Chapter 20 : A Piece of Heaven

2.6K 98 6
                                    

Chapter 20 : A Piece of Heaven

“Damn you, Ayden! Gusto mo ba ako mamatay?” natatarantang sabi ni Xien habang pinipilit niyang maglakad sa pinakamalapit na lilim. Sunlight could kill him instantly. Inilayo nga siya kay Hades, inilapit naman siya sa disgrasya.

Pero tumawa lang nang malakas si Ayden. Hindi ito nagustuhan ni Xien. Paano niya nagagawang matawa sa sitwasyong ikapapahamak niya?

Pagkatapos niyang magpakasal kay Fate, nagiging masayahin na si Ayden sa puntong halos ikagugulat na niya ang pag-iiba nito ng ugali. Maybe this was him before he turned into someone else.

“Oh calm down, Xien. Hindi ka mamatay dito.” Naglakad si Ayden papalapit sa kanya sa kung saan nagtatago siya sa lilim ng isang punongkahoy, “Just enjoy the sunlight for the first time.”

“How can I enjoy something that means death to me?”

“Kanina ka pa sana namatay pagkadating na pagkadating nating dito.”

He had a point. Bakit nagawa pa niyang makatakbo, without even burning his skin? Ngayon lang niya napansin na may kakaiba sa lugar na ‘to.

“Where are we?” tanong niya habang pinipilit na ilagay ang kanyang mismong daliri sa sinag ng araw at nalaman niyang hindi nga siya napapaso. It felt warm on his skin. Sa kauna-unahang pagkakataon, pagkatapos ng ilang daang taon na nakalipas, hindi siya natakot lumabas sa liwanag.

“I am so liking this place!” sigaw ni Jana kaya napalingon tuloy silang dalawa sa kanyang gawi. She had changed into her real form. She was extremely beautiful. “Bakit bumalik ako sa dati?”

“No sis,” pagtatama ni Ayden, “Hindi ka bumalik sa dati dahil hindi ka naka-demon form. Isa ka pa ring tao. Pero ‘yung kasunduan niyo ni Hades na mag-iiba ang anyo mo ay kusang mawawala sa lugar na ‘to. This place is made to make everyone turns to a normal being. Binuo ang lugar na ‘to para mapanatili ang tunay na anyo ng isang nilalang na nagkukubli sa isang natatagong sumpa.”

”I never heard this place before,” palinga-linga pa si Xien.

If this place did exist, bakit ngayon lang niya nalaman?

“Saan na ba tayo?” pati si Jana ay nagtataka na rin.

Tahimik ang buong lugar. Isang lugar na kung saan ay napupuno ng mga halaman at bulaklak. Halos lahat ng bahay ay may mga tanim na bulaklak sa kani-kanilang bakuran. Maganda din ang sinag ng araw. Nagbibigay ng kapayapaan sa loob, walang magawa si Xien kung ‘di ang mapamangha.

This place was almost near into its perfection.

“Nasaan ang mga tao?” pangalawang tanong ni Jana habang unti-unting lumalapit kay Xien. Isang nilalang na panggabi, may mas ikagaganda pa pala si Jana sa tuwing dumadampi ang sinag ng araw sa kanyang balat. Lumapit siya sa kanya at hinawakan nito ang kanyang kamay na parang batang sobrang excited, “Tara hunter! H’wag ka na magtago diyan. Hindi ka mamamatay!”                                                                                                                                                                                  

Kakaiba ang pakiramdam na may isang nilalang na gustong hawakan ang kanyang kamay na punong-puno ng kasiyahan ang mukha. Sa isang iglap, gusto munang kalimutan ni Xien ang hinaharap at pagsaluhan ang mga nalalabing araw na kasama ang demonyong ‘to.

Masakit isiping ilang araw na lang at tuluyan ng mawawala sa kanya si Jana.

Parang isang hangin na dumaan lang sa buhay niya.

ADK III :  A Poison Love (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon