Chapter 8

37 6 0
                                    

Nakauwi na ng bahay si Neil, pero binabagabag parin sya ng mga sinabi ni Aeona."Kailangan ba palagi ng approval mo sa lalaking magugustohan ko?Hindi mo rin kilala si James kaya dapat di mo sinasabi yan."Naalala nyang sabi ni Aeona.Nakapasok na sya sa kwarto nya.Pinatugtog nya ang kanta na laging nagpapakalma sa kanya pag nalilito o kaya gusto nyang makatulog agad.

(N/A:Now playing :Oceans Where Feet May Fail,Hill Song )

You call me out upon the waters

The great unknown where feet may fail

And there I find You in the mystery

In oceans deep My faith will stand

And I will call upon Your name

And keep my eyes above the waves When oceans rise

My soul will rest in your embrace

For I am Yours and You are mine

Di lang halata pero dating maka-Dyos talaga si Neil,kahit pinaulit-ulit
nya na ang kanta.Hindi parin mawala sa isip nya ang mga nangyari sa resturant.Yun lang ang gumugulo sa kanya hanggang sa makatulog na lang sya.

Nagising si Neil dahil sa ingay na nanggaling sa bintana nya.Nagulat sya ng makita na bukas na ang bintana."2:00 am.Great,it's really great."Matapos isarado ni Neil ang bintana ay naghanda na ulit syang matulog.Nakaramdam sya na tila may nagmamasid sa kanya sa kung saan.Nakadama sya ng kaba na ngayon nya palang naramdaman.Wala sa ugali nya na mabilis matakot,kaya ganun na lamang ang pagtataka nya.



"Sinong nandyan?!"Hindi nag-iisa si Neil sa bahay nya dahil may mga katulong sya at body guards.Alam nyang walang ibang tao na basta-basta na lamang makakapasok sa bahay.Nakarinig sya ng mahinang kalabog sa basement.Kahit kinakabahan ay tinungo nya ang nasabing lugar.Bago umalis ay kinuha nya ang kanyang baril.


Ng makapasok na sa basement,ganun na lamang ang gulat nya ng biglang sumarado ang pinto.Walang ilaw sa kwarto.Pero nakikita nya parin ang paligid nya dahil sa ilaw ng buwan na nakakapasok sa bintanang nakabukas.Napansin nya ang isang anino na papalapit sa kanya.Hindi nya makilala ang nagmamay-ari ng anino,dahil sa aparador na nasa pagitan ng kinalalagyan nya at ng kabilang bahagi ng kwarto.Mas lalong bumilis ang tibok ng puso nya.Tinutok nya ang baril sa papalapit na tao.


"Sabihin mo sino ka?!Paano ka nakapasok sa bahay ko?"Ng nakalapit ay agad nyang nakilala ang may-ari ng anino."James,anong ginagawa mo dito sa ganitong oras?!"May kakaibang napansin si Neil sa kanya.May misteryusong awra si James na iba sa nakasanayan ng aktor pag-nasa shooting sila.Kakaiba rin ang tindig nito na nagpakilabot sa binata."I'm sorry to disturbed you Yurres.Wag na tayong magpaligoy-ligoy pa.Nandito ako upang may ipaliwanag sayo Neil."Napalunok naman si Neil ng tawagin sya sa totoo nyang pangalan."Ano bang sinasabi mo?"Nagmaang-maangan na sabi ng binata,kahit sa totoo lang alam nya ang sinasabi ni James.

Transfer Souls [Completed Story ] Where stories live. Discover now