Chapter 3: Changing Forms

4.4K 141 7
                                    

A/N: This chapter is dedicated to her, one of my silent readers. Simula sa ‘Book I: A Secret Prophesy’ ng ADK series, nandiyan na siya. At isa din siya sa mga nangungunang nagbabasa ng ADK series tuwing may updates. Nakikita ko siya lagi sa notifications dahil sa votes. Masasabi kong isa siya sa mga kauna-unahang silent reader ng ADK! ^__^V

Thanks sis at pinagtiyagaan mo ‘tong kaweirduhan ko mula noon hanggang ngayon. Ehehe. Take care!

Happy reading guys!

*********************

Chapter 3

“Not again!” Nahulog na naman ang ice cream ni Jana sa kalsada.  For the second time, hindi na naman niya nakain nang maayos.

At sa uulitin, iisang aura lang ang nararamdaman niya.

Sila na naman.

Kung pwede lang makapatay ang isang matalas titig, kanina pa namatay ang demonyong nasa harapan niya. “Nakadalawa ka sa akin!” Bulyaw ni Jana. They could change their forms but not their demon symbols on their bodies. Bawat demonyo ay may sari-sariling kakaibang na simbolo na makikita sa kahit anong parte ng katawan. It was like a birthmark if it was being compared to humans. Ang pagkakaiba nga lang, umiilaw ito tuwing nakikita niya. Isa si Jana na binibiyayaan ng kakayahang makakita ng demon symbol sa isang tinginan lang gamit ang kanyang naiibang mga mata.

Sa paningin ni Jana, kusang umiilaw ang mga demon symbols kahit nakatago pa ito sa parte ng katawan.

Kapareho ng mga mata ng isang demon hunter, pareho ang natatanging kakayahan pero magkaiba ang kapangyarihan.

The demon infront of her was huge. Sobrang itim ang kulay ng mga mata kagaya ng dilim mismo na bumabalot sa kanila ngayon. Mahahaba ang pangil pati rin ang mga kuko nito. But they were not totally transformed by a fully demon type of body. Mukha lang nila ang nagbago pati na rin ang kanilang mga balat pero wala silang mga buntot at pakpak. Sila ang mga klase ng mga demonyong hinawaan lang. They were somewhat a vampire and yet they didn’t feed by blood.

Kung bampira pa, hinahawaan nila ang tao sa pamamagitan ng sapilitang pagkagat sa leeg ng kanilang mga biktima. Itong mga klase ng demonyo, naging demonyo dahil ginusto nilang maging demonyo. They sold their souls to be what they were now.

At dahil wala na silang kaluluwa, kinakailangan nila ang kaluluwa ng iba para mabuhay.  In order to prolong their life, they needed other souls to live.

“Give us your soul, freak!”

Freak.

Ganoon pa din ang endearment ng isang ‘to sa kanya. Nothing was change at all.

Napatawa nang wala sa oras si Jana. “Wow! Look who’s talking. Kanina ang number ko, ngayon naman ay kaluluwa na? Lumilevel up kayo ah.”

Nagkatinginan ang dalawa sa sobrang gulat. They never expected her sarcastic words.

 She recognized them.

Nakikita ‘yun sa mga mata nilang titig na titig sa kanya, punong puno ng pagtataka at pagkagulat.

“What are you?” Tanong ng isang demonyong tinitingnan si Jana mula ulo hanggang paa. Isang tinging pinag-aaralan ang kanyang tunay na katauhan. “Are you one of us?”

Binatukan ng isa pa ang nagtanong.

“Bobo! Mukha ba siyang demonyo?”

“Malay natin. Baka magaling lang talaga magpanggap ang isang ‘yan.”

“Wala siyang simbolo sa katawan.”

Kailangan nilang manigurado kaya lumapit pa lalo ang isa sa kanila kay Jana.

ADK III :  A Poison Love (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon