Chapter 24: Mortality (Part 2)

2.2K 92 9
                                    

A/N : I’m not feeling well.  Pero pinilit ko pa ding mag-UD.

On-hold muna ang short novel, “The Lost Chapters of Atlantis” kung saan naging Atlantean Queen na si Minerva at ‘yung short story, “The Forgotten Vow” kung saan nilagyan ko ng love story ang mortal body ni Medusa—two of my sequels in “The Cupid’s Slave” book.

Remember Jewel? :)

Tatapusin ko muna ang story na ‘to.

But you can check them out if you like. ;)

Happy reading!

-          Kyrian18

************

Chapter 24: Mortality

Part Two

It was supposed to savor the sweetest kiss he’d ever tasted, pero hindi ‘yun ang nararamdaman ni Xien. He felt nothing. There was no desire of pulling her closer next to him.

Napatigil siya habang unti-unting tinutulak papalayo si Jana na siyang nagpasimangot nito.

“What’s wrong? Hindi mo ba nagustuhan ang halik ko?” tanong niya na may halong pang-aakit sa kanya, “I can see you whatever you desire,” pangiti nitong dagdag.

Isang matalas na tingin ang binigay ni Xien at tiningnan niya ito sa mga mata, “Masyadong inosente si Jana para halikan ako nang ganito.”

Tama. Inosente si Jana sa mga ganitong bagay pero si Jana lang din ang gusto niyang mahalikan sa labi—no one else.

“Stop fooling around, Nimfa!” napasambit siya. Water nymphs can be this playful if they wanted to. Kaya nilang magpalit ng anyo at baguhin ang sarili kung gugustuhin nila.

Xien folded his arms, lumayo na din siya ng k’unti at tinitingnan si Jana na para bang ibang tao dito. Kamukha nga nito ang kanyang pinakamamahal pero bakit wala siyang maramdaman?

Ngumiti si Jana sa kanyang harapan, “Pagkatapos mo akong halikan, pagkatapos nating pagsaluhan ang isang matamis na halik, ngayon, para ka namang nag-rereact diyan na hindi mo nagustuhan?”

Hindi makapagsalita nang maayos si Xien. Isang mapaklang tingin ang binigay niya para sabihing isang pagkakamali ang ginawa niya kanina. He shouldn’t kiss her in the first place.

Sa ngayon, iisa lang ang masasabi niya. This woman was not his Jana.

Impostor.

Mas lalong lumapad ang ngiti ng pekeng si Jana habang tinititigan siya nito, “I admit, mas masarap kang humalik kaysa kay Daegon.”

Sa binaggit nitong pangalan, mas lalong hindi na maipinta ang mukha ni Xien. He should have known. This woman was a demon.

Pero bakit kamukha niya si Jana?

Hindi siya mapakali. Kung isa lang siyang demon hunter, kanina pa sana niya nalaman na impostor ang isang ‘to. Kanina pa sana niya nakita ang demon symbol sa katawan nito.

“Demons can’t change other human forms aside from their own original forms,” pangiti nitong sabi na mas ikinagulo ng isipan ni Xien. How could that be?

Hindi niya alam kung sino ang demonyong ‘to at kung paano siya nakarating sa lugar na ‘to nang walang kahirap-hirap.

Hindi pa din lubog ang araw.

“Nimfa…” tinatawag niya si Nimfa sa kanyang isipan. Sigurado siyang hindi pa nakakalayo ang water nymph na ‘yun, “Nimfa?”

ADK III :  A Poison Love (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon