KUYAML: 49

3.4K 112 3
                                    

[49]





Tanghali na ako nagising, and thanks God at tumawag na sa office si Jake pinaalam na hindi ako makakapasok.




Nag woworry rin ako dahil may project pa kaming tinatapos at heto ako laging absent! Shit!




At ngayon nga paalis na kami, andito na ako sa sasakyan ni Jake pero hindi ko alam kung saan kami pupunta.



Kung ganito lagi, laging kasama ko si Jake edi siguradong matatanggal ako sa trabaho dahil mas magiging madalas ang absent ko kesa sa pasok.



Kainis naman itong Lalaki na ito. Di ba niya alam na busy rin ako? I know that he is too. Duh! CEO siya kaya mas malala ang iniisip nito. Kaso hindi siya nagmunukhang may ari ng Kompanya, dahil ang ungas pa chill chill lang.



Saan ba kasi kami pupunta?



"Nakasimangot ka nanaman"biglang sabi niya.




Liningon ko siya. Diretso lang ang tingin niya sa harap ngunit andun pa rin ang ngiti niya.




Kahit anung anggulo ang pogi talaga ng ungas, mapaside view o harap. Pak! Ang kinis pa! Tsk. Daig pa ang babae sa kinis, puti at alaga sa balat!




Napa iwas ako ng tingin ng sulyapan niya ako. Nahuli ako ng ugok kaya napatawa ito. Tsk.




Napabuntong hininga na lang ako.



"Saan ba kasi tayo pupunta?"bagot kung tanung.



"You'll see,baby"malambing niyang sabi.



Napa pout na lang ako. Ayaw ko ng magtanung pa tinatamad ako. Wala rin naman siyang matinong sagot.




Sa halip na magbilangan ako ng track na makakasalubong namin ay kinuha ko na lang ang Ipad ko saka nag game.



_____





"We're here"anunsiyo ni Jake.



Napatingin naman ako sa labas ng kotse. At ganun na lang ang pagkamangha ko dahil sa ganda ng view...



Tatlong oras ang naging byahe. Nag launch na rin naman kami ng umalis kami sa condo niya. Hindi na rin kami huminto para bumili ng makakain dahil may dala na si Jake at actually kompleto e.



Tungkol naman sa naging damit ko. Nag order siya through online kaya lang hindi ko magustuhan ang pang itaas.



Kaya ang nagamit ko na lang ay yung underwears, pants at rubber shoes, nanghiram na lang ako ng isa sa tshirt ni Jake. Ayus naman dahil sumakto sa shoes at fitted pants. Nagmukha tuloy akong teen, as in 17 years old with swag!



Anyways balik tayo sa lugar. I think nasa isa kami sa matataas na lugar dito sa Pilipinas, pagkababa namin sa kotse ay inihabilin na ito ni Jake.


Bago kami umalis sa pinag iwanan ni Jake ng kotse niya ay may mga pinil-apan pa siya.



Hawak kamay kaming umalis sa lugar na iyon.



"Asan ba talaga tayo?"tanung ko. Ngayon ko lang kasi nakita  at napuntahan ang lugar na ito.



Mahangin, nature na nature dahil puros green, fresh lahat, may mga nanininda, statue ng animals at kung ano ano pa na siya pinagpipicturan ng mga tao, may mga nagtitinda ng souvenirs,  pagkain tulad ng kakanin at marami pang iba. May mga katabi ring maliit na burol at matataas na bundok din.
May mga tao ring dayo.



KUYA (My Lover)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant