Mortal realms

34.3K 1.4K 365
                                    

Luna.

"Should I bring my luggage?" Tanong ni Sefarina habang bitbit ang malaki niyang maleta.

"Tanga, hindi naman tayo magbabakasyon." Irap ko sa kanya at sinarado na ang bag ko.

Ilang linggo na ang nakaraan matapos ang kaguluhan no'n sa Soaree. Aureus and his friends were given punishments dahil sa paggamit ng kanilang mga crest o ang pags-shape shift nila bilang lobo.

Bukod sa isang buwang suspension, kinailangan din nilang manatili sa Zetril para makasalamuha ang mga bampira.

Si Arrow at Dame naman ay walang nakuhang kahit ano dahil pinagtanggol lang naman nila ang kapwa nila Jeden which happened to be me. 

But Pream got suspended for a week. 

Yung gagong 'yon, kaya pala nawala kasi binugbog si Aureus?! The man was already detained at that time pero itong bibo naming kaibigan, kulang na lang ay pasabugin ang mukha nung lalaki! Good thing na suspension lang ang nakuha niya. 

As for Dame, isang araw lang ata siyang nag-stay sa infirmary matapos siyang tusukan ng antidote. According to Lady Doreena, even without the antidote, Dame's body can cure itself. Seems impossible but it isn't.

Still, yung panic ko that time, sobrang lala. I couldn't even sleep thinking na it's my fault kung bakit siya nakaratay doon sa infirmary. Good thing, he recovered immediately.

"Ilang damit kaya ang dadalhin ko?" Tanong ni Sefarina sa sarili.

I remembered how ridiculuous they looked when they were already sober. Ang naalala lang daw nila ay may mga aso na nagtatakbuhan noong Soaree at never daw nilang naisip na mga lobo 'yon.

Parang mga tanga diba? May ganon bang kalaking aso?

Paulit-ulit silang nanghingi ng tawad sa akin dahil hindi sila makahingi ng tawad kay Dame. Sa bagay, hindi nga kami pinapansin non, kausapin pa kaya?

"Sef, sa mortal realms lang naman tayo pupunta." Kalmado kong sabi.

Ito na kasi yung sinabi sa akin ni Sefarina non nung kagigising ko lang sa mahaba kong tulog na inannounce ni Master Laidre which is magkakaroon nga raw kami ng mga misyon sa labas ng academy.

And according to them, this is the first time na sa Pilipinas silang lahat ipinadala. Madalas daw kasi ay sa iba't ibang bansa sila napapadpad.

Kaya excited 'tong si Sefarina at halos hindi na makatulog kakaisip sa kung ano ang susuotin at gagawin niya pagdating namin don.

"Aren't you excited?! Makikita mo na ulit yung lugar kung saan ka galing!" Maligalig niyang sabi kaya binigyan ko na lang siya ng tipid na ngiti.

Kung ako nga lang ang tatanungin, mas pipiliin kong 'wag na bumalik doon dahil wala naman akong babalikan.

"Do'n ka rin naman galing ah." Sagot ko.

Napanguso naman siya at mukhang naalalang may bahay siyang tinitirhan sa mortal realms, ninakawan ko pa nga.

"Pero hindi naman tayo sa Pilipinas pupunta eh!" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.

Anong hindi sa Pilipinas?!

"We're going to Cebu, Luna." Nakangisi niyang sabi.

Agad ko namang hinampas ng unan ang mukha niya. Umasa akong hindi kami sa Pilipinas pupunta, bwiset.

Mabilis na lumipas ang araw at ngayong gabi na kami pupunta sa mortal realms. Kinuha na namin ni Sefarina ang mga gamit namin at lumabas na para pumuntang Hoan dahil doon daw namin hihintayin si Lady Doreena na magdadala samin papunta sa portal.

Royal Academy #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon