Thirty-Four

5.1K 165 18
                                    

[34]

Natapos kaming kumain ng nakabusangot ako at siya panay ang ngiti

And to be honest hindi ako nawalan ng gana dahil masarap ang luto niya, siya na rin ang nagpresentang maghugas ng pinagkainan namin na sinang ayunan ko, sus bakit hindi, nakitulog at nakikain siya kaya ganyan dapat marunong tumanaw ng utang na loob! Hmf!

"So anung schedule mo ngayon?"tanung niya
Tinaasan ko lang siya ng kilay

Ng di ako magsalita ay nagsalita muli siya

"Diba kasama ka sa meeting about sa pagtapos ng Condominium bldg. Dahil ikaw ang designer?"

Sumadal ako sa sofa bago nagsalita

"Yeah...pero tinatamad ako"sabi ko sa walang ganang tinig

Tumayo naman siya, kaya sinundan ko ng tingin kung saan pupunta ang mokong na yun

Lumapit siya sa tv at kinuha ang phone niya nakacharge sa saksakan

Aba! Ang lakas ng apog makicharge, di naman siya ang magbabayad ng bill

Magsasalita pa sana ako ng itinapat niya ang cellphone niya sa tainga niya

"Ms. Aragon clear my schedule today..no, cancel it all"sabi niya sa kausap na mukhang sekretarya niya bago bumaling saakin na nakangiti

"Umalis kana Jake"irap ko sa kanya

"Why?nag eenjoy kana naman na nandidito ako ah?"patuya niyang sabi

"Asa...btw bakit may gamit kana dito?"takang tanung ko

Yeah..iba na ang damit niya ngayon kesa kagabi at naligo na rin ito dito

at home na at home ang mokong!


"Nagpahatid ako ng gamit ko, di pweding lumabas ako dahil tiyak na di na ako makakapasok paglumabas ako dahil sa password ng pinto mo"

"Sana lumabas ka na lang"irap ko

"So saan mo gustong magdate?"tanung niya saakin ng umupo siya sa tabi ko, bahagya naman akong umurong pero nagpumilit ang bwesit na lumapit

"Pwedi ba? Wag mo akong malapit lapitan"tulak ko sakaniya

Ng nasa dead end na ako ng sofa ay napasandal ako dito at swear subrang lapit ng katawan namin sa isat isa na di ko magawang itulak

Amoy na amoy ko ang manly scent niyang nakaka addict!

Shit! This is wrong, dapat tinutulak ko na siya!! Pero bakit para akong ugat na napako

Unti unti niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko and swear again yung mabango niyang hininga ay tumatama na sa mukha ko

Hindi ko alam pero unti unti kong pinikit ang mga mata ko, naghihitay sa susunod niyang gagawin, pero damn isang minuto, dalawang minuto walang lumanding sa labi ko

Agad kong dinilat ang mga mata ko at ang nakangisi niyang mukha ang unang kong nakita

"Waiting for my lips?"patuya niyang sabi na di mawala wala ang ngisi sa labi niya

"Che...umalis kanga"inis kong sigaw at pilit na tinutulak siya pero hindi man lang siya gumalaw, imbes ay ipinatong niya saakin ang buong katawan niya

"J-jake..a-anung ginagawa m-mo?"nauutal kong sabi

Nakaktitig lang siya sa mga mata ko at ni ako di makaiwas ng tingin!

"WHAT'S THE MEANING OF THIS...KATH"


Agad kung natulak si Jake ng marinig ko ang tawag na yun!

And thank god! Nagpadala siya

At isang babaeng gulat na gulat ang nakayo sa pintuan...

"M-Mama" sa subrang takot at kabang nararamdaman ko ay di ako makapagsalita at napako sa kinatatayuan ko

"Kath...What's the meaning of this?"ulit niya sa isang mariin at galit na boses


"Ma..I...I can explain----"naaputol ang sasabihin ko ng maramdaman ang umakbay saakin

"Hi tita...long time no see"bati ni Jake sa Mama ko habang nakangiti

"J-Jake? Jake Sy?"di makapaniwalang sambit ni mama

Tumango lang si Jake Bilang sagot

"A-ano to? Anung meron?"kung kanina ay galit si mama ngayon ay puno na ng pagtataka ang itsura  niya

"Aww...Hindi ko alam na hindi pa pala sinasabi sayo ni Kath Tita"ngiti niyang sabi kay mama at lumapit siya rito para makipagbiso

"What?"
Tanging pagtataka at pagtatanung ang makikita sa mukha ni mama...at ganun din ako..ano ba ang sinaasabi ng hinayupak na to?

Iginaya niya si mama paupo sa sa sofang kaharap ko bago niya ako iginaya paupo rin at umupo siya tabi ko at hinawakan ang kamay ko

Puno ng pagtataka akong lumingon sakaniya...pero ngiti lang ang iginanti niya

"So what's this, what was the scene?"taas kilay na tanung ni Mama na bumundol saakin ng kaba

"Tita...hindi ko alam na di pa pala sinabi sayo ni Kath... that's hurt baby"drama niya, kaya i irapan ko na lang, hindi ko maintindihan ang pakulo ng bwesit na ito! Bakit pa kasi hindi pa umalis? Pag nagkataon malalagot pa ako kay Mama.

  "oh anyways maganda na rin itong kaming dalawa ang magsabi sainyo"magaan niyang sabi

Fuck! Napipi ako sa kaguluhan...hindi ako makapagsalita...nakakacurious, kung anung pakulo ng lalaking ito!

Bumaling ang buong atensyon ko sakaniya ng hawakan niya ulit ang kamay ko, hinayaan ko na lang, hinihintay ko rin kasi ang sasabihin niyang palusot kay Mama

Kaya lang mukhang, mali! Mali ang naisip niyang palusot!

Demonyo ka Jake!


"Tita....nag-li-live in na po kami ni Kath"

What?

Fvck you to the moon and back Jake Sy!






____________

A/N: I know bitin!😂....napaka hectic ng schedule ko kaya madalang na lang ako mag update...and to be honest hindi ko alam kung kelan ang next update dahil mag e start na ako sa huling laban ng OJT! Na -assign po ako sa Hospital ng mga sundalo at kinakabahan po ako! Hindi ako makakapag update ng one week? (Not sure talaga)

Basta after nitong OJT ko, tuloy tuloy na ang update!



Salamat!😊😘

Anyways, kumusta ang mga Exo-L diyan? Nasa bansa na ang babies natin dahil sa #Exordium in manila! Ako heto nagluluksa team bahay e😭😭😭

KUYA (My Lover)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu