Chapter 13

41 5 0
                                    

Bumaba na sina Hyena at Aeona papunta sa Dinning Area.Naupo sila sa tabi ng tatlong Archangel at ni Neil.Ngumisi ang babae sa aktres ng mapansin kung saan sya umupo.


Ng magkaharap sina  Yurres at Hyena ay inalam ng babae kung totoo ba ang sinabi ni Aeona.Sinagot ng lahat ang madaming katanungan ng dalaga.Kapansin-pansin naman ang hindi magandang pagtrato nina Yurres at Hyena sa bawat isa.Sa tuwing silang dalawa na ang nag-uusap ay nauuwi sa tarayan at asaran ang usapan.Sa huli ay naniwala na rin ang dalaga at hindi na muling nagtanong.




"Yen?Bakit ka nga pala pumunta dito?I thought you wouldn't come back here,just like you told me before."Napaismid si Hyena sa katanungan ni Yurres.Lalong nainis ang babae ng makita ang ngisi ng aktor."I guess,I'm still allowed to go here right?Kung pwede nga lang ay di ako pupunta sa Penthouse mo,kaso andito si Eona.Di naman patas kung pagbabawalan mo akong pumunta dito dahil lang sa 'nakaraan'."Naningkit ang mga mata ni Hyena ng tawa lang ang sagot sa kanya ng aktor.Muli pang nag-asaran ang dalawa kaya di na napigilan ni Aeona na sumabat sa kanilang usapan."Kung ano man ang problima nyong dalawa,pwede ba isantabi nyo mo na yan.Nagugutom na ako."Reklamo ng aktres  na natatakam na sa hinandang pagkain ng mga katulong.




"Gabriel padampot nga ng kutsara na nalaglag malapit sayo."Utos ni Raguel ng mahulog ang kanyang kutsara."Oh ito,wag mo na damputin Gabriel.May kutsara naman dito.Hindi na dapat kinukuha ang mga nawala na."Naka poker face na sabi ni Hyena,malapit lang ang babae sa kinalalagyan ng kutsara.Katabi nya lang si Raguel na nagpadampot kay Gabriel ng kutsara.Nagugulohan naman na tumungo nalang ang anghel sa sinabi ng dalaga."Di naman kasi malalaglag kung sinambot mo lang sana at iningatan."Walang emosyon na sabi  muli ni  Hyena."Di na kailangang sambutin, marami naman dyang kutsara. Bakit kapa mag-hihirap na kunin ang nalaglag."Biglang sabi ni Yurres."Meron na ngang nalaglag,sasaluhin na lang o di kaya ay kukunin.Maghahanap pa kayo ng iba.Di kayo makuntinto sa isa!"Sagot naman ni Hyena.Nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawa ng ibang mga kumakain sa lamesa.



"Marami namang ma-ipapalit.Bakit kapa mag papagod at hahabulin yung nalaglag at tuluyan ng nawala sa kamay mo?"Kaswal na sabi ng aktor.Napangisi naman ang mga Archangel dahil sa pagtatalo nila.Si Neil naman ay nagtataka,kung tungkol pa ba sa kutsara ang topic ng usapan."Di ko kayang tanggapin!Na Ampalaya ang ulam natin~."Halos patayin sa sama ng tingin nina Yurres at Hyena ang kumantang kaibigan.Matapos kumanta ay may gumuhit na nakakalukong ngiti sa labi ng dalaga."Nani~?(What~?)"Inosente na sabi ng aktres sa dalawa.Napaismid nalang si Hyena ng makita ang nakakalukong ngiti ng matalik na kaibigan.Sila Neil at ang mga Archangel naman ay nakakunot noo na tumingin sa mga nagsalita.Hanggang ngayon di parin nila maintindihan ang nangyayari sa tatlo.





Transfer Souls [Completed Story ] Where stories live. Discover now