A/N: Sorry, ang tumal ng UD, sapagkat madaming balakid sa realidad. Maraming salamat sa pagbabasa ng aking mga nilikha. Bilang isang writer, masayang masaya ako na kahit papaano ay may kayang mag-appreciate ng mga sinusulat ko.
Baka makalimutan ko, sinisimulan ko ng ayusin ang mga sankatutak na mali sa Book 1: A Secret Prophesy sa kadahilang balak ko siya gawing self-pub book. (Matagal pa naman pero dadating sa puntong mababasa ko siya as a book) **cross fingers**
Happy reading everyone! ;)
********************
Chapter 11: Xien, Jana, and the Demons
Worthless demon hunters!
Kailangan na niyang umaksiyon kaagad para hindi sila magiging balakid pa sa kanilang malaking plano. Ngayon at alam na nila kung sinu-sino ang may kakayahang pumigil sa kanila, hindi siya magdadalawang isip na tuluyang paslangin ang mga ito.
Ano ba ang mas magandang sandata na mas hihigit pa sa kani-kanilang bangungot sa nakaraan?
Wala.
Napangisi na naman siya nang wala sa oras.
It was time to put an end to this, even the battle was not even been officially started.
They were demons. Demons didn’t have any compassion, sympathy, or kindness. That was not their nature and never would be. Isa lang ang kanilang pinaniniwalaan, iyon ay ang pagkontrol sa lahat ng bagay kasama na rito ang kapangyarihan para mas angat sa iba. At wala silang pakialam kahit sino ba ang magsasakripisyo o masasakripisyo marating lang ang rurok ng tagumpay.
Fair fight.
Wala sa bokabularyo nila ang katagang ‘yan.
*********************
Mula sa kakaibang panaginip, hindi na maintindihan ni Sapphire ang nangyari pagkatapos. She was all alone in the middle of nowhere—naked.
Ramdam niya ang matinding sakit sa kanyang buong katawan, ang hindi kayang pagtayo sa lupang basa at maputik, at ang duguan niyang mukha na humahalo sa ulang dumudulas sa kanyang balat. Ang kirot at hapdi na kanyang nararamdaman, buhat sa mga sugat na kanyang natamo, sa hindi niya maipaliwanag na pangyayari, para siyang binugbog nang paulit-ulit. Ganoon ang kanyang pakiramdam.
It was raining. Lightnings were some kind of a warning to heaven. Nasa loob siya ng isang malaking butas sa lupa na ginawang sadya ng tao. She was lying there helpless. She couldn’t move as the tiny droplets of rainwater slowly filling up the whole. Parang may isang alaalang sumagi sa kanyang isipan ngunit ayaw na niyang mag-isip pa. Impossible.
It was just a nightmare.
How could this be?
“Sorry sweetie,” isang lalaki ang dumungaw sa butas na kanyang kinalalagyan, “But we don’t think about sparing you now.” Sapphire’s eyes widened to see the face of a monster. Paano ba niya makalimutan ang isang mukhang sumira ng buhay at pagkatao niya?
She tried to move again, ngunit wala pa ding nangyari. Parang ayaw sumunod ng sarili niyang katawan. Sa sobrang hina, pakiramdam ni Sapphire, ito na talaga ang kanyang katapusan. Gustuhin man niyang ipalabas ang sarili niyang kapangyarihan ngunit wala man nangyari na para bang hindi siya isang demon hunter sa kanyang kalagayan.
“Sayang, gusto ko pa sanang tikman ang kululuwa mo,” another demon came, at doon lang ni Sapphire napagtanto na bumalik siya sa kanyang nakaraan, sa kanyang pinakanatatagong bangungot. Ang isang masalimoot na pangyayari ay hindi basta-basta mawawala sa kanyang ala-ala. Sa kadami-daming pwedeng balikan, bakit ito pa?
BINABASA MO ANG
ADK III : A Poison Love (✔️)
FantasyWas there any hope when all of his senses demanded him to kill her when his heart only wish was to spend a day with her?