.Humingi rin ng tawad ang nurse dahil sa ginawang gulo ni Lyka,sadyang takaw aksidente daw talaga ang babae.





Tiningnan ng mabuti ni Lyka ang dalawang magkaibigan.Kanina nya pa naiisip na may kahawig sila."Wait!Alam nyu,kanina ko pa gustong sabihin na kamuka nyu sila Aeona Aguilar at Yurres Sandoval.Kaso naiinis kasi ako sayo ate,ang sama ng treatment mo sa akin."Nakangusong sabi ng babae.Nagkatinginan ang dalawang artista at sabay na napangiti."Ang kulit mo kasi kaya lumalabas ang bad side ko sayo.I'm sorry for my attitude!Anong gagawin mo kung kami si Aeona at Yurres?"Nakangiting sabi ng aktres."No way!Hindi nga?Edi hihingi ng autograph at magpapakuha ng pictures sa inyu."Masayang sabi ng babae."Edi,maglabas kana ng Cell phone at notebook."Sabay na sabi nila Neil at Aeona.Napatili naman ng malakas si Lyka at yumakap sa dalawang artista dahil sa tuwa.






Nanlulumong tiningnan ni Neil ang sariling katawan.Sabi ng doctor ay matatagalan pa ang paggising ng kanyang katawan dahil sa lubha ng sinapit nito.Kahit gustohin man magalit ng binata ay di nya magawa.Parihas lang silang biktima ng di kapanipaniwalang pangyayari.






Transfer Souls [Completed Story ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon