Chapter 10

44 6 0
                                    

"Kung mayroong kakampi,may kaaway ka rin."Paliwanag ni Gabriel,sinabi nya rin na isa si Lucifer sa mga hadlang para hindi makasatuparan ang kailangang gawin ni Neil.Kaya pansamantalang pinatira ang Anghel sa bahay ng aktor upang mabantayan nya ang binata.





Sa pagsapit ng gabi,isang tawag ang umantala sa pahinga ni Neil.Pungas-pungas ang mata na sinagot nya ang tawag sa telepono."Gising na sya!Magandang balita yan salamat.Oo,pupunta agad ako sa ospital."Pagkarating ni Neil at Gabriel sa ospital ay nadatnan nilang tulala ang kanyang pinsan.Muntik ng mapamura ang totoong Yurres ng malaman na nagkapalit sila ng katawan,at ang ginagamit nyang katawan ngayon ay kay Neil.







Ipinaliwanag ni Neil kay Yurres ang mga nangyari at dahilan kung bakit sila nagkapalitan.Nahinto ang pag-uusap nila ng may nakakasilaw na bagay ang biglang lumitaw sa kwarto.Lumitaw si Michael, isang lalaki na mahahalatang Anghel din dahil sa pakpak nya,at ang walang malay na si Aeona na buhat ni Michael."Paumanhin sa aming paggambala,kailangan na nating umalis dito."Hinihingal na sabi ni Michael.Nilapag nya si Aeona sa couch,nilapitan ni Neil ang aktres at tiningnan ang kanyang lagay.






"Bago pa kayo mag-isip ng kung ano-ano,magpapakilala mo na ako.Ako si Raguel isa sa mga Archangel ng Panginuon tulad ni Michael.Niligtas namin si Aeona mula sa tangkang pagdukot ni Lucifer sa kanya.Kailangan na natin umalis,papunta na dito ang mga demonyo upang magtangka ulit na kunin sya."Mahabang paliwanag ni Raguel na nakasagot sa mga tanong ng isipan nina Yurres,Neil at Gabriel.Nagbihis muna si Yurres upang mapalitan ang hospital gown na suot nya.Habang nagbibihis sya,naglabas ng mga sandata si Michael at kanya-kanya na ang kuha dito.Pinaliwanag ni Michael na hindi nawawalan ng bala ang mga baril na dala nya.Ginising narin ni Neil si Aeona at pinaliwanag sa kanya ang lahat.Hindi man makapaniwala, bahagyang napakalma ang aktres dahil sa mga sinabi ng binata.




Handa ng umalis ang lahat ngunit nakuha ang atensyon nila ng mga ingay sa labas ng kwarto.Nakarinig sila ng malalakas na kalabog at biglang pagtahimik ng paligid na tila wala na ang mga nurse sa ospital."Nandyan na sila."Sabi ni Gabriel na agad na tinutok ang baril sa pintuan.Nasabi rin kanina ni Michael na ang mga bala ng mga baril ay kayang makapanakit sa mga demonyo o ano pa mang masamang nilalalang.Nakatutok na rin sa pintuan ang lahat ng kanya-kanyang baril na napili ng bawat isa.Nang walang ano-ano ay nabaklas ang pintuan at hinatak ito palabas ng kung sinong nilalang.Pinaulanan ng bala nila Neil ang nilalang na nasa pintuan.Tumambad sa harap nila ang isang lalaki na ngayon pa lang nakita ni Neil,tiyak nyang hindi ito si Lucifer dahil ibang-iba ang itsura nya sa demonyong umataki sa kanya sa Daang Hari.






"Anak nang!"Bulyaw ni Gabriel.Halata sa kanya ang takot na ngayon pa lang nakita ni Neil,simula ng makasama nya ang Anghel.Pinaputokan ulit ng walang sawa ni Michael ang demonyo.Sinira naman ni Raguel ang bintana ng ospital."Kumapit na kayo sa amin,kaylangan nating tumakas dito!"Sigaw naman ni Gabriel.Sinunod naman sya nila,dahil alam nila na kung sino man ang nilalang na kalaban nila ngayon ay makapangyarihan sya.Dumaan sila sa bintana para makatakas at gamit ang mga pakpak ng mga anghel ay lumipad sila hanggang matakpan ng iilang ulap ang kanilang mga katawan.Hindi pa natatapos ang lahat sa pagtakas nila.Maging sa kalangitan ay sinundan parin sila ng isang grupo ng mga demonyo.







Transfer Souls [Completed Story ] Där berättelser lever. Upptäck nu