Chapter 27: The Last Tears

2.2K 91 6
                                    

A/N: Short UD only. Pinipilit ko naman eh. Promise. *pout*

Pwede niyo na ako batukan. Huhuhuhu. Pero good  news, may plot na ‘to hanggang Epilogue. :)

I hope I will post the next part by tomorrow.

******************

Chapter 27

Part one : The Last Tears

“I’m glad you’re still sane,” pangiting sabi ni Silver sa kanyang kinakapatid habang pinipilit niyang kinakaya ang matinding sakit sa mga natamong sugat. Pero wala na yatang mas titindi pa ang makitang nasa kabilang panig ang isa pa niyang kapatid na kasalukuyang kinakalaban siya.

Ngumiti muna si Sapphire habang nagtalikuran na sila at kanya-kanyang humarap sa kanilang tutunggaliin. Si Sapphire na laban kay Amelia at si Silver na kaharap naman si Axel. Ang lahat ay gustong manalo at lahat sila ay may kanya-kanyang ipinaglalaban.

“Alangan namang pababayaan lang kita, kuya sa mga katangahan mo.”

Tumawa lang si Silver sa naging sagot niya. Kahit paano, sa isang simpleng pagtawa nito sa kanya ay nabawas-bawasan ang tensiyon sa pagitan nilang lahat.

“Kung ako ang tanga, at least hindi ako nagpadaluy-daloy ng hakbang kagaya mo. You pretended to be a villain for Olympus sake! Nasa’an ang matinding plano diyan?”

“Well at least I know something about them. At hindi naman ako namatay, hindi ba? I’m still breathing, big brother.”

“Not for long,” sabat ni Amelia na halatang gustong-gusto na siyang patayin nito.

Hindi alam ni Sapphire kung ano ang gagawin niya sa babaeng kanyang kaharap. Mas madali yatang magpanggap kaysa sa magpakatotoo. Ilang araw na din niyang inaaral ang buong lugar at pati na din ang mga nilalang na nasa loob nito—including her brother’s sister.

Hindi talaga niya maintindihan kung bakit nagbuwis ng buhay sina Silver at Xien sa isang babaeng wala namang pagpapahalaga sa mundo. Ni hindi nga nito pinapahalagahan ang kani-kanilang sakripisyo para lang sa kanya.

Hindi man nagkukwento si Xien pero kahit na magkalaban na ang turing ng dalawa sa isa’t-isa, Silver could still reminisce their beautiful past when both of them were talking about it. Alam niya na sa puso ni Silver ay hindi naman talaga tuluyang naglaho ang mga magagandang alaala nila sa pagitan ni Xien.  She knew that they were just blinded by hate but their friendship was stronger than what they thought of.

“Traydor!” sigaw ni Amelia na halatang gustong-gusto na siya nitong sugurin. “Magsama kayong dalawa ng wala kong kwentang kapatid!”

Inirapan lang siya ni Sapphire sabay nginitian ito na katumbas sa isang ngiting demonyo! “Hey you, demon. Ang lakas mo namang manlait samantalang pinili mo namang maging mas mababa pa sa estado mo noon. Who’s worthless now?” sabay tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa.

Nakita ni Sapphire ang matinding inis sa sinabi nito, “Worthless? Tanungin mo ulit ‘yan sa akin pagkatapos kitang patayin.”

Pero hindi nagpatinig si Sapphire, “Masyado kang masatsat para sa isang babaeng wala naman talagang karapatan.”

Tiningnan niya si Silver na pawang nananahimik lang. Sapphire couldn’t read Silver’s thoughts.  Pero alam niyang nasasaktan siya sa nakikita niya ngayon. She knew how he missed his sister so much. Minsan pa nga, dumadating sa puntong hindi lang si Xien ang sinisisi nito sa pagkamatay ni Amelia kung ‘di ang sarili niya mismo. Pero ngayon, dahil sa kalokohan ni Daegon, nalagyan ng lamat ang pagmamahal na ‘yun.  Every time he took another glance with his beloved sister, there was no any resemblance anymore.

Wala na ‘yung babaeng lagi niyang pinuprotektahan kahit lampa. Wala na ‘yung babaeng nakakabata niyang kapatid na kahit na wala sa lugar paminsan minsan, na kahit na gustong makuha ang nais niya, ay nananatili pa rin ‘tong isang magandang bulaklak sa kanyang mga mata hanggang sa alaala.

Everything seemed to vanish in a split of seconds…

At mas lalo pang bumibigat ang kanyang pakiramdam sa tuwing nakikita niyang magkaharap sa isang labanan ang dalawang babaeng kanyang minamahal.

“You should know how to give focus, dark hunter…”

Isang malakas na hangin na may kakaibang particles ang sumasama nito ang nagpabagsak kay Silver na nahulog sa building. Mabilis na nag-isip si Silver kung paano ‘to tatakasan ang pagkahulog nang tuluyan sa isang building na may thirty floors.

“Sh*t!”

Nalaman niyang hindi na niya magamit ang kanyang telekenis abilities niya.

Tumingin siya sa kanyang itaas at may napansin siyang isang silver na kadenang mas mabilis pang mahulog kaysa sa kanya.

“Kuya! Grab the chain! Fast!” sigaw ni Sapphire pero bago pa niya nahawakan ‘yung kadena, hinagisan naman ni Amelia si Sapphire sa ulo gamit ang giniba nitong pintuan sa may ‘exit stairs’. Nabitiwan ni Sapphire ang kadena habang nakaluhod naman siya sa impact ng pagkapalo nito. Isa pang palo sa may likuran na siyang nagpaluhod sa kanya nang husto bago siya bumagsak sa semento.

“Sapphire!!” pagsisigaw ni Silver na punong-puno ng pag-aalala pero siya din mismo ay nanganganib na rin. He was falling too fast, at kapag wala siyang gagawin, tuluyan na siyang mamimiligro.

Walang kapangyarihan, ginamit niya ang kanyang sariling lakas para hindi tuluyang mahulog. Mabilis niyang kinuha ang kutsilyo sa magkabilaang boots niya at isinaksak sa pader ng building para bumagal ang kanyang pagbagsak saka siya tumalon sa pinakamalapit na veranda.

Sapphire didn’t answer back na mas lalong nagbibigay sa kanya ng pag-aalala.

Amelia was no longer his concern. Napunta lahat sa babaeng walang ginawa kung ‘di alagaan siya kahit sobra ng tigas ang kanyang ulo at palagi siyang nakakawala ng pasensiya.

“We’re not through with you, worthless!” sigaw ni Axel sa may rooftop hanggang naramdaman na lang niyang lumulutang na naman siya sa ere, paakyat. Pero imbis ibaba siya nito nang maayos, ginagis pa siya sa may malaking tangke ng tubig.

Nayupi kaagad ang bakal sa tindi ng impact na ‘yun.

“How’s your body? Masarap ba ang pakiramdam na maging mortal? Hindi naman ‘yan permanente pero sapat na ‘yan para mapatay kita sa lalong madaling panahon.”

“Too coward and weak, Axel? Ginamitan mo pa talaga ako niyan para matalo lang?”

“Shut up!”

Sumugod kaagad sa kanya si Axel habang katingin naman siya sa isang eksena na hindi kalayuan sa kanya.

‘Yung kadenang hawak-hawak ni Sapphire kanina ay nasa leeg na niya ngayon, choking her to death. Habang nasa kanyang likuran naman si Sapphire at mas lalong pinapadiin ang kadena sa leeg ni Saaphire.

“Worry for your life!” Sinipa siya ni Axel sa may tagiliran.

Kapwa sila nanghihina ni Sapphire samantalang para bang lumalakas pa sina Axel at Amelia. Was this really the end?

 Losing....

                                                                                                                                                                                       

ADK III :  A Poison Love (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon