Process

68.6K 2.2K 292
                                    

Luna.

Sinubo ko ang huling piraso ng cupcake na kinakain ko, galing kami ni Sefarina sa Ensiv o ang cafeteria dito sa campus. 

Hindi ako makapaniwalang lahat ng lugar dito sa loob ng academy ay iba ang tawag. It truly lives up to its reputation, ang maging kakaiba.

Today's my second day here in Royal Academy and so far so good. Bukod sa kaliwa't kanang bulungang napapansin ko tuwing dumadaan ako sa hallway ay wala pa rin namang nangyayari sa aking kakaiba- meron pala.

Pagkatapos akong ma-ayudahan ng sermon ni Master Laidre kahapon ay nagmagandang loob na si Sefarina'ng ihatid ako sa kwarto ko sa Valra habang nagra-rant tungkol sa Master namin.

Lahat na ata ng mura narinig ko mula sa bibig niya.

Pagkakita sa aking magiging kwarto'y hindi ko alam kung ano pa ang dapat kong maging reaksyon. 

Sobrang laki nito na tila naging isang bahay na. 

May malaking living room na may washroom sa tabi, dining area at kitchen.

My bedroom itself is a massive one. From the king sized bed, the study area beside plus the balcony na pinakanagustuhan ko. I even got my own bathroom and even a walk in closet na nakikita ko lang dati sa mga bahay na ninanakawan ko.

Hindi naman sa proud akong nagnakaw ako ah.

"Good morning, how's your day going?" It was calming to hear her soft and endearing voice.

Lady Eavour Scheur, my History professor. She's a bit tall and delicate-featured. With her fine features, no one could tell that she's a vampire.

Her eyes travelled around the room and stopped when it met mine. She smiled, probably a genuine way of welcoming me.

Gumanti naman ako ng ngiti. Na-appreciate ko ang ginawa niya dahil hindi pa rin ako komportable sa mga nangyayari sakin ngayon.

"Since Senor Grandeur notified me about our new student, I'll be summarizing our discussion nitong nakaraan." Nag-ingay ang mga kaklase ko at mukhang hindi natuwa sa sinabi ni Lady Eavour.

Great.

"Once upon a time, there lived a man named Signia. He was proud, brave, and good looking. He has everything anyone would ask for. A perfect family, wealth, friends, everything."

May mga narinig akong mahinang hagikgikan sa paligid. Hindi ko alam kung dahil ba sa mala-pambatang pagk-kwento ni Lady o dahil sa lalaking ikinikwento nito.

"Shortly, his perfect image crumbled when he began to notice abnormalities in his body. Like constant headache, body pain, abnormal temperatures and even a change in his physical appearance. Signia was 7 years old nang dalhin siya ng mga magulang niya sa lahat ng maaaring makapagpagaling sa kanya."

Ano 'yon? Sakit pa bang maituturing 'yong nangyari sa kanya? Napatango ako ng maalalang mortal pa rin nga pala kami. 

Hindi lang kami tinatawag na gano'n dahil sa kakaibang bagay sa mga dugo namin.

"They tried everything because first, money was not an issue for them and second, they were desperate. Still, no one succeeded." Lady Eavour clasped her hands as she crossed her legs.

"Nagpatuloy ang ganong karamdaman ni Signia hanggang sa ang katawan na niya mismo ang sumuko. This may sound terrible, but he literally exploded, his entire body went 'boom.'" She even opened both her closed hands para ipakita ang pagsabog.

"His parents did everything they could to conceal what happened because Signia was still alive and conscious after that incident. In return, his life shifted three hundred and sixty degrees because he began to see people who resembled him—ang mga kauri niya, natin. To this day, no one knows where Signia is or how did he end up here in Crestopia. As I previously stated, hindi lang siya mag-isa. He was accompanied by Denrich, Cosmos, and Violeta."

Royal Academy #Wattys2020Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ