Chapter 28: Touching an Impossibility

2.3K 81 7
                                    

A/N: Yey! Two chapters more before Epilogue. Steady lang guys, aabot din tayo sa Finale. :D

PS: There is a part in here that’s more like a teaser to Book Five. Happy reading.

Unedited.

**********************

 

Chapter 28: Touching an Impossibility

Part Two

 

Dumating si Ayden sa nasabing tagpuan sa tamang oras. Napagplanuhan na nila ni Sapphire at Nyx ang lahat kung paano makakapasok sa kuta ng mga cacodemons. They actually didn’t like the idea of her, pretending to be one of them, pero ‘yun pa din ang pinakaswabe na paraan sa lahat.

It was their plan that she would turn against them and believed those stupid demons that she was one of them.  Medyo mahirap n’ung umpisa pero nang magtagpo siya at ang iba at kunwari’y kinakalaban niya ang mga ito, she proved her worth to them.

Kung tutuusin, magaling talaga si Sapphire. Her fighting skills were unbelievable and her knowledge was way beyond a great fighter. Kaya siguro naging malaki ang kompiyansa ni Nyx kay Sapphire.

Nasa ilalim siya ng malaking puno sa kalagitnaan ng sementeryo. May invisible barrier ang puno mismo kaya hindi siya nararamdaman ng mga cacodemons na dumadaan lang sa kanyang harapan. Malamang may kinalaman si Nyx sa barrier ng punong kinatatayuan niya ngayon.

Ayden watched those ugly creatures passing him by. He’d never seen these creatures before.

Alam niyang demonyo si Jana pero hindi niya alam na may ilalawak pa pala ang mundo ng mga ‘to. They were some kind of a virus. Mabilis makahawa. Mabilis kumalat. At madaming apektado, lalong-lalo na ang mga tao.

“Kanina ka pa, diyan?”

He turned around and saw Sapphire and Silver who were deeply wounded.

“Anong nangyari?”

“Nothing much,” sagot kaagad ni Sapphire, “Everything is under control. Tuloy pa din ang plano. Hindi pa din sila nakakahalata sa loob. Napasubo lang kami ni kuya sa labanan. Pero wala pa din naman silang alam sa mga nangyayari.”

Sumandal si Sapphire sa puno habang si Silver naman ay malayong nakatingin sa ibang direksiyon.

“Nag-away ba kayong dalawa?”

Sabay silang nagkatinginan kay Ayden na para bang naguguluhan. “Just curious. Hindi kasi kayo nag-uusap eh. Nakakapanibago.”

Kibit-balikat, hindi na lang, hindi pinansin ni Ayden ang pananahimik ng dalawa. He had sensed that there was something wrong between them, pero ayaw na nagfocus siya sa isang kantong bigla-bigla na lang nawawala ang mga cacodemons. He knew it. That was their way in.

N’andito na ba ang lahat?”

Napatingin silang tatlo sa bagong dating at akay-akay pa si Jana sa kanyang mga bisig—si Nyx.

Mabilis silang pumunta sa gawi ni Nyx habang paunti-unti namang ibinababa sa lupa ang katawan ni Jana.

“Is she okay?” pag-aalalang tanong ni Sapphire. Alam niyang hindi naman sila gan’un ka-close sa isa’t isa pero nalulungkot pa din siyang makita ang kalagayan ni Jana.

Namamalat na nang husto ang balat ni Jana habang para nang nawawalan ng tubig ang buo nitong katawan. Tuyong-tuyo na halos nakakatakot nang hawakan.

ADK III :  A Poison Love (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon