Mirror

41.1K 1.7K 218
                                    

Play the multimedia above while reading :)

**

Luna.

While we march towards Nallum, my eyes are focused on the surroundings. Klase namin ngayon kay Master Laidre at kanina ko lang din nalaman na hindi ko pala talaga kaklase si Sefarina. 

She just came with me, knowing it was Master Laidre we were talking.

"Luna!" Nilingon ko ang tumawag sakin na walang iba kung hindi si Sefarina.

Dumako ang tingin ko sa mga kasama niya na halata namang mga kaklase niya. Paano sila napunta dito? Naalala ko tuloy ang diniscuss ni Lady Eavour nung nakaraan sa klase namin sa History.

"Your caste determines your position in the academy." Halos pumintig ang tenga ko.

Alam kong nabanggit na ito ni Sefarina pero hindi iyon kumpleto kaya umayos ako ng upo para makinig.

"Tatlo lang naman ito. Una ay ang Jeden na kinabibilangan ng mga pinakabihasang Crestiors. They have the necessary skills and knowledge to lead. Jeden's crests are undeniably powerful because they make use of the four pillars. Take note, direct pillar users."

The four main elements—fire, water, earth, and air—were already known to me as the pillars.

Gago, delikado pala si Sefarina?

"The Ketto comes next. There isn't much difference between the Jeden, but the range of their crests is what distinguishes them. If Jedens are direct pillar users, Kettos are indirect users because they can control but not fully absorb the pillars."

Napanguso ako habang nag-iisip kung bakit sa pillars umiikot ang caste knowing that there are students from kingdoms other than Renvela.

"Then there's Hiru. Their crests have nothing to do with any of the pillars, but they have the most interesting crests. This caste is home to the vast majority of Crestiors." I almost screamed with delight. It's nothing impressive, but the sense of belonging gave it meaning.

Napakurap ako at binaling ang tingin sa mga panauhing papalapit sa amin.

Ngayon niyo sabihin sakin kung anong ginagawa ng mga Jeden at Ketto dito?

"Luna-" Muli na namang sumigaw ang tanga kong kaibigan habang tumatakbo papunta sa akin. "- aaa!" Napailing ako ng naputol ang pagsigaw niya matapos madapa.

Ewan ko ba sa babaeng 'to. Mukha na ngang tanga, lalo pa 'yong pinapalala. 

"I miss you, best friend!" Sigaw nito matapos akong malapitan at agad na niyakap.

Gusto ko sanang isagot na araw araw naman kaming magkasama para ma-miss niya pa ako kaso baka magtampo kaya hindi ko na ginawa. 

"We are here to train with you!" Dugtong niya sa sinabi.

Nanlaki ang mga mata ko at wala sa sarili silang tinuro, tila sinisigurado kung nagsasabi ba siya ng totoo. Lumawak naman ang ngiti niya habang mabilis na tumango-tango.

I scoffed.

"Mamamatay tao ba si Master Laidre?" Siniko ako ni Sefarina at sinenyasang manahimik.

"You're all considered veterans! That is completely unjust." Reklamo ko.

"Hindi naman tayo magbubugbugan, Luna lang. Wait mo lang kasi ang sasabihin ni Master. Masyado ka namang kabado!" Inirapan ko ang biro niya.

Kahit na ba.

Bago lang ako dito. Ito rin ang unang beses na ilalabas namin ang mga abilidad namin. Anong kabaliwan kaya ang pumasok sa isip ni Master Laidre para isabay kami sa mga tulad ni Sefarina na gurang na rito sa academy?

Royal Academy #Wattys2020Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz