KUYAML: 48

3.4K 112 11
                                    

[48]

Nagising ako sa marahang tapik sa pisngi ko. Dahan dahan akong nagmulat ng mata at isang singkit na nakangiting lalaki ang bumungad saakin. Heaven!

"We're here"nakangiti niyang sabi

Umalis naman siya sa harap ko at umayos ako ng pagkaka upo.

Nakatulog pala ako habang nasa byahe kami. Siguro ay dala na rin ng pagod at subra subrang emosyong naramdaman ko ngayong araw.

Madilim na pala, ang mga ilaw sa poste na lang ang nagsisilbing liwanag sa paligid.

Alam ko naman na gabi dahil bago kami bumyahe pauwi ay nag dinner na kami. Pero feeling ko pagod na pagod pa rin ako, gusto ko pang magpahinga at matulog.

Napatingin ako sa labas ng kotse at ganun na lang ang gulat ko ng mapagtanto kung wala kami sa building ng condo ko.

"Nasaan tayo?"agad na baling ko sakaniya

"My place"nakangiti niyang sagot saka lumabas ng kotse.

Patakbo siyang pumunta sa side at pinagbuksan ako saka inalalayang bumaba sa kotse niya.

"Bakit dito? Sana hinatid mo na lang ako sa Condo ko"

Bigla naman siyang napasimangot sa sinabi ko.
Hindi siya umimik sapagkat binuksan niya ang backseat ng kotse. Nakitang kung kinuha niya doon ang sling bag ko.

"Akin na"akmang kukunin ko ang bag ko ng ilayo niya ito saakin.

"Ako na"seryoso ang mukha niya kaya hindi na lang ako umangal pa.

PMS...amputa!

Hinawakan niya ang kamay ko gamit ang isang kamay niya saka kami gumayak papasok sa elevator.

Di ko mapigilang mapangiti, dahil kahit badtrip siya saakin ay hindi niya pa rin ako hahayaan.


Habang nasa loob kami ng elevator ay tahimik lang kami, walang umiimik. Awkward!
Hanggang sa bumukas muli ang elevator ay wala pa ring imikan.


Pumasok kami sa Unit niya at agad na linibot ang paningin ko sa loob. Black and Silver ang theme ng unit niya. Malinis at well set lahat ng gamit. Napaka comfortable sa paningin.Manly!

"Do you like it?"sa wakas ay nagsalita rin.


Tumango ako at agad na lumapit sa mga nakadisplay na pictures.


Hindi ko alam mahilig pala siya ng ganito. Sa dami ba naman ng condong napusakan ko na pag mamay ari ng lalaki ay wala masyado akong nakitang nag didisplay sila ng picture maliban sa mga may partners.

May mga Pictures ako, family niya,siya at mga barkada niya.
Bigla akong napaisip kung nasaan na kaya nakatira ang magulang niya, kung andun pa rin ba sa dating kinatatayuan ng mansyon nila?



"Matagal na ba kayong magkakilala ng mga kaibigan mo?"sa halip ay tanung ko.


Lumapit siya saakin at agad na tinaob ang mga picture kung saan nandoon ang mga kaibigan niya. Kunot nuo ko siyang liningo n pero agad na binundol ng kaba ang dibdib ko ng makitang madilim ang paningin niya.


"M-may problema ba?"kinakabahang tanung ko.


"You always asking about them!"inis niyang sagot!

Whoa.

"E syempre. Kaibigan mo sila"pairap kung sabi.


Marahas siyang bumuntong hininga saka kinuha ang isang frame.

KUYA (My Lover)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon