Chapter 30: Unforgotten

2.5K 90 23
                                    

Chapter 30: Unforgotten

Part One

One year had already passed…

Nakatayo si Xien, kaharap ang isang pader na gawa sa salamin. Tumagos ang init ng sikat ng araw at dumampi ito sa kanyang balat. It still felt strange for him to be able to watch the beauty of the sunrise all over again.

Ayaw niyang pumikit, ayaw niyang managinip, dahil alam niya na sa bawat pagpikit ng kanyang mga mata ay gusto niyang masilayan muli ang maamong mukha ni Jana. The woman who never left his heart until now, bumabalik at bumabalik pa rin sa kanya ang kanilang mga alaala. They were not the perfect couple. Aminado siya na para silang kape at gatas sa tuwing nagkakasama. They yelled at each other like idiots, but he was yearning to hear her voice all over again.

Masakit pa din sa kanya ang ginawang desisyon ni Jana. She sacrificed her life for him. Bakit pa nga ba siya binuhay ng babaeng ‘yon kung hindi naman niya ‘to makakasama?

He felt like he was only dreaming of her and every part of his existence was trapped in a dream world—their own world. Parang panaginip na lang ang lahat pati na rin ang dati niyang nakagisnang buhay.

“Mr. Xien?” isang boses ang kanyang naririnig mula sa kanyang likuran, at tumambad sa kanya ang babaeng nakangiti na nakatayo pa rin sa may pintuan, “You’re early as ever, Sir. Ready na ang Board Room para sa meeting. I believe, Mr. Ayden is already there as well.”

Tumango lang siya sa kanyang secretary na umalis din naman kaagad. He took another glance unto the glass window pero wala naman talaga d’un ang kanyang mga mata, kung ‘di nasa kawalan na naman. Isang taon lang ang nagdaan at pakiramdam niya ay buong pagkatao na niya ang nagbago.

Hanggang ngayon ay hindi pa din siya makapaniwalang naaalala na siya ng mga tao sa kanyang paligid. He became a business partner to the multi-billionaire company, The Hunter Empire founded by Ayden. He never imagined himself in this kind of position or even this kind of life. Napabuntong-hininga siya habang nakatingin pa din sa kawalan. His life was almost perfect but it felt empty, so empty that he still couldn’t sleep at night, he was still longing for her love, and he was still living with incomplete world.

Tumalikod na si Xien at naglakad papunta sa Board Room. Lagi siyang naninibago sa tuwing binabati siya ng mga empleyado niya. It felt weird for him that people can remember him. Nakita niya si Ayden na nakaupo na sa loob at kasama ang kanyang sekretarya na lagi niyang ninanakawan ng tingin.

At sa bawat nakaw ng tingin ay parang bumabalik siya sa huling eksena na kahit anong pilit niyang kalimutan ay kusa namang bumabalik sa kanyang isipan.

**************

One year ago…

“Hades!!” Xien was yelling the god, “Hades! Bring her back!” Napaluhod siya sa kalagitnaan ng sementero na kung saan siya nabigyan ng buhay ulit. Nakatayo lang ang lahat sa ilalim ng puno habang siya naman ay nakaluhod sa putikan. Umuulan at halos malapit na ring magbukang-liwayway. Pero anong silbi ng sinag ng araw kung ang init sa puso niya ay tuluyan nang naglaho?

“Bring her back!” sumisigaw siya, hindi nakatingin sa kalangitin kung ‘di napakuyo sa lupa at nagsusumama sa isang diyos na alam niyang impossibleng kaawaan siya, “I know I screwed. Alam kong kasalanan ko ang pagkamatay niya. Kasalanan kong mahalin siya. Kaya mo siya ipinagkatiwala sa akin dahil inakala mong hindi ako iibig sa kanya. Patawad dahil pinahamak ko ang pinakamamahal mong anak. Patawad at hinayaan ko siyang mamatay. At patawad muli at dahil sa akin, tuluyan na siyang naglaho sa mundo. Please…bring her back to me.”

Kasabay ang pagdaloy ng kanyang luha ang pag-iyak ng kanyang kaluluwa sa sobrang pighati. He loved her so much. Mas masakit pa ang pagkamatay ni Jana kaysa sa pagkawala ni Amelia noon. Amelia wouldn’t sacrifice her own self for him, unlike her. She could save herself but instead she ended up saving him, bringing everything he had lost a long time ago.

ADK III :  A Poison Love (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon