19:War(?)

5.8K 206 3
                                    

[19]

Sa paglalakad namin ay kung ano ano ang sinasabi ng makulit na Brixx na to!

Masakit na ang ulo ko! Shit...

Kung di ko lang talaga kailangan ang tulong niya nakuu!!!

"Alam mo ba talaga kung nasaan siya?"inis kong sabi sakaniya

"Yup..ayun oh"sabi niya sabay turo kay Jake na naka headset habang naka upo sa isang bench na nakapikit

Maraming nakatingin sakaniya specially mga babaeng kinikilig

Sarap lang batukan isa isa, kung alam lang nila na boyfriend ko yan...

"Uyy iiwan mo na ako dito?"sabi ni Brix ng iniwan ko siya at naglakad na ako papunta kay Jake

"Oo....salamat"walang buhay kong sabi at di ko na hinarap

"Yun lang, coffee muna tayo sa labas"sunod niya saakin

Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya

Umiling ako tatalikuran na sana siya ng medyo nahilo ako at kamuntikan ng matumba, but thanks to Brix mabilis niya akong nasuportahan para di matumba...my freaking head! Shit

"S-salamat"medyo awkward kong sabi dahil sa posisyon namin kaya umatras ako at medyo lumayo

"Are you ok?"hahawakan niya sana ako ng may magsalita sa likod ko,kaya ang kamay niya ay natigil sa ere

"Brix..."tawag niya sa kaharap ko

Pagkarinig ko sa boses niya ay biglang nagkarera ang mga daga sa dibdib ko....hindi ko alam kung bakit lahat ng parte ng katawan ko ay kilala na siya

Boses pa lang alam ko na kung sino siya, lalaking kanina ko pa hinahanap, kanina gustong gusto ko siyang lapitan pero ngayon gusto ko na lang umalis at magkunwaring di siya nakita o narinig

Weird.

"Kath"tawag niya saakin gamit ang mahina at malamig na boses
Tama lang na marinig ko at maintindihan kung bakit ganun

"Yow bro"bati ni Brix at nakipag high five

"So andito na siya...Kath pala ang pangalan mo, sige next time na lang...bye Kath...Jake"paalam ni Brix at bago siya umalis sa harap ko ay kumindat pa siya saakin

Jerk.

Humarap ako sakaniya at kita ko ang dilim ng tingin niya saakin

Oh no boy...you got wrong!!

"K-Kuya"utal kong tawag sakaniya, ngumiti ako ng pilit

Dahil kinakabahan ako sa pinapakita niyang galit

But wait....bakit siya galit? Dapat ako diba? Ako dapat ang galit!!

"Bakit mo siya kasama?"malamig na sabi ni Jake

Tinaasan ko siya ng kilay at sinagot ng sarcasm

"Hinatid lang naman niya ako papunta dito sayo at nagsabi ng ibang ipormasyong hindi ko alam at dapat ko bang malaman?"

Nangunot ang nuo niya na siyang kina-hot niya...hutaaa

"What do you mean?"naguguluhan niyang tanung

"May hindi ka ba sinasabi saakin Jake?"matigas kong sabi

"J-Jake?"kunot nuo niyang bigkas

Hindi ko yun pinansin sapagkat mas gusto kong malaman ang totoo, ang lahat galing mismo sakaniya,sumasabay pa ang sakit ng ulo ko...please huwag ngayon...I need to be strong!

"Tell me Jake...may hindi ba ako nalalaman?"

"W-wala naman...ano ba?"sabi niya at nag iwas ng tingin

Liar

Tumonog ang cellphone niya hudyat na may tumatawag

Tiningnan niya ito at agad na kinancel

"Bakit ayaw mong sagutin?"tanung ko na sinisiguradong halata niya ang pagtataka at galit sa boses ko

"Its not important...halika kana at ihahatid na kita sa building mo"sabi niya

Hahawakan na sana niya ang kamay ko ng iniwas ko ito

Kita ko ang gulat at pagputla niya...Hell I care! I hate Liars!

Yes, sinungaling din naman ako, pero hindi ganito! Nasa lugar yun at kung kailangan kung umamin agad sa pagsisinungaling ay gagawin ko lalo na sa mga taong importante saakin at mahal ko!

"H-hey..w-what's your problem?"utal niyang tanung

"Bakit di mo ako sagutin? At bakit di mo sinasagot yang tawag na yan? Kanina pa yan ring ng ring, sino ba yan ha?"di ko na mapigilan ang pag sigaw...naiinis na ako!! Shit!

"Ssshhh..kath..its not important"sabi niya at hinawakan ako sa magkabilang braso

Agad kung kinalas ang kamay niya

Umatras ako..at umiling

"You Liar, cheater!"sigaw ko sakaniya

"What the fvck!!! Ano bang sinasabi mo"balik niyang sigaw

Umiling ako at tinalikuran siya


Kung mahal niya ako susuyuin niya ako hahabulin niya ako....ako ang pipiliin niya!

______

Hello buddies....nasa What's Hot 'Teen Fiction' na tayo...hindi ko ito eneexpect!
Thank you and Labyaaa Buddies😊😊

[Plug plug plug]
Try to check Brixx's story
He Noticed Me

Kamsa~😘

KUYA (My Lover)Where stories live. Discover now