Twenty Four

5.7K 172 26
                                    


[24]

Pakanta kanta ako habang naglalakad sa hall way ng building papunta sa room ko.Happy lang ako bakit ba?

"Saan ka mag ka-college?"rinig kung usapan ng nakasalubong ko. Kaya napatigil ako sa pagkanta at napaisip rin.

Malapit na pala ang last grading kaya ibig sabihin malapit na rin ang graduation ko. Mag ka-College na ako. Ibig sabihin makakasama ko na ng madalas si Jake kahit pa graduating na siya next school year *pout*

Pero napatigil ako sa paglalakad ng may maalala

"Kath mas makakabuting, wag ka na munang magpatuloy sa pag aaral mo kahit isang taon lang...mahihirapan ka"suggest ni Dr. Akred. Kaya inirapan ko na lang

"Kaya ko naman doc. Hindi naman ako baldado no?"

"Anak tama si Doc. Diba napapadalas na rin naman ang pagsakit ng ulo mo?...please, magpa oper—"

"Ayoko. Mama walang kasiguraduhan yun. Ayaw ko pang mamatay Ma"habang sinasabi ko ito ay tuloy tuloy na ang luha ko

"P-pa, mahal niyo naman ako diba? Kaya hindi niyo aahayaang mawala ako agad,diba"baling ko kay papa at humagulgol na sa dibdib niya

"Sshh... hindi ka mamatay princess, hindi ka mawawala, at mahal na mahal ka namin...hush princess"alo saakin ni papa pero lalo lang humigpit ang yakap ko sakaniya

"Stop crying Kath. Wag ka masyadong mag isip makakasama yan sayo"sabi ni Doc. Binalingan ko si Mama at nasa harap ko lang siya nakaupo habang nakayuko at tahimik na umiiyak. Masakit. masakit makita ang mga mahal mo sa buhay na nahihirapan din dahil saakin

Napabuntong hininga na lang ako at marahang pinunasan ang luha na dumaloy na pala sa pisngi ko. Hindi na ako tumuloy sa room, sapagkat andito na ako sa field sa lilim ng malaking puno. Hindi na lang ako papasok.

Iniisip ko parin kung ano ba dapat ang disisyon ko. Hindi naman ako pinipilit ni Mama pero gusto niya, gusto niyang maging matatag at labanan ko ang sakit ko. Magpa opera ako!

Pero hindi ko kaya, eneenjoy ko pa ang buhay ko.

Tumayo ako ng wala na akong nakikitang studyanteng naglalakad at pinugpugan ko ang pang upo ko.

Inayos ko ang bag ko at buhok saka naglakad papunta sa college building, department building nina Jake.




Bawat classroom na nadadaanan ko ay sinisilip ko ang loob sa glass window, nagbabakasakaling nandun siya.
Pero nung nasa pangalawang palapag na ako, doon ko nakita si Jake katabi, kausap at katawanan ang Singit na Erica!
Agad na nagsalubong ang kilay ang ko!

Ang sabi niya iiwasan niya si Erica. Pero ano to?

Mag iisang linggo pa pang yung date namin at sariwa pa sa isip ko ang nangyari sa saamin sa condo niya lalo na yung...ah basta!. Bigla kung naramdaman ang pag init ng pisngi ko at pagkalabog ng dibdib ko. Pero pinilit kong iwala muna yun pansamantala

Nakatuon ang buong atensyon ko sa dalawang naglalandian!. Aba namumuro itong Jake na ito, porket wala ako ay mamangka na? Fvcking Liar!

Parang binuhusan ng malamig na tubig ang puso ko ng nakangiting hinawi ni Jake ang hibla ng buhok ni Erica. Bakit namang kasi napakaselosa ko. Kaya lang may karapatan naman ako diba?

Nanlabo ang mga mata ko dahil sa luhang namuo sa mga mata ko at pasimpleng minasahe ang dibdib ko kung nasaan ang puso ko.

Fvck! Napahawak ako sa labas ng dingding ng classroom ng maramdaman ko ang pagkahilo at kirot ng ulo ko.

Linabanan ko ang nararamdaman ko. Liningon ko ulit sina Jake nang makaalis na nang ako pero saktong lumingon siya sa kinaroroonan ko. Gulat, guilt at pagkalito ang namuo sa ekspresyon niya kaya umiling ako pero baliwala at huli na dahil nakita na niya ang masaganang luha ko.Tinalikuran ko na sila at mabilis na naglakad pababa sa building na iyon.


Sana hindi na lang pala ako pumunta dito, nang sana ay hindi nasasaktan ng ganito.


Tumakbo ako papunta sa gate, akmang lalabas na ako sa gate ng harangin ako ng isa sa gwardiya.

"Miss bawal pa pong lumabas"liningon ko siya at ganun na lang gulat niya. Ewan kung bakit

"Miss ok ka lang?"tanung niya at umiling ako. Ganun na ba sila kawalang pakiramdam? May mukhang ok ba sa ganitong mukha?

"M-manong masama ang pakirandam ko, kailangan kong umuwi"sabi ko ng nakayoko.

Pinayagan naman ako nung guard at nagsimulang maglakad sa kalsada habang may kawawa,luhaan at bigong mukha.

Bakit ganun? Parang kahapon lang ang saya pa namin, ang sweet sweet pa niya, at puro siya pangako. Napaka paasa niya! Bwesit! Mamatay na sana siya! Ay hindi si Erica pala!


Kahit nanginginig ang kamay ko at halos di na makapag salita ay pinilit kong kunin ang cellphone sa bulsa ko

Habang nag e scroll down ako ay may nakasalubong akong mga teenager!

"Miss ok ka lang?"tanung nung isa!

Tumaas ang tingin ko sakanila. Pinunasan ko ang luha ko at taas nuong sumagot ako, hindi naman pweding kawaan ako ng lahat at tanungin ako kung ok lang ba ako dahil obviously hindi!

"Pwedi ba! Wag kayong epal, ipapasok ko ito sa pesbok!"medyo pabulyaw ko sakanila kaya natawa sila na parang mga baliw

"Ay si ate pumapa-nung ako'y bata pa, bunak and bilog hahahaha....sige ate pagpatuloy mo yan"sabi pa niya habang tumatawa. inirapan ko sila at linagpasan...wala akong panahon makibasagan

napabuntong hininga na lang ako at binalik ang atensiyon ko sa cellphone.. kaya lang biglang nalaglag ulit ang mga luha ko ng picture namin ni Jake ang sumalubong saakin dahil ito ang wallpaper ko.

Kahit nanginginig ang kamay ko ay nagsumikap akong  mahanap ang number niya, kahit nanginginig na ang kamay ko at gusto ko ng mag break down

Ilang ring lang ang dumaan bago niya sagutin. Kaya nagpasalamat ako ng palihim

"Hello baby, napatawag ka? Need something?"malambing na sabi ni mama

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko bago suminghot

"Hey baby, are you crying?? O my god...where are you, wh---"panik na sabi ni mama, pero bago pa siya tuluyang mabaluw sa pagpapanik niya ay agad ko ng pinutol

"I'll take the operation Ma"



Sabi ko at agad na pinatay ang cellphone ko!!


Pagod na ako. Pagod na akong masaktan at umiyak!
Sapat na saaking maramdaman ang panandaliang kasayahan at kakuntentuhan...sandali man akong naging masaya at least mawala man ako sa mundo ay mapagmamalaki ko ring sa huli na naramdaman ko rin yan at namuhay rin ako ng normal, na nagmahal at nasaktan!



_________

KUYA (My Lover)Where stories live. Discover now