KUYAML: 54

2.3K 85 6
                                    

[54]




After namin kumain ay inaya ko ng mag grocery si Jake.



Total sinira na niya ang schedule ko na dapat na pagpunta ko sa site. Tsk
Tamang tama may taga bitbit ako. Ubos na rin kasi ang stock ko sa condo.



"Do you need vegie?"biglang sabi ni Jake na nasa likod ko habang tulak tulak ang cart.


Liningon ko siya at sinimangutan.

"Ayuko."simpleng sabi ko at tanging kibit balikat lang ang tinugon niya.



"Why? Akala ko ba favorite mo yun?"tukoy niya sa gulay

Mahilig talaga akong kumain ng gulay pero di ko trip ngayon ang gulay kaya no Vegie muna.


Di ko na lang siya sinagot at naglakad na lang ako. Wala pa naman kami masyadong napapamili, maliban sa mga white chocolate na halos hakutin na ng mokong. His favorite!




"Let's go to fruits section"ani ko at nauna na akong naglakad sakaniya ramdam ko namang sumunod siya.



"Oranges?"agarang niyang tanung ng halos ilagay ko na lahat sa cart ang lahat ng nakadisplay na orange



Nginitian ko lang siya na kina iling niya.



"You really love orange huh?"


"Yeah! I love orange"nakangiti kung sabi.



"So I think, kailangan ko ng maghanap ng ipinabibiling lupang may tanim na orange"aniya na kinalingon ko.



Ano daw?!


"What?"




Tiningnan ko siya ng nakakunot ang nuo pero umiling lang siya.


Umirap ako ng hindi niya ako sinagot. Tae! Baka pakainin ko eto ng isang buong watermelon!



And speaking of that!



"Jake!"tawag ko sakaniyang atensiyon.


"Yes?"


"Dali! Hiram ka ng kutsilyo doon, I want to eat watermelon"nakangiti kung sabi.

"What the–"



"Ano mumurahin mo ako?!"pasigaw kung sabi. kaya ang ibang mamimili ay napatingin na saamin.  Wala akong paki!



"Kanina ka pa e. Nung sa office ayaw mo akong bilhan nung Pasta tapos ngayon ito?"hindi ko mapigilang hindi mangilid ang luha sa mga mata ko.



Hindi naman siya ganito dati e. Dati kung ano ang gusto ko ibibigay agad niya na walang tanung tanung. Pero ngayon, Bakit ba nagkakaganito siya? Andito na sa harap namin oh, pero bakit ayaw niya pa?




"Aisst! Don't cry Kath. Ang dami ng nakatingin saatin o"lalapitan niya sana ako pero agad akong umatras



"Ano ngayon kung umiiyak ako na nakikita nila?... kinakahiya mo ba ako? Sabihin mo na lang saakin na nagsasawa kana saakin!"asik ko sakaniya saka siya tinalikuran.




Tangna! Bakit ba ang emo ko?! Kaya ko naman mamuhay kahit wala siya. Pero sana sabihin na niya na lang na ayaw niya saakin.


Shit! Bakit ba napakaiyakin ko ngayon? Di naman ako ganito ah?!



Napatigil ako sa paglalakad ng may yumakap saakin mula sa likod.

And  I know who's this! Amoy palang.



"I'm sorry baby. At hindi ako nagsasawa saiyo. Hinding hindi ako magsasawa sa iyo at mas lalong hindi kita kinakahiya."malambing niyang sabi



Umiling ako.





"Let me go"malamig kong sabi pero ramdam kung mas lalo lang niyang hinigpitan ang yakap niya.



"No. We will buy that watermelon and Oranges, we'll go home, ok? Saka na tayo mamili ng stocks para sa condo mo"ani niya saka ako pinaharap at pinunasan ang pisngi kong may mga luha.



Tumango ako at yumakap sakaniya. Nakakahiya ang dami pa lang nakatingin saamin!





Takte! Ano bang sumapi saakin at ginawa ko yun?


At mas worse! Nasa mall kami, wala sa bahay para kainin ang letseng watermelon na yun!





"Pasensiya na po. Naglilihi lang ang asawa ko"rinig kong sabi niya.





Hindi ko mapigilang mamula dahil sa sinabi niya kaya mas lalo kung siniksik ang mukha ko sa dibdib niya.



"Nakakahiya!"ani ko sabay kurot sa tagiliran niya. Pero humakhak lang ang gago!



"Kaya naman pala, hahaha"rinig kong sabi ng isang lalaki


"Pagtiisan mona iho. Ganyan din naman ang misis ko nung buntis pa"sabi pa ng isa.




Feeling ko lahat ng dugo at init ng pilipinas nasa pisngi ko na napunta. Grrr..... kung pwedi lang na na maging bula na lang ako ngayon.....huhuhu nakakahiya!

KUYA (My Lover)Where stories live. Discover now