KUYAML:40

4.3K 127 33
                                    


[40]

Matapos ang launch namin with Jake's buddies ay hinatid na rin ako ni Jake sa Company building. Medyo late pa nga ako sa pagdating dahil ayaw paawat nung mga gwapong ungas.

"Miss Kath review niyo na lang yan para maaprobahan niyo kung swak ba ang mga equipment na napili ko"sabi ni Mark ng dumating siya galing sa site.

"Ok, andito naba ang lahat?"tanung ko

Tumango siya at nagpaalam na rin lumabas sa opisina ko para pumunta sa opisina nila.

Agad ko ring rineview ang binigay ni Mark para handa bukas, ganun din ang mga natapos na design. Although hindi naman dapat matapos lahat na ito, ang gusto lang naman ng board ay update, masyado silang mamata pagdating sa business nila, wala e karamihan sakanila may dugong Japanese kaya work work work!  Business business business!!!

"Ok naman ang lahat, may mga ilan pa tayong dapat na ayusin pero pwedi pa naman natin ito ayusin may oras pa tayo doon. Don't worry for tomorrow dahil kahit First meet natin bukas sa board ay may na prepare na tayo. As of now  ibibigay ko ang ibang detail ng building para mapag aralan naman natin ito baka sakali sa mga tanung nila bukas."paliwanag ko bago kami mag out.

Sumang ayun naman sila. Pagkatapos ng aming pag uusap ay nauna na silang umalis. Samantalang ako ay dumiretso muna sa Rest Room.

Lol! Naha haggard ang lola niyo.

Pagkabalik ko sa office ko ay kinuha ko lang ang gamit ko saka lumabas na rin. Pero pagdating ko sa lobby ay nakita kong andun si Lance.

Whoa. It's been a week at ngayon ko lang ulit siya nakita.

"Lance"tawag ko sakaniya ng makalapit ako

"Kath"masiglang sabi niya saka ako niyakap.

"Anung ginagawa mo dito?"tanung ko ng kumalas siya sa pagkakayakap

Napairap naman ang lalaki.

"Company po ito ng Daddy ko"sarcasm niyang sabi. Ay katangaham naman, bakit ko nalimutan?

"Oo nga pala hehehe"

"And babe, one week kang hindi nagpakita saakin. Andito kana pala sa company ni Daddy nag tatrabaho hindi ka man lang nagpasabi"aniya niya na kunwari ay nagtatampo.

"Asus. Tampurorot naman ang bebe ko"sabi at kinurot ang tagiliran niya

"Ouch. Wag mo nga akong tawaging bebe. Hindi ako pato"irap niya saakin at tinalikuran ako

Niyakap ko siya mula salikod saka ko linagay ang baba ko sa balikat niya.

"Wag ng magtampo ang bebe ko. E...smile na bebe ko. Bebe ko"gustong gusto ko ng matawa e pero kailangan pigilan.

"Shut up kath. Bebe ka ng bebe mas lalo akong magtatampo nito"kunwari naiinis niyang sabi pero gustong gusto namang yakapin ko lang siya. Para paraan e.

"Sus, drama mo. Sumama ka nalang sa condo ko ipagluluto kita ng paborito mong Ginataan"sabi ko saka kumalas sa pagkakayakap. Pinagtitinginan na kasi kami

Bigla naman siyang humarap na may liwanag sa mga mata.

"Talaga? Tamang tama. Sa condo mo na lang tayo mag dinner."ngiting ngiti niyang sabi

"So let's go?"

Tumango siya saka kinuha ang bag ko para siya na ang magdala at hinawakan niya muna ang kamay ko bago iginaya ako palabas.

Sweet.

"So what's up?"tanung ko sakaniya ng nasa kotse na kami

"What?"tanung niya rin

"Your new condo?"

"Yeah, nakalipat na ako doon. And actually malapit lang sa building niyo"nakangiti niyang sabi. Although nasa harap lang ang tingin niya at kita ko pa rin

"So sa Kangjie ka rin pala huh?"

Nasa Condo ko na kami. Ako nagluluto habang siya nanunuod lang na nasa counter.

"Babe matagal pa ba yan?"bagot na tanung niya

"Malapit na po bebe ko"

"Nga pala babe nung nakaraang mga araw sino yung mayhawak ng cellphone mo?"

Bigla akong napahinto sa ginagawa ko.

Hinarap ko siya ngunit agad din akong nag iwas ng tingin at tinuon ulit ang atensiyon ko sa pagluluto

"Hey babe, I'm asking you who–"bigla siyang napahinto sa pagsasalita ng tumunog ang doorbell

Hayyy....save by the bell.

"May bisita ka?"tanung niya

"Yup"ngiting sabi ko

Kumunot naman ang nuo niya

"Who? Akala ko pa naman tayong dalawa lang"sabi niya at nangalumbaba

"Duh! May bisita naman talaga ako e. At ikaw yun"ani ko na kinangiti niya. Not minding the doorbell.

"Ibigsabihin wala kang inaasahang bisita?"ito ang gusto ko kay Lance e hindi slow.

"Ikaw na lang ang tumingin nun Lance, ihahain ko lang ito"ani ko saka nagsimulang isalin ang ulam

"Andito ka lang pala kath! Bakit di mo man lang magawang pagbuksan ako?!"

Halos matulos ako sa kinatatayuan ko dahil sa pagsigaw ng kakarating lang at ang higit sa lahat bakit ngayon pa siya pumunta dito! Shit!

"Kath! Wh–"napahinto siya sa pagsasalita at hindi ko alam kung bakit dahil nakatalikod pa rin ako sa kaniya

"Who are you?"rinig kong sabi niya. Sa boses niya ay halata ang galit, inis at pagtataka.

Shit! Si Lance.

Abot abot ang kabang nararamdaman ko.

Agad akong lumingon at ganun na nga ang gulat ko ng nakay Lance ang buong atensyon niya habang si Lance ay nasa upuan niya pa rin.

Ibig sabihin hindi pa nakakaalis si Lance sa kinauupuan niya.

Shit again. May duplicate key nga pala si Jake.

"And how about you? Who are you?"may diin din sa tinig ni Lance

Walang nagsalita sa kanila tanging nagsukatan lang ng tingin. Kung nakakapatay lang ang tingin siguradong kanina pa tustado itong dalawa.

Tumikhim ako ng maagaw ang atensiyon nila na di naman nasawi

Ngunit ganun na lang ang tahip ng dibdib ko. Shit! Bakit ba ako kinakabahan.

"A-ah...J-Jake his L-Lance–" naputol ang pautal utal kung sasabihin ng unahan na ako ni Lance

"Her Man"taas nuong dagdag ni Lance

"A-and Lance his J-Jake–"

"Her Fiance"putol din ni Jake sa sinasabi ko.

Shit!

Ang sakit sa bang nito!

______

sa mga gustong makita ang Picture ni Lance..Here he is😍

Here he is😍

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


A/N: pasensiya na at ngayon lang ang update, sunod sunod kasi ang activities sa school!

ANYWAYS, Saan kayo team #Lance o team #Jake

Enjoy reading...

KUYA (My Lover)Where stories live. Discover now