20:Laban

5.7K 192 16
                                    

[20]

Umabot na ako sa gate ng school pero wala namang Kuya o Jake na sumunod at nagsuyo saakin

Parang kinukurot ang puso ko sa naiisip na, baka hindi nga niya ako mahal..at baka totoong girlfriend nga niya si Erica

nga naman! Erica better than her for him...

At ako?

Pero wala ng mas sasakit pa sa nakikita ko ngayon.

There! Si Jake at Erica magkasama sa field, naka angkala sa braso ni Jake ang kamay ni Erica habang ngiting ngiti dahil sa sinasabi ni Jake

Isa isang tumulo ang luha ko!

Shit!! Ganito ba talaga magmahal?

Oo mahal ko siya, siya ba mahal ako? I don't think so.

Ngayon lahat ng tanung ko kanina kay Jake at sa sarili ko ay nasagot sa pamamagitan ng nakikita ko

Kaya ba hindi niya sinasagot ang tumatawag sakaniya kanina at kaya ba hindi ako sinundan ni Jake ay dahil kay Erica.

Hanggang luha na lang ako, hindi naman kasi ako marunong lumaban para sa isang tao, oo palaban ako pero pagdating kay Jake ay para akong nalalantang gulay. Nanghihina ako pag siya na itong pinag uusapan. Kakasimula pa lang namin sa relasyong ito pero heto ako nanghihina na

Hindi ko alam kung paano ako lalaban gayong mas lamang ang kalaban

Paano kung ipinaglaban ko ang relasyon namin e kamuhian niya ako? At mas lalong saktan pag sinaktan ko rin ang Kababata niya. Halata namang may gusto si Erica sakaniya at malamang ganun na rin si Jake

Lumabas ako ng gate, ng school...hindi ko alam kung saan ako pupunta basta ang alam ko maglalakad ako ng maglalakad hanggang sa mapagod ako

Umabot ako sa isang open court...walang tao, walang naglalaro

Umupo ako sa isa sa Mga benches doon at di mapigilang lumuha

Bakit kung kailan nasa akin na ang mahal ko ay masasaktan naman ako, wala ba akong karapatan maging masaya?

Masakit talagang mag mahal

Lalo ng Umasa!

Siguro nga hindi ako kailan man magiging masaya...para saan pa at mamatay rin naman ako..

I know, malubha na ang sakit ko, sa kabila ng masaya at maayos kung pamumuhay ay may tinatago rin akong sakit na pilit na linalabanan

Sinubukan ko lang naman maging masaya, magmahal ng saganun ay hindi ako magsisi kung sakaling oras kona

Pero

Nagkamali ako....

Gusto ko pang labanan ang nararamdaman ko, ang sakit ko para sa isang tao! Pero ngayon wala na!

Ayuko na

hindi ko na kaya!!

"Miss?"Isang baritonong boses ang pumukaw saakin

Umangat ang tingin ko sakaniya at kahit nanlalabo ang paningin ko dahil sa luha ay nakita ko pa rin ang gulat na bumalatay sa mukha niya, dahil lang naman siguro sa luhaan kong mukha

"Are you ok?"tanung niya pa at umupo sa tabi ko

Ngumiti ako ng mapakla

"Subra bang halata?"kahit lumuluha ako ay nagawa ko pa ring magpasacarsm

Pinunasan ko ang luha ko at mabilis na tumayo

Pero bago ako makaalis ay nahawakan na niya ang kamay ko kaya di ko mapigilan tingnan siya

"B-Bakit?"

"Kakarating ko lang dito pero aalis kana?..common don't be rude"sabi pa niya

Inirapan ko siya at pinilit ibalik ang dating ako

"Boyfriend mo ba ang nagpaiyak sayo?"doon ko na siya nalingon ulit

Hindi ako nagsalita sapagkat umupo ako ulit sa tabi niya

Ewan. Parang magaan ang loob ko sakaniya

"Hindi dapat iniiyakan ang mga lalaking katulad niya...nabuhay ka sa mundo ng wala siya kaya wag kang umiyak na parang mamatay ka pag nawala siya"seryoso ang pagkakasabi niya pero nakangiti siya habang nakatingin sa bolang siguro dala niya

Hindi ako nagsalita pero nakikinig ako

"Pero nakikita kong mahal mo siya,iniyakan mo e, gago lang siya dahil hindi ka niya kayang pahalagahan..at ikaw!"nagulat ako ng bigla niya akong harapin at ituro

"Isang kang Tanga! Dapat wala ka dito, dapat hindi ka umiiyak at dapat wag kang magpatalo sa emosyon mo! Lumaban ka....lumaban ka at pag hindi na appreciate ng nobyo mo e iwan mo! At iparamdam mo ang kahalagahan mo para sakaniya!"

"Hindi ganun kadali yun"

"Walang hindi madali sa taong gusto...atleast kung hindi para sakaniya para sa sarili mo...maawa ka sa sarili mo....mabuhay ka para sa sarili mo at hindi para sa ibang tao!"

Pagkasabi niya nun ay tumayo na siya na hindi nagpapaalam

Sabagay tama siya!

Tiningnan ko ang lalaking ngayo'y naglalakad na palayo saakin

"Hoy lalaki! Salamat ha? Sana sa susunod pag broken hearted na ako magkita muli tayo!"sigaw ko at winagayway niya ang kamay niya pero hindi siya huminto sa paglalakad at di man lang ako liningon

Napangiti ako doon...kahit ganun atleast naramdaman kong may ilalaban at may laban ako

Tama siya...hindi ako dapat magpapalugmok dito

Lalaban ako...ang akin ay akin...hindi namimigay at hindi nagpapahati

Mahalaga ako...at makikita ni Jake ang kahalagahan ko

Thanks to that man!
Gumaan ang loob ko. At alam ko na ang dapat gawin!

Lalaban ako para sa relasyon namin ni Jake at lalabanan ko ang sakit ko para sa sarili ko!





_____________

A/N: hello buddies, exam ko na at busy pa ako sa Papers ko para sa OJT kaya ngayon lang ang update...

Thank you for waiting 😊😊😘

KUYA (My Lover)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon