KUYAML: 43

4K 165 13
                                    


[43]

Ilang minuto kaming naging tahimik. Walang nagsasalita.


Ni ako ay hindi masagot ang mga tanung niya.



Oo kaya kung sagutin yun pero masyadong malabo para saakin. Naguguluhan parin ako e.


Paano kung gaya parin siya ng dati. Paano kung puro kasinungalingan lang ang lahat ng mga sinabi niya?


Maya maya ay narinig ko na lang na bumuntong hininga siya ng malakas kaya napalingon ako sakaniya.


"Matulog na tayo"walang gana niyang sabi



Disappointed?!.



Tumayo na siya at walang lingon niya akong iniwan sa sala.



Ang makita siyang tinalikuran ako at iniwan ay parang binuhusan ng malamig na tubig ang puso ko.



At muli ay pumatak ang luha ko. Masakit pa rin pala na tatalikuran niya ako.



Masyado ko yatang iniisip ang mga pwedi mangyari.
Madyado yata akong naging mahigpit sa damdamin ko at masyado kong pinapangunahan ang mangyayari bukas, kaya nasasaktan din ako.



Sumandal ako sa sofa saka tumingala.


Napangiti na lang ako ng mapait ng maramdaman ko ang pag iisa.
Hanggang kailan ba ako mag iisa?



Dapat siguro hayaan ko naman ang sarili kong maging masaya.


How?



ilang minuto pa akong nakaupo doon saka


Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sofa saka nagbuga ng hangin.



Dumiretso ako sa kwarto ko dahil doon nagpunta si Jake.



Pagkapasok ko ay nakita ko siyang nakahiga sa kama habang nakatakip ang isang braso sa mga mata niya.



Muli ay napabuntong hininga ako dahil feeling ko gigipitin ako ng hininga dahil sa kabang nararamdaman ko.



Dahan dahan akong lumapit sa kama saka umupo sa gilid nun.
Tiningnan ko siya ng mabuti. Alam kung hindi pa siya natutulog.



"J-Jake"tawag ko sakaniya
..


Pero no response!




"Huy! Jake"this time ay medyo linakasan ko na



Pero no response pa rin!

"Jake, huy Jake"yinugyog ko na siya pero ayaw kumibo.


Hay! Bwesit. Talagang naiinis na ako!



"Jake!"pasigaw kung tawag pero wa epek!





"Pag ikaw hindi pa bumangon. Kay Lance na talaga ako magpapakasal–"naputol ang sinasabi ko ng pabalikwas na bumangon si Jake.



Ay huta! Babangon rin pala!


"Yes baby? Nagugutom ka ba? Nauuhaw? What?"malambing niyang tanung at nag puppy eyes pa. Tsk. Pa cute e no?!




"J-Jake pwedi ba akong magtanung?"may kahinaan kung tanung pero siguradong narinig niya iyon
.


Umayos siya ng upo saka ako maayos na hinarap

Sumeryoso ang ekspresyon niya



"What is it?"formal niyang sabi.


Bumuntong hinga ako saka tiningnan siya ng diretso


"N-Naging kayo ba ni E-Erica?"


Umiwas ako ng tingin sakaniya. Nakakaramdam ako ng takot. I don't know why


Tumayo si Jake kaya napatingin ako sakaniya. Naglakad siya papunta sa side ko saka umupo sa harap ko, sa kama rin.


"Kath"malumanay niyang tawag


Hindi ako sumagot pero tumingin ako sakaniya. Hinawakan niya ang kamay kung nakalatag sa kama


Napasinghap ako ng halikan niya ang likod ng mga palad ko. Fvck! Ang init ng pisngi ko at subra rin ang kabang nararamdaman ko. Feeling ko magkakasakit ako sa puso.


I need CPR!


"Erica is my bestfriend. Kaibigan ko na siya mula pa nung mga bata pa kami. Kaya kapatid ko na siya kung ituring. Hindi ang sagot sa tanung mo. Kailan man ay hindi naging kami ni Erica. Ikaw lang Kath, Ikaw lang"masuyo niyang sabi



Bakit ang saya ko sa nalaman?. Dahil ba sa ako lang talaga? Na hindi naging sila at walang katuturan ang naging pagseselos ko noon?



Dahil sa tuwa ko ay napaluha ako. Oo natutuwa ako dahil dapat hindi ako mangamba kay Erica.



Pero dapat ba akong maging masaya kung maraming taon na nasayang.


Psh bahala na. Panahon na rin siguro para saya naman ang maramdaman ko.


"Thank you"yan na lang ang tanging nasambit ko



"For what?"takang tanung niya



Ngumiti ako sakaniya at kinuha ko ang mga kamay kung hawak niya saka kinulong ang mukha niya gamit ang mga palad ko.



Nagtataka man siya ay hinayaan niya na lang ako sa ginagawa ko.


"Salamat kasi hindi ka nagsawang hintayin ako. Salamat at minahal at patuloy mo pa rin akong minamahal. Salamat at hindi ka sumuko. Salamat at naging tapat ka saakin at salamat dahil kailan man ay hindi ka nagtaksil saakin"isa isang pumatak ang mga luha ko pero nagpatuloy pa rin ako.




"Sorry kasi nanghinala ako noon, sumuko ako, nagsinungaling, naglihim at hinayaan ko ang pagkatao kung kainin ng selos. Sorry dahil maraming taon ang nasayang dahil sa katangahan ko. Masaya sana tayo kundi dahil sa selos ko. Sorry dahil iniwan kita ng walang paalam"napakagat ako sa labi dahil kunting kuntin na lang ay mapapahagulgol na ako



"Ssshh.."dahan dahan niyang pinahid ang mga luha ko
"it's not your fault. I was. Dahil hindi ko sayo pinaintindi lahat. Na hindi ko kayang mag open up ng mga bagay bagay sa ibang tao, Pati sayo..I'm sorry,baby."


Napabitaw ako sakaniya saka tumungo.



Kasalanan naming dalawa.
.

Masyado pa kaming Immature nung pumasok kami sa relasyon kaya siguro hindi naging matibay.

Inangat niya ang mukha ko dahilan para magkatinginan kami



"Baby, magsimula tayo ulit. Yung mga taon na hindi tayo nagsama ay pupunan natin ng higit pa. Please Kath.."masuyo niyang sabi



Unti unti akong tumango.


Ngumiti siya saakin at hinalikan ang nuo ko.



Saka bumulong ng




"Thank you"


Wala naman sigurong mawawala pag susubukan ulit.





Mahal ko pa e. Kaya, kaya kung sumugal ulit para sakaniya, para saamin.









_____________




A/N: sobrang busy ko guys kaya iniinsert ko lang ang pag update

Anyways, hello sa mga new readers. At Salamat sa mga patuloy na nagbabasa, nagbo-vote, nagko commemt at sumusuporta. Hi din sa mga silent reader^_^

74k reads na. Hindi ko eneexpect na aabot sa ganito ang reads. SALAMUCH Guys😙😙


At ito pa pala. Again pagbigyan nyo naman si Jimin kahit ngayon lang, kahit dito lang sa story na ito ay matangkad si Jimin.Isipin niyo na lang na mas matangkad si Jimin sa inyo😂😂😂




Thank you😘😘😘

KUYA (My Lover)Where stories live. Discover now