Dahlia

30.4K 1.4K 187
                                    

Luna.

Nakakunot pa rin ang noo ko ng isa isa na silang dumating. Basa parehas ang buhok ni Sefarina at Pream na mukhang galing sa ilalim ng tubig habang normal pa rin naman ang itsura ni Dame at Veton.

Arrow immediately called them pagkatapos naming tanungin ng pasimple ang mga kaibigan niya tungkol kay Dahlia na may-ari nitong beach resort.

"We aren't sure where she is but we got her picture." Inilabas ni Arrow ang kanyang phone at pinakita ang litrato ni Dahlia na sinend sa kanya ni Sav.

Lumapit naman sila Veton na tinitigan ng mabuti ang litrato. Hindi ko naman maitatanggi na maganda nga 'yong Dahlia, ang kaso siya ang primary suspect namin sa pagnakaw sa pakpak.

Ito talaga ang tunay na ibig sabihin ng 'looks can be deceiving'.

Sa lagay ng panahon ngayon, kapag maganda ka, malayo ang tyansang gumawa ka ng krimen pero kapag hindi naman kaaya-aya ang mukha mo, kahit malinis ang intensyon mo, kriminal ka na agad sa paningin ng karamihan.

That's just how fucked up humanity is.

Napabuga ako ng hangin. Mahigpit na pinagbilin ni Senor Grandeur na i-retrieve ang pakpak by any possible means dahil kailangan ito agad maibalik sa nagmamay-ari nito. 

So, by hook or by crook, we need to take it.

"I've seen her kanina habang nasa dagat kami!" Biglang bulaslas ni Sefarina kaya sabay sabay kaming napatingin sa kanya.

"Remember that time na nag-dive tayo tapos pumasok tayo sa cave, Pream? She was there! Nagtataka nga ako bakit parang sinusundan niya tayo kasi ilang beses ko siyang napansin sa lahat nang pinuntahan natin." Paliwanag niya habang si Pream ay sinusubukang alalahanin ang mukha ng babae.

My ears perked up as the rest of my senses became more sensitive. I closed my eyes and unconsciously titled my head.

"Walang hihiwalay." Maikling sabi ni Dame na sinunod naman namin.

Kung totoo nga ang pakiramdam ni Sefarina na sinusundan sila ni Dahlia ay isa lang ang ibig sabihin non.

Alam niya na nandito kami para kunin ang bagay na hindi sa kanya.

Dumilat ako at nilingon si Arrow. "Can I see her face again?" Tanong ko kaya agad niyang binigay ang kanyang telepono.

Ilang beses akong napakurap bago mariing tinutok ang aking mata sa mata ng babaeng nasa picture. One thing I recall from Master Laidre's teachings is that only the user herself can improve her crest. 

If it's not obvious, that's what I'm doing.

I'm trying to see things beyond my own eyes, but the difference is that I'm only doing so through her photo, which is totally different from her actual physique.

"Anong ginagawa mo?" Rinig kong tanong sa akin ni Pream.

Mas binuksan ko pa ang utak ko at inutusan itong pasukin ang isip ng babaeng nasa harap ko ngayon. I winced in pain after experiencing a different kind of pain, and this had to be the result of my sudden entrance into her mind.

"I'm trying, my Lord."

"Try harder. They are already on their way to you."

"Don't worry, my Lord. I have everything under control. The moment they come to me is also the moment they'll be taking their last breath."

"In exchange for the life you've given up, I've given you the ability to nullify every power."

"I'll make sure to use it properly, my Lord."

Royal Academy #Wattys2020Where stories live. Discover now