Soaree

35.4K 1.4K 345
                                    

Luna.

Muli akong gumulong sa kama ko at pinagsisipa ang lahat ng pwede kong masipa. Isang buong araw na naman akong tulog! Buti na lang at nag-alarm si Sefarina kaya nagising ang katawang lupa ko.

Pero nagsisi rin ako dahil bumungad sakin si Iraia na naghahanap ng damit sa closet ko at si Veton na nakangiting nakadapa sa kama ko habang nakatingin sakin at taas baba pa ang kanyang mga binti, parang bata. Parehas silang nakabihis at mukhang ayos na ayos.

"Mas maganda ka pa sa gabi, Luna bear." Nakangiting bati sakin ni Veton kaya hinampas ko siya ng unan.

"Bakit kayo andito?!" Panic kong sigaw at binalot ng kumot ang buong katawan ko.

May hinagis na pares ng damit si Iraia sa kama ko bago naman pumunta sa mga sapatos ko.

"Go and change! It's Friday night already, Luna." Ngiti sa akin ni Iraia.

Kumunot naman ang noo ko at tinignan si Veton na parang tanga pa ring nakangiti sa akin. Anong meron sa Friday night?

Bigla namang pumasok si Sefarina na pormang porma, kala mo may prom na pupuntahan ah.

"Unang beses mo pa lang makaka-attend ng Soaree ngayon, bruha! Dapat maganda ka." Sigaw niya sa akin.

"Excuse me, maganda na ako."

"Oh edi, dapat mas maganda."

Hinatak niya ako patayo papunta sa banyo at binalikan ang mga damit na nasa kama bago ihagis sakin. Napahinga ako ng malalim dahil mukhang wala na talaga akong choice, ni-lock na ako sa banyo eh!

Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa banyo pero naririnig ko na silang mag-reklamo sa labas kaya syempre, binagalan ko pa. Yung tipong natanggal ko na lahat ng libag ko sa katawan pero naghilod ako ulit para mabwisit sila at layasan ako.

"Luna, aayusan pa kita." Rinig kong paalala ni Iraia gamit ang malamya niyang boses.

"Ako rin!" Singit ni Veton na tinulak lang ni Iraia ang mukha gamit ang kanyang palad.

Napanguso ako at nagpunas na para masuot ko na yung damit na hinalughog ni Iraia sa closet ko.

"Walang hiya kayo, ginawa niyo akong suman!" Ngiwi ko nang makita ang sarili ko sa salamin.

Yung bistida kong suot ay literal na nakadikit sa balat ko, may manipis na strap at satin ang texture nito. Nakangiwi akong lumabas ng banyo matapos laitin ang sarili ko.

"Omg, magpalit ka. Ako lang dapat ang maganda." Natameme ako ng itulak ako pabalik ni Sefarina sa banyo at naghanap siya ng damit sa closet ko na siya rin naman ang bumili lahat.

Si Iraia naman ay hinatak ako palabas ng cr at ipinasuot sakin ang heels na kakulay ng bistidang suot ko.

Syempre, tinitigan ko lang 'yon. Akala naman niya susuotin ko 'yon?

Ayokong mapagod buong gabi dahil lang sa heels na suot ko. Pinaupo niya ako sa may vanity table kaya nakaharap ako ngayon sa salamin.

"Veton, abutin mo yung puting sapatos ko dyan." Utos ko kay Veton na agad namang tumayo para sundin ako.

Napabungisngis ako ng biglang mag-anyong fairy si Iraia at hinagisan ako ng mga glitters kaya kusa akong napapikit.

"Open your eyes, love." She whispered.

Una kong dinilat ang kanan kong mata dahil baka mamaya malagyan 'to ng glitters. Sinunod kong buksan ang kaliwa kong mata nang makitang tao na ulit si Iraia.

Royal Academy #Wattys2020Where stories live. Discover now