Chapter 22: A Broken Love

2.8K 101 12
                                    

Chapter 22: A Broken Love

“Saan ka pupunta?” tanong sa kanya ng reyna ng mga cacodemons.

Tumayo si Daegon sa higaan, still half-naked pero wala siyang pakialam.  Wala sa lugar na ‘yun ang kanyang isip kung ‘di sa demonyong nagbigay sakit sa kanyang ulo. Lumingon siya sa reyna habang nakahiga pa rin sa kama na ‘yun.

They made love. Pero hindi talaga ‘yun ang gusto niya. Hindi siya.  Hindi ang isang ‘to na katawan lang ni Nuwe ang mayroon. He still felt empty. Walang siyang maramdamang init sa reyna. He had felt even colder as he tried to take a glance on the queen’s face.

“Pupuntahan ko si Nuwe,” mahina niyang sagot. He was no good. Anything was possible for him to find her. Damn his heart. Damn his life. And damn this cruel fate.

Alam niyang nakasimangot ang reyna sa kanya pero wala na rin siyang pakialam. He’d vanished into thin air and went to the place where he and Nuwe had first met.

Napatingin siya sa kawalan habang pinagmamasdan ang isang naiibang puno sa kalagitnaan ng gubat. Ang dating malaparaisong hardin ay naging masukal na gubat na ngayon. Napaupo siya sa lilim ng punong kumikinang na parang ginto. Sa tuwing namimiss niya ang kaisa-isang babaeng minahal niya, dito pumupunta si Daegon.

This was his only solace.  His haven. His memories.

He would never forget their memories; kung paano sila unang nagkita, kung paano nila inaalagaan ang isa’t isa, kung paano nila ipinaglaban ang kanilang prinsipyo, at kung paano sila nagmamahalan.

Nuwe was his first love. No. The only creature that he had loved. At gan’un din si Nuwe, minahal siya ni Nuwe kahit labag ito sa kautusan. Demons were supposed to be numb pertaining to that emotion. Pero dahil kalahating demonyo lamang siya, minahal pa rin siya ni Nuwe.

He still remembered how they’d kissed…their first kiss.  It was so magical. Kahit ilang daang taon na ang lumipas, hindi pa rin nawawala sa isipan ni Daegon ang halik ni Nuwe. It was soft, warm, and inviting. There was no coldness except her warmth presence.

Sa piling ni Nuwe ay buong-buo siya.

Masaya siya sa tuwing nakikita niya si Nuwe na tumatawa at ngumingiti na para lang sa kanya. Namimiss niya ang malumanay nitong boses na nagsasabi na kung gaano siya nito kamahal. He had missed everything about her.

Napapikit si Daegon sa sakit. Isang klase ng sakit na hindi kaagad mawawala o baka hindi na nga. Masakit makitang nalalagutan ng hininga ang babaeng naging sentro na ng kanyang mundo. Pero mas masakit malamang siya ang dahilan kung bakit nawala sa kanya si Nuwe nang tuluyan.

Because he loved her…

At ngayon, bumabalik na naman ang lahat ng sakit kasabay ang pag-asang mamumuhay sila ni Nuwe ng tahimik at malaya. He had waited all these years for this day to come.

Pero bakit ang sakit? Bakit mas masakit?

Dahil ba walang maalala si Nuwe sa kanilang nakaraan? O dahil ba, hindi na siya ang kasama ni Nuwe sa mga oras na ‘to?

He hated The Fates even more. How could they let her live again in the arms of another man? At ang mas malala pa niyan, sa kadami-dami ng lalaking kasama niya, bakit si Xien pa?

Dammit.

His tears fell down instantly. May luha pa pala ang isang tulad niya.  He betrayed his own mother, he made an army to destroyed the demon hunters, and he did everything to prolong Nuwe’s body, and for what? For treating him like this?

Isa lang naman ang gusto niya, ang makasama ang kanyang pinakamamahal. Pero bakit ang hirap? Bakit hindi siya maiintindihan ng lahat? Bakit hindi umaayon sa kanya ang kapalaran?

ADK III :  A Poison Love (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon