Chapter 18: The Hopeless

3.3K 95 35
                                    

Chapter 18

Alam ni Nyx ang mga susunod na mangyayari pagkatapos niyang ibunyag ang lahat-lahat kanina. Hades would definitely get mad at him, pero wala na siyang pakialam pa sa sasabihin ng kanyang ama. They had the right to know the truth, lalong –lalo na si Jana. She deserved to live not only to survive.

Nasa Underworld siya sa mga oras na ‘to at kasama niya si Ayden na tahimik lang na nakatayo sa kanyang gilid. Hindi na tuloy alam ni Nyx kung ano ang tumatakbo sa isipan ngayon ni Ayden, kung pati ba siya ay galit na rin sa kanya sa pagtatago ng isang lihim. Pareho silang naghihintay kay Hades na kasalukuyang nand’un sa ilog ng Acheron.

N’andito silang dalawa para kausapin ang kanilang ama patungkol sa nangyayari sa kanilang babaeng kapatid. Hindi tama ang paglihim at pagsarili sa ganitong klaseng sitwasyon.  

“Kuya,” tawag ni Ayden sa kanya habang nakatingin sa isang kulungan na alam naman nila kung para kanino, “Why didn’t you tell her? Why didn’t you let live like this?” Punong puno ng hinanakit ang boses ni Ayden. He could see through his dark eyes those hatred and disappointments. Pero walang magagawa si Nyx patungkol diyan, may karapatan din si Ayden na magkaganito. After all, he was Jana’s half-brother.

Pinagmasdan din ni Nyx ang nasabing kulungan. She was a princess but here, Jana was nothing but a common slave of Hades. Hindi din nila alam kung bakit ganito ang trato ni Hades kay Jana at kung bakit ba siya binuhay nitong muli. May dahilan ang bawat kilos ng isang diyos. Sila ang tipo ng nilalang na hindi basta-basta gumagawa ng mga hakbang ng walang matinding pag-iisip. Nakasalalay sa kanila ang kinabukasan ng sanlibutan, lalong lalo na ang kinabukasan at kapayaan ng mga tao.

“May mga bagay na kailangang itago na lang, Ayden.”

“Kagaya ng pagtago mo sa katotohanan na buhay si Nimfa at pinaglaruan mo ang memorya ko?” hindi makasagot si Nyx.  That was more than twenty years ago but it seemed like Ayden didn’t want to forget those memories.

Pinipilit ni Nyx na pakalmahin ang kanyang sarili habang nagsasalita, “I wanted her to be safe. Ayokong mangyari sa kanya ang nangyari kay Tamara.”

Si Ayden naman ang tumahimik. Nimfa and Tamara were their first loves who ended in a tragedy.

“You are happy now, Ayden.” He reminded him.

Lumingon si Ayden kay Nyx, “This is not about me, or even to you. This is about our sister.”

Napabuntong-hinga siya habang kaharap ang kanyang nakababatang kapatid, “I am doing my best as I can to protect her. Minsan may mga bagay na kailangang ilihim pero hindi ibig sabihin n’un ay hindi na ‘yun maaring pahalagahan. Hindi natin alam ang takbo ng tadhana ni Jana. As a eudemon demigod, may mundo siyang naiiba sa atin kagaya na lang nating dalawa. You should know better. You are an Atlantean, a race cursed by the gods of Olympus. Wala kayong pagkakaiba, she is a demon enslave by the gods.”

Tumahimik si Ayden pero nagsimula na ding magsalita, “How about her freedom?”

“Hindi ko ‘yan masasagot. Wala sa akin ang kasagutan na ‘yan,” lumungkot ang mga mata ni Nyx habang nagsasalita. Jana’s freedom. There must be something to get her out in this dungeon. Kung nakaya niyang lumaya, kung nakaya din ni Ayden na makuha ang minimithing kalayaan, bakit hindi pwede si Jana?

“Bakit?”

Natigilan silang dalawa nang makita si Hades sa kanilang harapan na nakaupo na sa kanyang trono, “Dahil and isang demonyo ay walang kalayaan kahit anak pa siya ng isang diyos,” biglang sagot nito na nakapangalumbaba pa.

Napatigin silang dalawa sa kanilang ama na para bang ka-edaran lang nila ang anyo nito. Immortals, they didn’t get old. Pare-pareho sila ng mga matang mas madilim pa kaysa sa langit ang kulay. As usual attire, Hades wore all black from his head to toe. Maliban na lang sa isan bagay na nakalagay sa kanyang kamay. Isa itong bracelet na gawa sa pinagsama-samang bulaklak ng magmamay-ari ni Persephone.

ADK III :  A Poison Love (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon