Pitfall

29K 1.1K 373
                                    

Luna.

Nakapalungbaba kong pinanood ang Senor Grandeur na mag-sword dancing kasama si Lady Doreena. Gano'n din si Senor Godfrey na kasayaw si Lady Eavour. Parehas lang na nanonood si Master Kreme at Master Laidre na nasa katabi lang naming table.

Buong akala ko'y pagkatapos nilang magsalita ay kakain na kami dahil nagugutom na ako pero parang malabo ata 'yong mangyari.

"Stop fidgeting, gorg. It's a tradition." Paalala sakin ni Sefarina.

Sword dancing ang pinakaina-abangan sa gabing ito and it's been their tradition to let the consiglio lead the main event.

Biglang may umakbay sakin kaya napatingin ako kay Veton na nakatayo ngayon sa likod ko. "Sayaw tayo mamaya, Luna." Ngisi niya at tinaas baba pa ang dalawa niyang kilay.

Hindi ko alam kung ilang beses na niyang sinabi 'yan ngayong gabi. Wala na nga siyang ibang bibig kung hindi ang sabihin saking dapat kaming mag-sayaw mamaya.

"Nah, ako muna." Mabilis na pigil ni Pream bago pa ako makapagsalita.

"Dude, I'm much gwapo than you. Ako muna bago ikaw." Napangiwi ako sa ka-conyohan ni Veton.

"Tangina ka, kung usapang pa-gwapuhan. Hindi ka pa pinapanganak, naghahari na akong animal ka." Reklamo ni Pream na malakas naming ikinatawa.

"Woah, bro. Bukod sayo, sino pang nakakaalam?" Mapang-asar na tanong ni Veton na hindi na pinansin ni Pream.

Instead, he gave his middle finger at ma-dramang napahawak si Veton sa dibdib niya. "Aw, gladly."

Kinilabutan ako kaya nahampas ko ang braso niya nang wala sa oras. Natawa na lang siya at si Sefarina naman ngayon ang ginulo na hindi siya pinapansin dahil busy siya kay Arrow na hindi rin naman siya pinapansin.

Lumayas na si Pream sa likod ko at bumalik na sa tabi ni Dame na katabi ko.

Kinalabit ko si Dame na mabilis na tumingin sakin. "What?" Nginuso ko ang appetizer na nasa tabi ng plato niya.

He willingly gave it to me as I happily munch the nachos para naman kahit papano ay mawala ang gutom ko.

"Oh my."

"You go girl!"

Napatigil ako sa pagsubo as the crowd started gossiping when the spotlight stopped on me. Dahan dahan kong ibinaba ang nachos na isusubo ko sana at napalunok. "Luna, allow me to dance with you."

Inikot ko ang ulo ko para makita si Master Laidre na may maliit na ngiti sa kanyang labi. He's already holding the scabbard of his sword on his right hand while his other hand is waiting for my hand to accept it.

"What the fuck is happening?" Mahina kong bulong dahilan para matawa si Veton na katabi ko sa kabila.

"Ang mga consiglio na walang kapares sa pag-sayaw ay mamimili sa iba't ibang mga caste. Kadalasan ay ang mga paborito nilang estudyante." Nakangiwi ko siyang tinignan na kinindatan lang ako.

Paboritong estudyante? Parang sa category pa lang na 'yon bagsak na ako ah.

"'Wag mo kaming ipapahiya, gaga ka." Pagc-cheer ni Sefarina.

I unconsciously looked at Dame na matamang nakatingin sakin. The moment he nod his head, my hand automatically accepted Master's hand. Narinig ko ang palakpakan na pinangunahan nila Senor Grandeur.

Lilinawin ko lang, hindi ako nagpaalam. Bakit ako magpapaalam?

"Relax, Luna. I know you'll ace the dance." Pilit kong nginitian si Master kahit na gustong gusto ko na siyang sigawan.

Royal Academy #Wattys2020Where stories live. Discover now