Thirty-Seven

4.6K 142 26
                                    


[37]

Tulad nga ng sinabi ni Mama hindi ako umuwi sa Condo ko, nagpalipas ako ng gabi sa bahay.

At ang inaasahan naming dinner ang pagpunta ng parents ni Jake sa bahay namin ay nauwi sa tanghalian.

Yup. Masyadong excited ang mga Sy, yung dinner ginawang Launch -_-

Kasama ni Jake ang parents niya ng dumating. Sinalubong sila ni Mama at Papa. Mabuti na lang daw at hindi pumasok sa trabaho si Papa.

Tsk. Ano ba kasing sinabi ni Jake at napapayag ang matatandang ito?

"Kath lalo kang gumanda. Say what? umabot kayo ng six years ni Jake. Talagang napakatibay ng relasyon niyo ng anak ko. At ang nakakabilieve pa ay Long Distance Relationship ang pinasok niyo."nakangiting saad ng Ina ni Jake

Andito kami sa dinning. Eating Launch!

Hindi ko maiwasang mapangiwi sa sinabi ni Tita. Seriously? Anung six years at long distance relationship?. Na-poison talaga ang utak nila!

"Ah....actually tita, binahay lang ako ni Jake ng oras na nakita kami ni Mama. Wala na po kaming relasyon ni Jake"paliwanag ko. Aba dapat lang na mawala ang poison na ilinagay ni Jake sa Utak nila

Tumikhim si Jake kaya lahat kami napabaling sakaniya ang atensiyon. Tiningnan ko siya ng masama. Seguraduhin niya lang na wala siyang sasabihing kasinungalingan nanaman!

Akala ako ay maysasabihin siya pero wala. Hindi umimik at nagpatuloy lang siya sa pagkain. Mabuti na naman, kesa puro kasinungalingan lang ang lalabas sa bibig niya dahil pag hindi ako naka tiis baka masaksak ko siya ng tinidor.

"Anyways, Mira. Gaya ng inabutan ko sa Condo ng anak ko at mga sinabi ni Jake ang gusto kong pag usapan natin"Pagkausap ni Mama sa Mommy ni Jake

Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita. Habang ako nagpupuyos na wag magsalita. Matanda pa rin sila. Kailangan ng respeto.

"As a man, Dapat panindigan ni Jake ang mga sinabi niya. Ano ba ang gusto niyong mangyari?"tanung ng Mommy ni Jake

"Nasa edad na ang mga anak natin. Tulad ng sinabi ni Jake, naglilive in na sila. So why bother? Magpakasal na lang sila"hayag ni Papa na kinapitlag ko. Shit! Napaka straight forward naman ni Papa.

"Teka lang po"awat ko. Agrabyado na ako dito. Kaya hindi ko na kayang hindi sumabat

"Hindi naman po totoo ang mga sinabi ni Jake. Wala pong katutuhanan yun!"inis kong sabi.

"Jake?"tawag ng Daddy niya sakaniya

Pinaningkitan ko siya ng tingin. Subukan mo lang Jake at isusobsob ko ang pagkain sa pagmumukha mo.

Nagkibit balikat lang siya saka ngumiti.

"So, basi sa reaksyon ni Jake, I think wala namang problema sakaniya at sang ayon siya sa plano natin"sabi ng Daddy niya na inignora ako

What?! No way!

"Excuse me po, pero kung si Jake walang problema doon, ako meron! Hindi po ako papayag!"reklamo ko

Shit ka Jake! Bakit ngayon ka pa tumahimik! Kelangan mong magsalita. Sabihin mo ang katutuhanan!

"Jake sabihin sakanila ang totoo! Wag kang manahimik diyan. Sabihin mong walang katutuhanan ang mga sinabi mo!"inis kung baling kay Jake

"Why baby? Para saatin naman yun"sagot ni Jake. Gustong gusto kung buhatin ang bangko at ibalibag sakaniya. Bwesit!

Bumibigat na ang paghinga ko dahil sa inis at galit! Hindi pwedi. Walang kasalang magaganap!

KUYA (My Lover)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt