Long gone

30.7K 1.3K 278
                                    

Luna.

Napatulala ako sa harap ng cauldron habang iniisip kung paano ko na-perfect yung wolfsbane nung una. Pagkakain ko sa Ensiv ay agad akong nagpunta sa bakanteng potion room at ang tanging dala ko lang ay ang sarili ko at ang libro namin.

Wala rin naman akong klase kaya napagdesisyunan kong simulan na ang gagawin namin ni Veton sa subject namin kay Master Kreme.

"Veton, kung nasan ka man sana masaya kang nahihirapan akong mag-isa." Gigil kong bulong sa hangin.

Dapat kasi ay kasama ko siya ngayon pero hindi ko alam kung saan lugar na siya napadpad. Ang sabi niya ay may kukunin lang siya pero mukhang siya na yung nakuha.

Kanina lang ay pinupuri ko siya dahil he's a softie when it comes to me at binilhan ko pa siya ng pudding pero parang gusto ko ng bawiin at ipaluwa 'yon dahil sa pang-iiwan niya saking mag-isa rito!

Napahinga ako ng malalim nang sumabog na naman ang ginagawa ko. Gusto kong sumigaw sa inis dahil pangalawang beses na 'to.

Bakit ba hindi ko ulit magawa 'to ng maayos?!

"Sorry! Hinatak ako ng mga girls, Luna bear."

Winasiwas ko ang kaliwa kong kamay habang busy ang kanan kong kamay sa paglagay ng mga ingredients sa cauldron.

"Luna!" Narinig ko ang sunod sunod niyang sigaw.

Isa isa kasing nagbagsakan sa kanya yung mga gamit dito sa loob. Hindi ko na kasalanan kung may hindi siya masalo at biglang mabasag. 

Siya ang ituturo kong may kagagawan kung sakali dahil bakit hindi? Siya naman talaga, ako lang ang nagpanimula.

"Wala na, tapos na." Matalim ko siyang tinignan.

"Ay hehe, ang galing mo talaga." Pinisil pa niya ang pisngi ko bago muling sinalo ang mga kagamitang patuloy na nalalaglag.

Hindi ko na siya pinansin at sinalin sa vial ang wolfsbane na ginawa ko. Tamad akong kumaway habang naglalakad na ako papalayo sa kanya.

"Wait for me, Luna bear! Ay puta!"

Natawa ako ng malakas dahil narinig ko ang tunog ng mga nababasag na gamit. Mukhang dumulas sa kamay niya yung mga nasalo niya.

Buti nga sa kanya.

"Luna!" Hingal na huminto si Sefarina sa harap ko.

"Have you seen Arrow? Kasama ko lang 'yon kanina eh." Napanguso pa siya na para bang isang malaking kasalanan ang pagtakas ni Arrow sa kanya.

Tahimik ko namang inabot sa kanya yung isang vial na walang laman. Nagtataka naman niya 'yong kinuha. "What's this?" Tanong niya.

"Nakikita mo yung laman niyan?" Mabilis naman siyang umiling.

"Ayan, ayan yung pake ko."

Tinapik ko ang balikat niya at nilagpasan na siya. Napabungisngis pa ako habang naglalakad dahil narinig ko ang pagmumura niya sakin.

Eskandalosa talaga yung babae na 'yon.

"Hey, nakita mo si Dame?" Si Pream naman ngayon ang tumigil sa harap ko.

Napapikit ako habang kinakalma ang sarili ko. Marahas akong dumilat at binigyan ng isang masamang tingin itong lalaki.

"Hindi ko nga alam! Hanap kayo sakin ng hanap, hindi ko nga alam!" Reklamo ko at inirapan si Pream.

Iniwan ko siyang nakatanga na mukhang nagulat sa pagsigaw ko. Pumunta ulit ako sa Ensiv para bumili ng pagkain. Wala na ata akong ibang ginawa kung hindi lumamon pero anong magagawa ko? Hindi ko kayang tiisin ang gutom ko.

Royal Academy #Wattys2020Where stories live. Discover now