Luna

155K 3.3K 1.6K
                                    

Luna.

Putangina.

Muntik pa akong madulas nang lumiko ako papunta sa kanan habang tumatakbo ng mabilis. Anak ng teteng naman kasi, kung hindi ba naman tatanga-tanga yung mga kasama ko edi sana hindi kami mahuhuli!

"Doble ang bilis ko sa mga normal na tulad niyo, tingin niyo maabutan niyo ako?" Tawa ko dahil nakita ko kung paano mabilis na lumayo ang agwat namin.

"Habol, mga bobo!" Pang-aasar ko at malakas na natawa.

Lumingon ako at nang halos hindi ko na sila matanaw ay agad akong nagtago sa basurahan na nakita ko. Napangiwi ako dahil sobrang sensitibo ng pang-amoy ko na ultimo kilometro man ang layo ay mabilis ko iyong naaamoy.

Tinakpan ko ang ilong ko gamit ang madumi kong kamay.

Ilang sandali pa ay sumilip ako ng bahagya dahil baka nakita pa ako na alam kong imposible na. Pinahinga ko ang ulo ko sa dingding habang patuloy na nakasalampak sa basurahan.

Madumi. Mainit. Mabaho.

Nakakasuka pero bakit ako magi-inarte? Ito ang buhay ko.

Mahirap maging mahirap pero wala naman akong magagawa kung hindi ang pagtiisan ang mga bagay na ganito. Lumabas na ako sa pinagtataguan ko at kinuha ang bag na ninakaw ko kanina bago naghanap ng tutulugan ko ngayong gabi.

Ako si Luna, walang apilyedo, walang kaibigan, walang pamilya at walang lugar na itinuturing na tahanan. Sa madaling salita, isa akong pulubi at pagnanakaw ang ginagawa ko para mabuhay. Sinubukan ko namang dumaan sa tuwid na landas pero hindi ko alam na ang mismong kapwa ko pa ang lalong dudurog sakin.

Hindi naman ako nagrereklamo, inaasahan ko na naman na 'yon.

Sino ba ako para tulungan nila? Kung sa bagay, para sa kanila'y pera ang pinakamahalagang bagay na meron sila. Ang pera na pinagdadamot nila sa tulad naming mahihirap na hindi naman nila madadala sa huling hantungan nila.

Hilaw akong napangisi dahil ano pa bang aasahan ko sa mga gahaman na 'yon?

"Aray." Daing ko at mabilis na napahawak sa kanang paa ko habang tumatalon nang makaramdam ng init at hapdi.

"Hayop ka, ang sakit."

Sinamaan ko ng tingin ang puting pusa na masama ang tingin sakin. Nakangiwi ko siyang dinuro bago muling napadaing nang ihaplos nito ang ulo sa kaliwa ko namang paa.

Anong breed 'to? Bakit ngayon lang ako nakakita ng ganitong pusa? Sa ilang taong kong nakatira sa kalsada, lahat na ata ng uri ng hayop ay nakasalamuha ko na.

"Gago, nilalagnat ka ba?!" Windang kong tanong sa pusa na kumurap lang.

Paika-ika akong yumuko para titigan sana ito sa malapitan nang bigla itong tumakbo palayo. Tignan mo 'yong animal na 'yon, matapos akong saktan, iiwan lang ako na parang walang nangyari?!

"Hoy! Panagutan mo ako!" Eskandalosang sigaw ko na agad ko ring pinagsisihan.

Napailing na lang ako at patuloy na naglakad habang palinga linga. Nagbabakasaling may espasyo pa sa kabila ng mga pulubing tulad ko na naglalatag na kani-kanilang mga sira sirang karton na nakuha sa tambakan at kumot na nadampot sa bodega sa bawat sulok.

Sa ilang taon kong nabubuhay sa mundong ibabaw, hindi na bago sa'kin ang ganitong eksena.


Segundo, minuto, oras na ang lumipas pero patuloy pa rin akong naglalakad. Hindi ko na alam kung saang direksyon na ang tinatahak ko pero ganito naman talaga kapag mahirap ka lang, wala kang karapatang magreklamo dahil ang tulad namin ay walang boses sa lipunan.

Royal Academy #Wattys2020Where stories live. Discover now