Chapter 26: Silent Tears

2.5K 95 14
                                    

Chapter 26 Part Two

Xien couldn’t breathe as both the elements of fire and water were running wild in the dungeon. Pinipilit niyang iwasan ang mga elementong ‘yun habang nagwawala ang dalawang eudemons sa kulungan. Kailangan niyang magdoubleng ingat at lalo na dahil isa na lang siyang mortal ngayon.

Dahil lang sa kanyang pakana kanina na galitin ang mga eudemons, halos mayanig na ang buong kastilyo sa ilalim ng lupa. But this little commotion wouldn’t be enough to destroy the whole invisible barriers.  Mami na rin siyang sugat na natamo pero wala na ding pakialam pa si Xien. All he ever wanted was to see Jana and make sure that she was safe.

Ramdam pa din ni Xien ang hapdi at sakit sa bawat sugat na kanyang tinamo pero nakangiti siya na parang baliw nang tuluyang bumagsak ang pinaka-main barrier ng kulungan pagkatapos magsabay sa pagkakawala ng mga elemento.

He was right. The dungeon was not for eudemons but for gods.

Yumuko siya sa lupa nang dumaan sa kanyang harapan ang impatient na demon na ginamit ang kapangyarihan ng lupa at ginawang maalon ang buong lugar. Nagkasabog-sabog ang lahat ng daan na nadaanan niya. Pinagsamang apoy at lupa ang tuluyang tumunaw ng buong kulungan at nawalan ng barrier sa bawat isang selda na nandun—including his.

Pagtapak pa lang niya sa labas, nakaramdam siya ng tuwa sa sarili. One step to get out from this place.

Nakita ni Xien na sabay nawala sa ere ang dalawang eudemon sa magkaibang direksiyon. And isa ay papunta sa main door na kung saan ay namalagi ang madaming cacodemons samantalang naghanap naman ng malulususutan ang isa pa.

“Mag-iingat ka!”  Sigaw n’ung batang eudemon kay Xien. Bago pa niya nagawang intindihan ang sinabi nito, kamuntik na siyang matamaan ng mga palasong bigla na lang lumutang sa hangin sa kung saan pero hindi naman niya nakikita kung sino ang nagpaulan nito.

Mabuti na lang at mabilis na lumapit ang isa pang mahinhin na eudemon at ginawa niyang bakal ang buo niyang katawan at pinuprotektahan siya nito sa hindi maipaliwanag na dahilan.  

“Bakit mo ako pinuprotektahan?” he asked.

Pero ngumiti lang sa kanya ang eudemon bago maglakad at kung ano’y lumapit sa isang direksiyon at pinagsasakal ang mga invisible eudemons hanggang madurog at magkapira-piraso ang katawan nito sa lupa.

Damn. Bakit ba siya naging inutil kung kailan kailangan niya ang kanyang buong lakas at kapangyarihan upang lumaban?

“Natatakot ako,” paiyak namang sabi ng batang babaeng eudemon sa kanya na hindi man lang niya namalayang nakalapit na pala ‘to sa kanya, “Kuya, pwede ba akong sumama sa ‘yo? Please?”

Hindi din alam ni Xien kung ano ang isasagot niya dito.

Ngumiti siya, “I don’t have enough strength to protect you, little one.”

Ngumiti ang batang babae sa kanya, “Is that a yes?”

Napabuntong-hininga si Xien, ano pa ba ang magagawa niya? Alangan naman iwan niya sa ere ang batang ‘to. May kanya-kanya na ding lakad ang tatlong eudemons na nauna ng lumapas at iniisa-isang pinapaslang ang mga cacodemons na nakikita nila sa paligid. They were really angry and vengeance was all they want to have.

Tumango siya sa batang babae at kaagad naman itong yumakap sa kanyang tagiliran.

He had no little sister or a daughter of his own, kaya kaagad siyang natunaw sa mga simpleng yakap na ginawad nito sa kanya.

Tumawa pa ang batang babae habang bumulong sa kanyang tainga, “You have now…”

“What do you mea—“

ADK III :  A Poison Love (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon