Twenty-Five

5.2K 190 29
                                    


[25]




Maaga akong pumasok sa school
Kahit masakit ang ulo ko at medyo nahihilo ay pinilit kung maka alis ng bahay

Lalo lang kasing sumasakit ang ulo ko pag nandun ako sa bahay, simula kasi kahapon ay di na umalis sa tabi ko si Mama at Papa, at ayaw pa akong papasukin ngayon, kaso wala silang magagawa pag nagpumilit ako

"Rodriguez! Bakit ganyan nanaman ang suot mo?"yan agad ang sumalubong saakin pagpasok ko ng room
Di ba marunong mag 'good morning' ang matandang 'to?

Hindi ko siya pinansin at nagtuloy maglakad papunta sa upuan ko

Kaya lang dipa ako nakakaupo ay nagsalita nanaman ang teacher ko

"Proceed to disciplinary office Rodriguez"

Pagkasabi niya nun ay di na ako nag abala pa.

Nagbuntong hininga na lang ako at
Agad na akong pumihit at lumabas..Pasalamat ka Ma'am at wala ako sa mood!

Naglakad ako papunta sa D.O
Kaya lang napahinto ako ng manlabo ang paningin ko..

Hinilot ko ang sentido ko, saka binaliwala ang sakit

Kaya lang di pa ako nagdadalawang hakbang ng nasa harap ko na si Jake na nagpakabog sa dibdib ko

"Jake"walang emosyon kung sabi

"K-Kath, are you ok?"nag aalala niyang tanung

Tumango ako

"Namumutla ka kath...sigurado kang ayos ka lang?"

"Yeah"walang ganang sagot ko

Akmang lalagpasan ko siya ng hawakan niya ang braso ko kaya napatigil ako

Hinarap niya ako

"Look kath...I'm sorry, I'm really really sorry...kababata at kaibigan ko si Erica kaya malabong magawa ko ang gusto mo"

Kumunot ang nuo ko sa mga sinabi niya.

"What?"maang kong tanung kahit alam ko naman ang tinutukoy niya

"Kahapon"nakatungo niyang sabi

"Wala akong sinabing layuan muna siya, oo gusto kung layuan mo siya pero ikaw ang nagbanggit nun, ikaw ang nangako nun para saakin! Wag mong palabasin na pinipilit kitang layuan si Erica"huminga ako ng malalim at tumingala para labanan ang luha ko dahil sa galit

Hindi ko na kaya. Talagang sasabog na ako sa galit! Kaya patawarin niya ako kung may masabi man akong masama! Basta ang gusto ko mailabas ang lahat ng nararamdaman ko!

"Wag mo akong pagmukhaing pathetic. Dahil hindi ako ganun!"may diin kung sabi

Mabilis siyang umiling

"No..hindi..hindi ganun ang ibig kung sabihin, please don't stress yourself"may kaba sa mukha niyang sabi pero hindi ko yun pinansin

"Ok lang sanang makita kong ganun e, kung may tamang paliwanag ka at sinabi mo na lang, hindi yung mangangako kang hindi mo naman kayang gawin!...alam mo bang ayaw kung magalit sayo ng magdamag? Pero nangyari na, hindi mo ako hinabol kahapon o kinausap man lang para sabihin ang nasa isip at nais mo,kasi ako nagsasawa na akong ilabas ang nasa isip ko. Ako na lang ang parating umiintindi, ang maglalabas at nagsasabi,napapagod na ako. Jake sana sinabi mo na lang ng maaga maiintindihan naman kita e...iintindihin ko dahil mahal kita...pero pinagmumukha mo akong tanga at walang halaga, masakit yun Jake. Masakit. Pinapaasa mo lang ako"hindi ko na napigilang mapaluha..sunod sunod ang luhang dumaloy sa mata ko

KUYA (My Lover)Where stories live. Discover now