A/N: Pasensiya na sa mabagal na pagpost ng UD. Pinipilit kong tapusin 'yung revising ko sa Book One para masend ko na sa publishing company before June or July. (Tentative date pero i-pu-push ko 'yan sa date na 'yan, hopefully) Marami pa kasi ang dapat ayusin at itama. Nawa'y maunawaan niyo ang author na 'to, lalo na at masyadong hectic din ang schedule ko sa tunay kong mundo.
Chapter 17: Hidden Feelings
Pakiramdam ni Jana ay nalulunod siya sa isang kakaibang pakiramdam na hinding hindi niya maintindihan kung bakit. Revealing her secret identity was not even helping her. She was a legendary eudemon before but at the same time, a demigod. A daughter of Hades, the god of whom she had taught was his master.
Sa isang simpleng pagsilip ng nakaraan, mas lalong dumami ang kanyang mga katanungan sa kanyang isipan. Kung hindi siya ginawa katulad ng isang pagbuo ng demonyo mula sa lupa at apoy at ipinanganak talaga siya kagaya ng iba, then who was her real mother?
Hindi din 'yun nasabi ni Nyx kanina. Kung tatanungin niya si Hades, ano naman ang mapapala niya? Mukhang walang alam din ang diyos na alam na nila ang katotohanan. Leave it that way. Hindi niya pa kayang harapan ang kanyang ama. Ano na lang ang kanyang sasabihin? Ano ba ang dapat i-react? May karapatan na ba siyang magkaroon ng emosyon?
Wala naman. Wala pa rin.
"Are you okay?" someone was holding her shoulder. Napalingon si Jana sa kanyang likuran at nakita niya si Xien na para bang may malalim na iniisip. Hindi alam ni Jana kung ano ang irereact niya sa presensiya ni Xien. His touched warmed her. But it didn't change the bitter fact that there would be nothing special between them.
"Yes, Jana is fine," she lied. Nasa kwarto silang dalawa. Pagkatapos ng kanilang dream dimension ay bigla na lang tumakbo si Jana sa kwarto at nagkulong. Nawawala na naman si Nyx na parang kabute habang kanya-kanya namang teleport sina Ayden at Ivan pagkatapos nilang magsabi na darating sila sa kanilang napag-usapang plano.
Gustuhin man ni Silver na mag-stay pero marami din siyang kailangang asikasuhin bago ang digmaan. Pero din si Sapphire ay umuwi na rin. Silang dalawa na lang ang natira.
"Gusto mo ba ng icecream?" alok ni Xien habang hindi pa din siya mapakali, "O 'di naman kaya ay may gusto kang kaining pagkain?"
Wala pa ding imik si Jana na para bang natulala. Hindi sanay si Xien na ganito siya. Kahit ang paborito niyang icecream ay hindi man lang pinansin. Siguro ay masyadong malakas ang impact ng katotohanan sa kanya.
Anak siya ni Hades.
"Hunter," tawag ni Jana sa kanya nang akma na sana siyang lalabas ng kwarto at iwan muna si Jana ng mag-isa, "H'wag ka muna umalis, Hunter. Ayoko ng mag-isa kahit ngayon lang."
Tumingin si Xien sa kanyang mga mata ng napupuno ng kalungkutan. Hindi siya masaya sa kanyang nalaman. Lumapit si Xien papunta sa isang upuan at d'un ay tahimik niyang pinagmasdan ang isang demonyong unti-unting umuukit sa kanyang pagkatao.
"Sana hindi ko na lang nalaman pa ang lahat. Masakit isipin na mag-isa lang ako sa mundo. 'Yung pakiramdam na si Jana ay isa lamang kasangkapan ng isang diyos. But why, hunter? I should be happy to know that I have a family but why does it hurts so much?"
Hindi alam ni Xien kung ano ang dapat niyang sabihin. Even him, he had no family. Matagal ng ulila si Xien.
"Gusto kong magalit kay Hades. Bakit niya ako binuhay muli at ginawa lang niyang alipin? Bakit niya ako binuhay pero kinunan lang din naman ng kalayaan? Sana hindi ko na lang nalaman ang lahat para hindi ako magkakaganito. Hindi ko sana tatanungin pa sa buhay kong 'to ang dahilan kung bakit ako n'andito. Sana si Jana ay isang demonyong walang pakiramdam at walang kaluluwa. 'Yung isa lamang sandata ng diyos ng Underworld. At hindi isang anak na pinagkakaitan ng katotohanan at karapatan."
BINABASA MO ANG
ADK III : A Poison Love (✔️)
FantasyWas there any hope when all of his senses demanded him to kill her when his heart only wish was to spend a day with her?