Chapter 7

38 6 0
                                    


"Alam mo bang matagal ko ng hinihintay ang oras na ito?"Napatingin si Aeona kay Neil ng magsalita sya habang sila ay kumakain.Tumigil sya saglit at nagpatuloy sa pagsasalita.Ang aktres naman ay nalilito sa sinabi ng aktor.Di naman ito ang unang beses na mag dinner sila sa isang restaurant."Alam ko marami na ang nangyari na di ko na mababago.Sana bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon."Ng marinig ni Aeona ang sinabi nya ay napakunot lalo ang nuo ng aktres.Pero hinayaan nya lang sya na tapusin ang kanyang sinasabi.









"Mahal kita,mahal na mahal parin kita."Muntik naman mabilaukan ang dalaga sa mga huling salita na narinig nya kay Neil.Tiningnan sya ni Aeona ng mabuti.Sincere ang pagkasabi nya,nakikita ng dalaga sa mga mata ng binata ang labis na pagmamahal na may kasamang pagsusumamo sa kanya.Hindi alam ni Aeona ang sasabihin at napatulala lang sya."Sabi na nga ba,kaya di ka maka respond sa mga linya ko.Tama ang aking hinala na hindi mo binasa ang script.Ito na ang next scene ng palabas natin sa TV.Hindi mo manlang nahalata ang ginagawa ko."Halos patayin na sa titig ni Aeona si Neil.Hindi makapaniwala ang dalaga na pinaasa lang sya ng kaibigan.Ano pa nga ba ang aasahan nya sa Best Actor ng MMFF ngayong taon.Nakadagdag pa sa inis nya ang malakas na halakhak ng aktor na tuwang tuwa dahil napaniwala sya."Sorry ha,di ko kasi binasa ang part ng script na sinabi mo."Sarcastic na sabi ni Aeona, napaniwala kasi sya.Inakala nya na totoo na ang mga sinabi ng binata.Napatunayan nya talaga na napaka galing nyang aktor.












"Wait,dinala mo ba ako dito sa resturant ng pinsan mo para lang sa pag practice mo ng mga linya.At pina-VIP mo pa tayo para dalawa lang tayong kakain dito.Inaaksaya mo ang kita ng resturant."Naiinis parin na sabi ni Aeona.Marahas nyang hinati at nginuya ang steak dahil sa inis.Malawak naman ang ngiti ng aktor dahil sa pagkaaliw."Ano bang inakala mo?Nagutom kasi ako dahil sa shooting natin,nakakapagod at na bored ako kaya nag practice mo na ng linya ko sa script."Parang napahiya naman ang dalaga sa sinabi ng binata.Inakala nya kasi na nagselos si Neil kay James kaya nya sinabi na may dinner sila kahit wala naman talaga."Pagod ka pa salagay na yan at nagawa mo pa talagang mag practice."







Hindi na sumagot ang aktor at hinayaan na lang na lumipas ang inis ni Aeona.Sandaling namayani ang katahimikan sa kanila."May gusto ka ba kay James Reid?"Nabigla naman si Aeona sa biglang tanong ni Neil.Seryuso ang lalaki."Bipolar talaga."Sa isip-isip na sabi ng dalaga."Crush ko sya."Kaswal na sabi ni Aeona kay Neil.Napansin ng aktres ang pagbabago ng kanyang awra.Tingin nya ay nagalit ang aktor sa kanyang sagot."Avoid him,di mo pa sya totoong kilala.Malay mo ba kung anong motibo nya sayo."Ngayon naman umaaktong protective best friend si Neil.Na lalong nakapagpalito sa dalaga.














"Kailangan ba palagi ng approval mo sa lalaking magugustohan ko?Hindi mo rin kilala si James,kaya dapat di mo sinasabi yan."Cold na sabi ng dalaga sa binata.
Naglaho ang pagka seryuso ni Neil,napalitan ng pag-aalala at lungkot ang nadarama nya.Bahagya syang nasaktan
sa katotohanan,wala syang karapatang pagbawalan na magkagusto sa iba ang matalik na kaibigan."I'm just concern as your friend. "Nabigla naman si Aeona na marinig ang pagsuko ni Neil sa argumento. Kadalasan kasi sya ang laging talo sa binata at pag tumahimik na ay susuyuin na sya ng kaibigan.Pero iba ang nagyari ngayon.Napansin din nya na parang nasaktan ang aktor sa sinabi nya.













"I understand that you're concern as a friend.But can you just be happy for me?Can you just be happy that I have a chance with my crush?Chance that you blown away."Natahimik na lang si Neil at di na nakasagot pa sa mga sinabi ni Aeona.Alam nya kasi na tama ang sinabi ng matalik na kaibigan.Bakit nga ba hindi sya maging masaya para sa kanya?

Transfer Souls [Completed Story ] Where stories live. Discover now