Chapter 19: Selfishness

3.3K 107 2
                                    

A/N: Hi guys! Sorry for the late UD’s. Medyo nawala ulit sa emosyon (Hahaha! Silly me).  Eleven chapters more before Epilogue. More secrets to be revealed, more upcoming twists, and more unexpected scenes to read!

Happy reading!

_ Kyrian18

*************************

Chapter 19: Selfishness

“Oras na para kunin natin si Nuwe,” seryosong sabi ni Daegon habang nakaupo sa isang upuan na hindi naman kalayuan sa reyna ng mga cacodemons. Siya na lang ang kulang para makompleto na ang kanilang ritwal. He was getting more impatient.

Nakatingin siya sa demonyong kamukhang-kamukha ni Nuwe. Of course it must be. This queen had her former body. Mula ulo hanggang paa, kaparehong-kapareho ni Nuwe—ang babaeng kanyang pinakamamahal.

Mula sa isang kakaibang baso na hawak-hawak ng reyna, parang tubig na kanyang iniinom ang mga kaluluwa na nasa loob nito. Para mabuhay siya ng mas matagal at para mapanatiling maayos ang katawan, kailangan niya ng kaluluwa. Ngumiti ang reyna habang nakatingin sa kanya, “K’unting panahon na lang at makukuha ko ang ang nararapat na kaluluwa para sa katawang ito.”

Napangiti din si Daegon, “K’unting panahon na lang at mapapasakanya na ang kanyang pinaka-iniibig.”

“Bakit mo pa siya kailangan, eh n’andito naman ako, mahal kong Daegon,” pagpresenta ng reyna, “Anong silbi ng muling pagkabuhay mo sa akin kung iba lang din naman ang ‘yung kailangan?”

Hindi sumagot si Daegon. Even if he would say the reason, still she wouldn’t understand. The queen had no heart to feel. She was cold, unlike Nuwe who gave him warmth.

His love was selfish but still, it was love. Mahal na mahal niya si Nuwe noon pa man. They were partners in battling the demons. Naalala pa niya ang unang araw na nagkakilala sila ni Nuwe. It was midnight, and he was almost killed by a dozen cacodemons. Hindi niya napansin na isang patibong pala ang nangyari sa kanya. He owed his life to her. Kahit pa isa siyang diyos, cacodemons could drain his godlike powers. 

Pero nagpakita si Nuwe at iniligtas siya nito. He knew too well that she wasn’t ordinary.

Sa sobrang pagkagusto niya kay Nuwe, nagawa pa niyang hakungkatin ang katauhan nito at nalaman niya kung ano ba talaga siya.

She was a demigoddess.

Sa simula, natuwa si Daegon sa kanyang nalaman. There was a small chance to get her into his life. Pero pinatay ‘yun ni Hades. Ang kasalanan lang niya ay kadugo niya ang kaisa-isang diyos na gusto ni Hades paslangin—si Zeus.

Apo ni Zeus si Daegon.

Naalala pa niya ang mga una’t huling punta niya sa Underworld. He was asking the god of the Underworld for Nuwe’s heart. Pero pinagtatawanan lamang siya ni Hades. Hinding hindi niya makakalimutan ang araw na pinahiya siya sa unang pagkakataon.

He wanted Hades to suffer but he wanted Nuwe for himself as well.

“She won’t love the very reason why she died, a long time ago,” the queen reminded him.

Napasimangot si Daegon sa kanya, “She will love me,” paniniguro niya.

Tumawa sa kanya ang reyna, “Ano kaya ang mangyayari sa ‘yo kapag malaman ng ‘yong ina ang tunay mong ginagawa at nagbabalot-kayo ka lang sa kanyang harapan?”

“Hindi ako natatakot sa ‘king ina.”

“I doubt. After all, she is the goddess of fighting.”

ADK III :  A Poison Love (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon