Chapter 23: Start of an End

2.5K 96 3
                                    

A/N:  Pasensiya na at matumal ang UD (I need to write a serious plot for the upcoming chapters). Hanggang chapter 30 lamang po ang istoryang ito kagaya ng Book one at Book two. Patience. Patience. I need patience.

By the way, may nakuha na akong Book Cover maker for Book one. Waiting na lang for his design para sa published book. Magaling ‘to. Four published book na ang nagawan niya. (Bilib na bilib. Hehehe!)

Happy reading….

************

Chapter 23: Start of an End

Lumabas si Xien saglit sa kwarto para kumuha ng tubig. Nakangiti siya sa tuwing iniisip niya na parang bata lang si Jana na natutulog sa kwarto. After all these centuries, this was the very first time that he had felt so contented.

“Parang kailan lang, hindi ka pa marunong ngumiti nang ganyan.” Napatingin si Xien sa pinagmulan ng boses at nakita niya si Fate sa may bukana ng pintuan sa may kusina. Walang imik niya pa ring kinuha ang baso sa may tray at kumuha ng tubig sa may refrigerator.

Uminon muna siya bago siya humarap kay Fate, “Long time… no see, princess.”

Ngumiti si Fate sa kanya, “It’s been more than two years.”

“Time passed by so quickly.” Inilapag ni Xien ang baso, “You hated this place a long time ago. Pero dito kayo ngayon nakatira ni Ayden. You even change this place. Ang laki ng ipinagbago. I’ve never been here since then, pero alam ko kung ano ang lugar na ‘to two years ago.”

“Yeah, Ayden and I work hard for this.”

Napansin niyang ngumingiti na ngayon si Fate nang madalas. Her face glowed out of contentment. Hindi naman niya ‘yun maipagkakailang ang laki nang pinagbago ng babaeng ito. Hindi na siya ‘yung babaeng una niyang nakita sa bahay ni Ayden na masyadong aloof sa lahat ng tao.

“So, how’s life as Mrs. Hunter?”

Lumapad lalo ang kanyang ngiti na para bang kumikinang na ang kanyang mga mata sa sobrang saya. “More than perfect.”

He smiled a bit. They deserved this. After everything they’d been through, they both deserved this life.  Minsan, gusto niyang mainggit for fate gave them a chance to live like this. Why couldn’t he?

Damn.

“Nagbago ka rin, Mr. Xien.”

He arched his brow. Paano niya nasasabing may nagbago sa kanya kung ang buhay niya ay gan’un pa din? “I am still the same.”

“No, you’re not. Sigurado hindi mo lang napapansin sa sarili mo pero, ang laki na ng pinagbago mo.”

“Hindi ko alam ‘yang pinagsasabi mo.”

Lumapit si Fate sa kanya at hinawakan siya nito sa braso, “See? I can even touch you. I can even talk to you like this.”

“..so?”

“So….,”ngumiti muna si Fate bago nagsalita, “You are no longer a beast that I knew a long time ago, Mr. Xien. She already tamed you.”

Hindi makapaniwala si Xien sa mga pinagsasabi ng babaeng ‘to sa kanya. Was he changed that fast? Was he tamed by a demon?

This was ridiculous…but it was the truth.

 “You really loved her, don’t you?”

Hindi makasagot si Xien. Love was a big word for him. Painful yet addictive. Minahal nga ba niya si Jana nang gan’un kabilis? Isang whirlwind romance ang nangyari…

ADK III :  A Poison Love (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon