23:Date[Part2]

5.7K 175 5
                                    


[23]

Pagkatapos naming kumain ay nag ayang si Jake na lang daw ang mag hugas ng pinagkainan namin at ako naman daw ay pweding libutin ang pad niya. Good Idea kaya pumayag na rin ako

Wala namang interesadong bagay dito sa condo ni Jake e. Kaya madali lang ang paglibot ko hanggang sa umabot ako sa kwarto niya. Yung isang kwarto ay guest room siguro at ito ang kwarto niya.Pinaghalong Gray at Black ang color ng kwarto niya na may king sized bed, flat screen tv, upuan, book shelf(may pagka nerd e), round table, bathroom at closet. Malinis at maaliwalas katulad ng nasa sala.

Papasok na sana ako sa closet niya ng bumukas ang pinto ng kwarto niya.

"How was it? Do you like it?"nakangiti niyang tanung

Tumango ako at lumapit sa kama saka umupo sa gilid nun. Sayang gusto ko sanang tingnan ang laman ng closet niya! Nextime!

Lumapit siya saakin at umupo rin sa tabi ko

"Kelan  pa ito?"tukoy ko sa pad niya. Ngayon ko lang kasi nalaman na may Sarili pala siyang condo

"Regalo 'to saakin ni Dad nung seventeenth birthday ko."sagot niya saka lumapit sa maliit na aparador sa gilid ng kama niya

"Hindi ko alam"wala sa sarili kong sabi

Liningon naman niya ako at tumayo nung nakuha na niya ang kinuha sa drawer.

"So, what now? Ano na ang gagawin natin?"tanung ko

Nagkibit balikat siya at bumalik sa pag upo sa tabi ko.

"May tanung pala ako"seryoso niyang tanung ng akala mo'y may naalalang may ginawa akong hindi niya gusto

"Ano?"taas kilay kung tanung

"Bakit mo kasama si Brixx nung isang araw?"seryoso pa rin ang mukha

Napa ikot naman ang eyeball ko sa tanung niya at nag make face

"Eh ikaw bakit lagi mong kasama si Erica?"sarcasm kong tanung

"Answer me Kath"may diin sa pag banggit niya

Pero asa siyang matatakot ako! Siya ang mas may malaking kasalanan no.hmf!

"Tsk. Answer your face!"sabi ko at agad na tumayo at dumeretso sa pinto. E sa naiinis ako e. Bwesit! Kung makapag tanung akala mo'y ako ang may ginawang malaking kasalanan!

"Kath!"

Umabot ako sa sala ng maabutan niya ako. Agad niya akong hinawakan  sa braso bago nagbuntong hininga.

Hinarap ko siya na may matalim na tingin
"Uuwi na ako!mag aaway lang naman tayo"

At sa muling pagkakataon bumuntong hininga nanaman siya.

"Kath. Sorry ok?. Fine. Wag mo ng sagutin yun, basta....please stay"pumungay ang mga mata niya ng bigkasin ang huling salita niya

Sa pagkakataong ito ay ako naman ang napabuntong hininga saka umupo sa sofa

"Akala ko ba date ito? E bakit imbes na tungkol saatin ang pag usapan e ibang tao naman ang nasa isip mo?"sabi ko at pinagkrus ang braso ko sa dibdib

Umupo rin siya sa tabi ko at agad na kinuha ang kamay ko. Pinagsiklop niya ang mga daliri namin dahilan upang mawala ang pag kainis ko sakaniya...kainis talo nanaman ako!

"Sorry baby hmm? Di ko lang maiwasan uminit ang ulo sa tuwing naiisip kung nakasama mo si Brixx o kahit sinong lalaki."paliwanag niya at hinalikan ang likod ng palad ko

Paking sheet!! My hearteu..my hearteu...todo kurambol! Nanggagayuma ba o nangkukulam ba ang lalaking ito?

"E paano si Papa?"nakapout kung sabi

Tumawa naman siya ng mahina saka pinagdiskitahan ang ilong ko

"Silly,baby. Syempre exempted siya"

"At tungkol naman kay Erica. Nakiusap siyang sasamahan ko muna siya hanggang hindi pa naayus ang mga---"

"So paano ako?"putol ko sa sinasabi niya

Pilit kong binabawi ang kamay ko pero lalo lang humigpit ang hawak niya

Ok na sana e. Nasa kilig na kaso sumingit pa ang singit na Erica!

"Hindi naman kita pababayaan o kakalimutan. Hindi yun mangyayari. Pag ok na ang papers niya para sa pag transfer niya ay--"

"So totoo ngang mag aaral sa school natin si Erica?"medyo napataas na ang tono ko

Tumango siya bilang kumpirma. Na dahilan ng pagbigat ng hininga ko dahil sa inis

"Bakit hindi mo sinabi saakin?"

"Look baby, hindi ko rin alam, nalaman ko na lang nung nagpatulong siya...I know nagseselos ka baby, kaya hindi ko na siya sasamahan,ok? Please don't mad at me"may pagsusumamo sa tinig niya at sino ba naman ako..ofkors yan ang gusto ko!

Oo nagseselos ako sa haliparot na Erica na yun!

"Promise?"paninigurado ko

"Anything for you baby"ngiting sagot niya

At dahil sa tuwa ko ay nayakap ko siya at nahalikan sa Pisngi.

"Thank you...thank you."sabi ko habang pinipilit na sumiksik sa dibdib niya...bango e.

Ilang minuto rin kaming ganun ang posisyon.Habang nasa dibdib pa rin niya ang mukha ko e naramdaman ko namang hinahaplos niya ang buhok ko at kung minsan ay hinahalikan  pa. Heaven. This is what I want. Kuntento na ako sa ganito. Jake with me!

Kahit natatakot akong marinig niya ang lakas ng kabog ng dibdib ko ay hindi ko magawang lumayo sakaniya. Nag magnet na ako!

"Baby, I have something for you"kapagkuwan ay sabi niya kaya mabilis akong napabitaw

"Ano yun?"ngiting ngiti kung tanung...excited na ako

May dinukot siya sa bulsa niya and to my shock!

Isang kwentas. Silver na nasa gitna ay Life sign!

Napatakip ako sa bibig ko ng isuot niya na saakin iyon. Gosh! Hindi ko eneexpect ito!

"B-Bakit mo ako binibigyan nito?"nauutal kong sabi habang pinipigilan ang luhang gusto nang pumatak

"It's for baby"ngiti niyang sabi saka ako hinalikan sa nuo

"Ang daya mo! Bakit hindi mo sinabing bibigyan mo ako nito? Wala tuloy akong naibigay"sabi ko habang hinahampas siya sa dibdib at tumulo na ng tuluyan ang luha ko

"Hey. Hey, baby stop"hinuli niya ang mga kamay ko pinakatitigan  ako

"Binigyan kita ng ganyan kasi gusto ko, wala akong hinihinging kapalit kundi ang matamis mong ngiti pero bigo ako.hindi mo ba na nagustuhan?"naglungkot lungkotan siya at pinunasan ang luha ko

Umiling ako

"Nope. I love it! Pero bakit Life?"

Ngumiti siya ng matamis saka kinulong ang mukha ko gamit ang kamay niya. Lumapit pa siya ng lubusan hanggang sa ilang dangkal na lang ang layo ng mukha namin

"Because....you are my source of energy,happiness, inspiration... and......Life"pagkatapos niyang sabibin yun ay unti unting lumapit ang mga labi niya sa labi ko, hanggang sa maramdaman ko ang matamis niyang labi at tuluyan na akong napapikit

Akala ko hanggang panaginip lang ang ito...dati pinapangarap kong kahit hindi si Jake ang first kiss ko ay ok na basta makiss ko lang siya. Ganyan ako kalandi dati

Pero ngayon. Heto at natupad na agad. At bunos pa si Jake ang first kiss ko.

_____________

A/N: kumusta ang Date nila?

KUYA (My Lover)Where stories live. Discover now