Thirty-Six

4.8K 149 13
                                    

[36]

Tulad ng sabi ni Mama, umuwi ako sa bahay namin.

Buti na nga lang at pinakawalan ako ng damuhong jake na yun. Paano ba naman hapon na ako nakaalis sa bahay dahil nagpupumilit magkipag date saakin..

At hindi daw aalis hanggang hindi ako pumayag at hindi nga ako pumayag! Hahayaan ko na lang sana na nasa condo ko siya, iiwanan ko na lang siya doon at bahala siyang mabulok! Kaso ang damuho hindi ako papalabasin hanggang hindi ko sinabi ang password ng pinto ng condo at bigyan ng  duplicate key sakaniya.

Ang kapal talaga ng mukha! Sarap halikan–esti isubsob sa kanal!

"Kath"malamig na tinig ni Papa ang nagpatigil sa pag iisip ko

And this is it again! Kinakabahan nanaman ako. Bakit ba kasi napaka tanga ng palusot niya!

"Pa.."ani ko at hinalikan siya sa pisngi

"Pahinga ka muna sa kwarto mo, tatawagin ka na lang namin pag kakain na"

"Opo"tango ko at pumanik pumunta sa kwarto ko

Pagdating ko sa dulo ng hagdan ay tiningnan ko ang kabuuan ng pang ibaba ng bahay...Malaki pero hindi ganun kalaki sa ibang mayayaman. Natatandaan ko pa noon, nung bago kami umalis papunta sa ibang bansa dahil sa sakit ko. Katamtaman lang ang bahay namin. Kung nasa sala ka makikita mo na ang dinning area at kusina. May tatlong kwarto at common cr. And now heto, umasenso. Dahil mula sa maliit na paupahang bahay ni Papa ay lumaki ito ng lumaki hanggang sa nakapagpatayo siya ng Condominium building sa tulong na rin ni ninong Jed Kang na siyang humihingi ng pabor saakin ngayon na magdesenyo ako sa bagong condominium nila.


Yes, pareha sila ng business ni Papa pero hindi naging hadlang yun para magtulungan sila. Besides lagi silang partners.

Nag aral ako sa France ng Interior designer at the same time nagdedesenyo na rin ako nun ng mga damit at ipinabibili ko nang makatulong ako sa gastos. At ng dumating ako sa huling taon ko sa pag aaral nagsimula na akong tumanggap na proyekto para magdesign sa tulong ng koneksyon ni ninong at tulong na rin yun para saamin.Mahirap lang kami at umaasa lang kami kay tito noon kaya kaylangan magtipid at magtiis sa mga gustong bagay.

Delayed ako ng 2 years sa pag aaral dahil sa operasyon ko pero heto ako ngayon. Isa ng designers at gumagawa ng sariling pangalan. All of this ay pasasalamat ko kay ninong at kay Lance.

Oh crap! Speaking of Lance, Di ko nga pala natawagan si Lance!



Pagdating ko sa kwarto ko ay agad kung binungkal ang bag ko para hanapin ang phone. Pero kahit anung baliktad ko sa bag ko ay walang phone doon!


"Ugghh!!"frustrated kung angil saka hinagis ang bag  ko sa gilid!

Pero bago pa ako nagsusumigaw sa inis ay may naalala ako

"Baby, sino si Lance?"tanung ni Jake sa likod ko habang nagsusuklay ako

Agad ko siyang binalingan ng tingin

"Paano mo nalaman ang pangalan ni Lance at pwedi ba wag kang magtanung na pra bang close tayo"irap ko sakaniya saka nagputuloy sa pagsusuklay

Bakit ba hindi pa umalis ito? Nakuha na niya ang gusto niya at andito pa talaga siya sa kwarto ko nakatambay! Ugh!

"Ang kulit kasi e. Kanina ko pa deni-decline  ang tawag niya at patuloy pa rin tumatawag" nanlaki ang mga mata ko ng makita ko sa refleksyon ng maliit na salamin na hawak niya ang phone ko

Agad akong tumayo at lumapit sakaniya. Hahablutin ko sana ang phone ko ng mabilis niyang inilag ito

"Akin na nga yan!"asik ko sakaniya pero umiling lang ang gago

"Hindi ka lang talaga sinungaling. Pakialamero ka rin no?"inis kong sabi. Halos manlisik ang tingin ko sakaniya pero binabaliwala lang niya

Pinilit kung kunin ang phone ko pero masyadong maliksi ang gago!

"Aalis na ako. Magkita na lang tayo sa bahay niyo...bye"mabilis na sabi niya bago ako hinalikan sa nuo

Sa pagkatulala ko hindi ko namalayan na naka alis na pala si Jake dala dala ang phone ko!

Shit!


Nasapo ko ang nuo ko ng maalala ko yun! Amputek!

Humiga na lang ako sa kama saka dumako lahat ng nangyari sa isip ko!

Bakit ganun si Jake..kung umakto parang walang nangyari. Hindi ba niya naaalala kung paano niya ako linoko? Paano niya ako tinalikuran?

Sa mga taong nagdaan lagi kong dala ang sakit na yun. Hindi nawala si Jake sa isip at puso ko, pero mas matimbang ang sakit. Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat  dahil hindi nawala ang ala ala ko. Kasi mas gusto kong nawala na lang ang alala ko nang sa ganun pati ang sakit ay mawala na rin.

Lagi kong pinapaalala ang salitang 'Move on' sa sarili ko, kaya kahit paano ay unti unti akong nakaka move on. Pero ngayon? Hindi ko na alam kung paano mag move on.

Nakakatakot ng magmahal kung masasaktan ka rin naman.

Si Jake? Hindi pa rin nagbabago. Parang nung isang araw lang kasama si Erica pero nung wala na, ay naghanap naman ng iba. Tumakbo naman saakin. Hindi ba siya nakukuntento sa isa?. Mukhang masaya naman sila ni Erica dahil umabot sila ng Anim na taon. Kaya sana naman this time wag na akong idawit ni Jake sa kagaguhan niya. Wala talaga siyang puso! Paano niya nagagawang pagsabayin kami ni Erica. Oh no. Baka hindi lang siguro kami ni Erica ang pinaglalaruan niya. Who knows!

Puro lang siya pakilig.hindi marunong manindigan!

__


"Anak, bakit hindi mo sinabi na may kalive in kana pala?"sabi ni Papa ng matapos kaming kumain

"Pa, di po totoo yun. Nagsisinungaling lang si Jake"kontra ko

Nakita ko namang umiling si Mama

Tsk! Bakit ayaw nilang maniwala? Magulang ko sila kaya sana ako ang paniwalaan at kampihan. May ginawa talagang ritwal ang ulupong na yun!


"Bukas pupunta siya dito kasama ang magulang niya, kaya wag ka na munang umuwi sa condo mo"hayag ni Mama habang si Papa ay tahimik lang na nakikinig. Under ni Mama e. Paano makakapagsalita?

"Pero Ma, hin–"bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay nagsalita nanaman si Mama

"Anak. Anak ka namin, kaya intindihin mo ang gusto namin. Ikaw ang nag iisang anak namin. Kaya dapat maging espesyal lahat para saiyo. Gusto kung iparanas sa iyo ang hindi ko naranasang magarang kasal. Kaya ko 'to minamadali dahil masisira ng tiyan mo ang magandang kasal mo. Lahat naman nito ay para saiyo"hayag ni Mama na kinakunot mg nuo ko

"Tiyan? Anung meron sa tiyan ko?"takang tanung ko. Anung kinalaman ng tiyan ko sa magandang kasal


"Ayukong magmartsa ka sa simbahan na malaki na ang tiyan mo"sagot ni Mama na kinalaki ng mga mata ko

"Ma...Hindi ako buntis!"

________________

A/N: Dapat last chapter na ito at epilogue na ang susunod na chapter kaya lang may  bigla akong naisip na gusto kung idugtong...ayaw ko kasing lagyan ng book2 kaya icocontinue ko nalang dito...na-eexcite ako e😂😂

Anyways, nakakatuwa yung mga nagcomment sa previous chapters... kahit super busy ko ay natutuwa ako dahil hindi lang puro bitin ang laman ng comment box😂

Sa mga nagsasabing ang tangkad ni Jimin sa story na ito...pagbigyan niyo naman siyang tumangkad kahit dito lang😂😂😂

Salamat😘

You can add me on Facebook just search: Yie Black tapos message niyo ako para ma-Confirm ko kayo

KUYA (My Lover)Where stories live. Discover now