KUYAML: 45

3.7K 124 22
                                    

[45]

Kumain muna kami ni Jake ng launch bago tumuloy sa pupuntahan namin and I don't know where.

Namalayan ko na lang na dito kami pupunta sa mataas na building na ito ng pumarada ito sa parking lot ng mataas na gusali.

"Bakit tayo nandito?"takang tanung ko ng pagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya.

Nginitian lang niya ako saka iginaya ako papasok sa elevator. Yeah hindi kami dumaan sa lobby ng Building.

"Huy Jake. May balak ka bang sagutin ako?"pagmamakulit ko.

"This Building is mine, baby. Gusto ko lang makita mo ang mga pag mamay ari ko, dahil ang akin ay iyo rin."nakangiti niyang saad.

Sumikdo agad ang dibdib ko. Hindi ko alam pero parang musika sa pandinig ko ang sinabi nya.

Hindi na ako kumibo pa, nginitian ko na lang siya at nag iwas ng tingin. Feeling ko kasi ang pula ng tainga ko.

Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nakatayo sa loob ng elevator, basta bumukas na lang ito tanda na nasa palapag na kami kung saan iyon ang pinindot ni Jake.

Isang babaeng may kapayatan at mukhang suplada ang sumalubong agad kay Jake nang bumukas ang elevator. Aba di makapaghintay si ate!

"Sir, Malapit na pong mag start ang meeting niyo sa bagong kliyente. Nasa conference room na rin po sila"malumanay na saad nito.

So, heto pala ang sekretarya ni Jake? Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa at agad na tumikwas ang kilay ko ng makita ko kung gaano kaiksi ang skirt niya.

Tiningnan ko si Jake at gulat ko na lang na nasaakin pala ang tingin niya. Kaya tinaasan ko rin siya ng kilay.

Nakita niya kaya ang ginawa ko? Malamang.

Napabuntong hininga na lang si Jake saka formal na tinanguan ang sekretarya.

Hawak pa rin ni Jake ang kamay ko ng lagpasan namin ang sekretarya niya na nasaaming kamay nakatingin kaya inirapan ko.

Duh! May itsura nga siya. Itsurang palaka!

Pumasok kami ni Jake sa office niya. Na agad na kinasimangot ko. Bakit black and white ang theme ng office niya? Walang kakulay kulay.

"Ang boring naman ng office mo"agad na komento ko saka dumiretso sa set na sofa.

"You don't like it?"amusement written on his face

"Duh. Kulay palang chakabels na! Yung totoo walang ibang color?"naparoled eyes na lang ako.

Malakas siyang bumuntong hininga saka lumapit saakin.

"What do you want? Iibahin ko."ani niya saka tumabi saakin umupo.

Pilyo ko siyang ngitian

"Pink, baby. I want pink with a combination of light yellow"masiglang sabi ko na kinaputla niya.

Problema nito?

"S-sigurado ka?"kanda utal utal niyang tanung

Napahalagpak ako ng tawa dahil mukha siyang constipated.

"Hahahaha. Joke lang an–"napatigil ako sa pagsasalita ng napansin kung seryoso siyang nakatingin saakin. Kaya kinabahan na rin ako

"J-Jake"pukaw ko sa kaniya.

Pero imbes na sagutin niya ako ay gulat ko na lang ng yakapin niya ako.

"M-may problema ba?"tanung ko.

"Wala. Masaya lang ako"sagot niya saka ako pinakawalan sa pagkakayakap niya at nakangiti niya akong hinarap

Naiilang ako kaya umiwas ako ng tingin pero  kinulong niya ang mukha ko gamit ang mga palad niya kaya nabalik ang tingin ko sakaniya.

"Ang saya ko Kath. Akala ko hindi ko na makikita ang muling pagtawa mo, yung totoong tawa hindi pilit. Yung kahit ngiti mo lang dati ang hinihiling ko dahil masaya na ako doon, sapat na saakin yun pero ngayon? May nagawa siguro akong maganda kaya ito ang binigay saakin ng Diyos. Alam mo bang Binabaliw ng tawa mo ang puso ko. Ang lakas ng kabog na dibdib ko ngayon dahil lang sa pagtawa mo. Ganiyan ang epekto mo saakin kath, kahit kunting bagay mula sa iyo ay kayang guluhin ang lahat saakin. Ganyan ako kabaliw sa'yo"

Parang hinaplos ang puso ko. And for the nth time yung mga bulating may pakpak sa sikmura ko ay nabuhay.

Gossshh. Hindi lang ikaw ang nababaliw.

Dahil sa hindi ko mapigilang damdamin ko ay agad ko siyang inabot at siniil ng halik.

Bahala na.

Tinugon niya rin naman agad ang halik ko. Pinulupot niya ang braso niya sa bewang ko at sa isang iglap nasa kandungan na niya ako habang patuloy kami sa paghahalikan.

Bibitaw na sana ako sakaniya dahil kinakapos na ako ng hininga ng higpitan niya ang pagyakap saakin kaya ang buhok niya ang napagdiskitahan kong guluhin. At hindi ko alam kung kahibangan ba ito pero narerelax ako.

Para akong nahihibang sa bawat kagat niya sa labi ko at haplos niyang ginagawa sa likod at batok ko.

Shit. I can't stop myself!!

Akmang ihihiga niya ako sa sofa ng may kumatok sa pinto ng office niya.

"Fvck!"agad na bulalas niya at matalim akong tiningnan habang hindi pa rin ako binibitawan.

Aba. Anung ginawa ko?

Agad niyang inayus ang damit kong medyo nakataas at gusot.
at ako na mismo ang bumitaw sakaniya.

Umupo ako ng maayos at ako na mismo ang nag ayus sa sarili ko samantalang siya ay sarili niya ang inayus niya.

Muling may kumatok sa pinto.  Napatingin ako dito saka ako bumaling sakaniya pero laking gulat ko ng mataman  siyang nakatingin saakin. Ramdam ko ang pamumula at hiya ko. Kaya nag iwas na lang ako ng tingin.

"Come in"matamang sabi ni Jake

"Sir hinihintay kana po sa Conference room"malamig na sabi ng Sekretarya niya

Agad din namang umalis ang babae.

Bumaling saakin ang atensiyon ni Jake

"Dito ko lang, saglit lang ako. Wag kang aalis dito dahil hindi pa tayo tapos"Mariin na sabi niya. Kumabog ang dibdib ko, para akong tanga na kinakabahan  na nae excite, at dahil sa nararamdaman ko ay hindi ako nakasagot.

Agad siyang tumayo. Pero bago pa siya lumabas ay hinalikan muna  niya ako ng mabilis na kinagulat ko at walang lingong lumabas siya ng opisina niya.




Napahilamos na lang ako sa mga palad ko at gulo ng buhok.

"Bakit ba ang tanga tanga ko. Bakit ko kasi ginawa yun. Shit. Nakakahiya"pagkausap ko sa sarili ko.

Urrrggg!!!! Ano ngayon ang mukhang ihaharap ko kay Jake?! Shit naman oh...sino bang poncio pilato ang sumanib saakin kanina...

Napatigil lang ako sa pagkausap sa sarili ko ng biglang bumukas ang pinto.

At dahil akala ko si Jake ay bigla akong napatayo.

Pero ganun na lang ang gulat ko ng hindi si Jake ito.




"E-Erica"





____________________

A/N: Sabi ko na nga bang may maghaharap, nagharap nga si Jake at Kath😂😂😂

Anyways, ito muna ayaw kasing gumana ng Wifi, nakakainis....

Salamat sa paghihintay..

Good morning....😘




KUYA (My Lover)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora