KUYAML: 53

2.6K 90 25
                                    

[53]



"What do you want?"medyo naiirita nang sabi ni Jake

Kanina pa kasi siya tanung ng tanung, oo mukhang masasarap ang lahat ng nakahain pero wala talaga akong trip ni isa dito.


"I want pasta"nakapout kung sabi

Kumunot naman ang nuo niya at may panghihinayang sa mga mata niya nang dumako ito sa mga pagkain


"Pasta for breakfast?"namamangha niyang sabi

Natakan naman ako bigla ng may pumasok sa isip ko.

nakanguso akong tumango

"Yup. Past with full of gravy"biglang namasa ang gilid ng labi ko ng maimagine ko iyon.


Di mawala ang aking ngiti pero ng dumako ang tingin ko sakaniya ay ganun na lang ang pagkairita ko ng gumuhit ang pandidiri sa mukha niya.

"I-is that even a f-food?"nakangiwi niyang sabi

What the hell!! Gusto kung isampal lahat ng pagkain sa harap ko dahil sa reaksiyon niya!

Yun ang gusto ko anong problema doon?


"Yun ang gusto ko! At oo pagkain yun!"matigas kung sabi.

"Where can I find that! My God! Ngayon lang yata ako nakarinig ng pastang may Gravy"naiiling niyang sabi.


Tumayo ako at sinamaan ko siya ng tingin!


"Ang sabihin mo ayaw mo lang akong bilhan nun!"asik ko sakaniya.


Kumukulo ang dugo ko sakaniya at the same time naluluha na rin. Bakit ba ayaw niya akong bigyan nun? Tatanungin ako kung anong gusto ko tapos nang sabihin ko ang gusto ayaw naman niya akong bigyan.

Sana sabihin na lang niya na tinatamad siyang lumabas sa building na ito. Kaya ko naman na ako na lang ang bumili e.

Bakit ba napakadamot ng lalaking ito?. Gusto ko lang naman kumain.

Kasalan niya at basta basta na lang siyang nagdala ng sandamakmak na pagkain na hindi man lang nagtanung kung gusto ko iyan.


"Fvck!"napatingin ako sakaniya ng bigla siyang magmura at sa isang iglap ay nasa harap ko na siya.



"Shit! Don't cry, baby...don't worry I'll find that kind of....food"aniya na may pag aalanganin sa huli niyang bigkas.



Niyakap niya ako at hinalikan ang buhok ko.



Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko.


Umilng ako at buong lakas ko siyang tinulak.


"S-sabihin mo na lang na ayaw mo. Kaya ko namang bumili mag isa....b-besides, mukhang nandidiri ka naman"naiiyak kung sabi.




Shit! Bakit ba napaka iyakin ko. Pero nakakasakit naman talaga dahil yung gusto kung kainin ay pinandidirihan niya. How dare him!



Humakbang siya para lapitan sana ako pero umatras ako.




"Don't!"pagpapatigil ko sakaniya pero hindi niya ako pinakinggan.
Imbes ay tuluyan na niya akong nalapitan at niyakap.




"Hush baby. I'm sorry ok? I'll find what you want to eat! I'm sorry"aniya. At ramdam ko ang sincere sa lahat ng pagsasalita niya.



Yumakap na rin ako sakaniya at sinubsob ang mukha ko sa dibdib niya.



"Bibilhan mo na ako ha?"parang bata kong sabi.


Hindi ko alam pero na eexcite ako pag naiisip kung nasa harap ko na ang pagkain yun.


Naramdaman kong tumango siya at marahas na napabuntong hiniga.


"Basta wag ka ng umiyak ha? That's my weakness  baby"aniya at pinunasan ang pisngi kung may hilam na luha


Lumayo ako sakaniya saka tumango. Ngumiti ako saka bahagya siyang tinulak palabas ng office ko




"Go. Gutom na ako e. Bilisan mo ha?"nakangiti kung sabi



Hinalikan muna niya ako ng saglit saka tuluyan na siyang lumabas sa office ko.










________








Ganadong ganado ako sa pagkain. Hindi ko alam kung saan nakabili si Jake nito. Pero laking pasasalamat ko at natikman ko na rin ang pagkaing ganito.




Heaven





Buti na lang at sinunod ni Jake ang utos kung damihan ang gravy. Kaya lalong sumarap tuloy. Napapapikit pa ako sa bawat pagsubo dahil gusto kong damhin at namnamin sa dila ko ang sarap nito.



And honestly, ngayon lang din ako nakatikim ng ganitong klaseng pagkain at hindi ako nagsising nag crave ako ng ganitong klaseng pagkain.



Napamulat naman ako ng maramdaman ko ang daliring humahaplos sa gilid ng lips ko.



"Napakadungis mo talagang kumain"nakangiti niyang sabi. Pinahid niya pa ang gravy na kumalat sa gilid ng labi ko.



Pero literal na lumaki ang mga mata ko ng isubo niya ang daliring ginamit niya sa pagpahid.





Ramdam na ramdam ko ang pag iinit ng pisngi ko. Feeling ko umakyat ang lahat ng dugo sa mukha ko.




Napaiwas ako ng tingin ngunit hindi nakaligtas ang mapaglaro niyang ngiti.





Ngiting ngiti siyang pinapanuod ang reaksyon ko.At ang ngiting yan ang dahilan kung bakit kumakabog ng hindi normal ang dibdib ko.



Mukhang tuwang tuwa ang mokong na panuorin ang reaksiyon ko pero natatandaan ko pa kanina na nandidiri at nawewerduhan siya sa kinakain ko.






"S-salamat dito"tukoy ko sa pagkain. Alam kung nahirapan siya sa paghahanap nito. Dahil medyo natagalan siya sa pagbalik. But still, bumalik siya na may dala.



"Anything for my girl"tugon niya na kinagulo ng sikmura ko.


Bakit ba ganito na lang ang epekto niya saakin.




____________

Short Update.



Happy mothers day sa lahat ng ina sa buong mundo..... Noong Sunday pa ang Mothers Day pero let's celebrate Monthers Day Everyday....Dahil ang ina natin ang totoong first love natin....

KUYA (My Lover)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon