21:Sorry

5.7K 207 10
                                    

[21]

Maaga akong pumunta sa school kinabukasan..ayaw kung tumambay ng matagal sa bahay e.

"Kath" isang matinis na boses ni Jenri ang umagaw ng atensiyon ko

"Oh, ba't ang aga mo at nag iisa? Wala si boyfie?"tanung niya at umupo sa tabi ko

"Boyfie?"takang tanung ko...imposible naman kasing alam niya e wala pa naman akong sinasabihan

"Heler! Boyfie, Boyfriend, kasintahan, nobyo, iniirog,shota"sabi niya gamit ang maarteng tono

Huminga ako ng malalim bago ako sumagot

"Ewan, hindi ko alam" walang gana kung sabi

"Kyaaaaahhh.....so inaamin mo ng kayo na ni Fafa Brixx?"tili ni Jenri. Mabuti na lang at kunti pa ang studyante dahil maaga pa lang

"Ouch!"atungal ni Jenri ng may nambatok sakaniya

"Anung Brixx, Jake kamo!"ani ni Kareen na siyang kakarating lang

"Joke lang naman, nakita lang naman kasi siya na kasama minsan ni Kath si Brixx...napaka mo e"irap pa ni Jenri

"Whatever!"

"So kayo na nga ni Jake Confirm!"anunsiyo ni Kareen

Tumango ako bilang sagot

"Expected"

"E ba't ang Tamlay mo?"Jenri

Muli no answer, kibit balikat lang

"Anyway, may sakit ka ba Kath? Ba't ang tamlay mo at maputla pa?"tanung ni Kareen at sinapat ang nuo ay leeg ko

Iniwas ko ang mukha ko saka tumayo

"Wala. Tara na nga sa canteen nagugutom na ako, di pa ako nakakapag breakfast"sabi ko na agad naman nilang sinang ayunan

.


Papasok na kami sa Canteen ng matigil kami sa paglalakad dahil sa dalawang taong nakasalubong namin

Akalain mo naman! Maaga akong pumasok sa school dahil baka isabay ako ni Jake, kaya lang hindi ko pa siya kayang harapin, hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin

kaya lang mali pala ako, may kasabay na pala siya at sa isipang yun ay parang binuhusan ng malamig na tubig ang puso ko

"Uh..Kath, anong ginagawa mo dito?"inosenteng tanung ni Jake na ikinatikhim ng mga kaibigan ko

"Kaya pala mag isa. May kalandian ang syota"bulong ni Jenri pero rinig ko

"Two timer"bulong rin ni Kareen

Mariin kung nakagat ang labi ko ng kumirot ang puso ko at sakit ng ulo ko!

Nangilid ang luha sa mga ko kau umiwas ako ng tingin

Umiling ako at aktong lalagpasan ko na sila ng hawakan ni Jake ang braso ko

"Kath can we talk"malumanay na usal ni Jake

"Hindi siya pweding makipag usap sa manloloko. Hindi kasi siya tanga at magpapakatanga!"singit ni kareen pero hindi yun pinansin ni Jake

"Please Kath"

"Hindi nga siya---"


"CAN YOU PLEASE SHUT UP!"napaigtad ako sa mariing sigaw ni Jake at the same time gulat. Buong buhay ko ngayon ko lang nakita at marinig na sumigaw si Jake

at nasampulan pa ang matubil na Kareen

Halo halo ang emosyong naglalaro sa mga mata ni Jake na hindi ko mapangalanan


Bumuntong hininga ako at hinarap siya

"Sige"walang buhay kong sabi at naglakad na at alam kung sinundan ako

Narinig ko pa ang pagtawag ni Erica sa pangalan ni Jake at Pag away ng mga kaibigan ko kay Erica ngunit isinawalang bahala ko na lang yun

Jake looks serious about this talk. Kaya napapaisip ako kung para saan at ano ang pag uusapan namin

Maraming naglalaro na scenario sa isip ko kaya ipinilig ko na lang ang ulo ko. Lalo akong kinakabahan!

Habang naglalakad ako sa hindi ko alam kung saan ako tutungo ya subra ang pintig ng puso ako at panlalabot ng tuhod ko

Sa paglalakad ay hindi ko na namalayang nasa rooftop na pala kami.

Natigil lang ako sa paghakbang ng sumalubong saakin ang malakas at malamig na hangin.

Hindi ko alam pero naiiyak ako. Naiiyak ako sa kaduwagan ko. Sa pagiging iyakin ko. Sa pagiging immature ko! Sabi ko lalaban ako. Pero ang hina ko pala, hindi ko pala kaya.

Unti unti kong naramdaman ang pagyakap ng braso ni Jake sa bewang ko. Alam kung si Jake ito dahil sa pamilyar na amoy niya

Ang malapad na dibdib niyang nasa likod ko at ramdam ko ang paghinga niya ng malalim

Gustong gusto ko ang pakiramdam na nasa bisig niya ako. I Felt relieve. I feel safe!
Pero hanggang kelan?

Unti unting pumatak ang mga luha

"I'm sorry"paos niyang sabi at tuluyan ng bumuhos ang luha ko

"I'm sorry if I hurt you, I'm sorry if you felt jealous, but honestly I enjoyed it. Seeing you Jealous was heaven, but I don't want to see you with that sad face. I'm sorry,love"mahina man niyang sabi ay dinig ko at ramdam ko ang bawat ibigsabihin ng bawal salitang lumabas sa bibig niya

And now. Umiiyak ako dahil andito siya, na ako naman ang pinipili niya na at ipinaparamdam niyang wala akong dapat na ipangamba. Unti unting nawawala ang mga tusok sa puso ko

Wala man siyang sinasabi ay nagiging kampante ako sa bawat halik niya sa buhok at higpit ng  kapit niya sa bewang ko

No doubts mahal ko ang lalaking ito

Siya lang ang lalaking kayang manakit ng subra saakin sa simpleng bagay pero siya rin ang magpapawala ng sakit! Siya ang gamot!

To be continue…………

________________________

A/N: hanggang diyan muna subra akong nadry e....dapat mag aupdate ako kahapon kaya lang inabot ako ng hapon sa pila...

Gumising ako ng madaling araw tapos magbabyahe at palipat lipat ng vehicles, tapos pagdating pipila na para sa mga OJT requirements... kaya pagdating ko sa bahay kagabe ay knock out na ako! Akala ko ma iinsert ko mag update habang sa pila kaso walang signal!

Anyways, thank you sa pag hihintay😘

KUYA (My Lover)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن