Unwary

32.2K 1.3K 219
                                    

Luna.

Napaubo ako matapos akong lumipad sa atake ni Pream. Bakit naman kasi sa lahat ng makakalaban ko sa 5, si Pream pa?!

"Luna, focus!" Rinig kong sigaw ni Master Laidre na nakita ang itsura ko.

Grabe, nakaka-offend talaga 'tong si Master. Mukha bang hindi ako nagf-focus?!

"Ser, time out!" Hingal kong sabi at tinaas ang dalawa kong kamay para ipakitang sumusuko na ako.

Nagulat na lang ako kanina nang hatakin ako ni Sefarina paalis sa kama ko at dumiretso kami sa Nallum. Kamuntikan pa nga akong madapa habang pababa kami ng hagdan.

Bumungad samin ang mga lalaking Jeden at si Master Laidre na kaagad iwinasiwas ang kamay.

Natagpuan ko na lang ang sarili kong iniiwasan at sinasangga ang mga atake ni Pream. Mind you, naka-pajama na naman ako katulad dati!

"What did I tell you, Luna? Hindi dahil hindi mo na kaya, susuko ka na! Think of what other things you can do to survive!" Paalala ni Master Laidre sakin.

Hinihingal pa rin akong tumayo para harapin si Pream na seryoso ang mukha, ibang iba sa itsura niya kapag nasa labas ng training.

Isa naman kasing scam si Senor Grandeur!

Sabi niya one week kaming magpapahinga, asan yung pahinga dito?! Dalawang araw pa nga lang akong namamahinga sa dorm, binunot na kami agad ni Master Laidre!

Wala ng katiwa-tiwala sa lugar na 'to, mga scam!

"Ser, ang naiisip ko na lang ngayon ay magpakamatay para hindi nila ako mapatay." Parang tanga kong sagot kay Master na mukhang na-stress lalo sakin.

Kasalanan nila 'to! Hindi ba nila alam kung paano ako nagpaka-bayani kaya naging ganito 'tong likod ko?! Nagbigay pa sila ng dalawang linggong bakasyon kung magde-demand lang din naman sila ng training sa gitna ng pahinga?!

Matatanggap ko sana kung hindi ako bugbog sarado eh, kaso alam naman nila ang dinanas ko noong nagpunta kami sa mortal realms!

"Pream, saglet!" Reklamo ko at agad tumambling patalikod nang sunod sunod niya akong bigyan ng laser beams na galing sa mata niya.

Na-curious tuloy ako bigla bakit hangin ang pillar niya at hindi apoy dahil palagi namang may lumalabas na usok sa mata niya kapag nagpapalabas siya ng laser beams.

Natigil ako sa pagd-daydream ng sabayan niya ang nauna niyang atake nang pagkumpas ng mga kamay habang napapalibutan na ako paunti-unti ng tornado na ginagawa niya.

Binuksan ko ang palad ko habang itinaas ko ang kanang kamay ko para pigilan ang pagbuo ng tornado gamit ang apoy. Ngayon ay dalawang elemento ang umiikot sa kinatatayuan ko.

Nilakasan ko ang pwersa sa kaliwang palad ko na nagpalabas ng mas makapal na apoy until it dominated the tornado and exploded with my fire.

"Alam mo, ikaw? Patola ka." Duro ko kay Pream.

Pabagsak kong nilagay ang kanan kong kamay sa lapag at unti unting napalibutan ng apoy ang kinatatayuan ni Pream. 

It's as if the ground filled with flame is gonna eat him alive.

Parang demonyo akong tumawa habang pinapatibay ang apoy ko sa ilalim ng lupa dahil sinusubukan ni Pream na pumalag. I saw him trying to fly away from the fire pero hindi na siya makalipad papalayo dahil sa init at hinihigop na rin nito ang lahat ng enerhiya niya.

"Very good, Luna."

Nilingon ko si Master Laidre matapos mawala ang atake ko, mukhang dinifuse na niya lahat. Bagot akong kumaway sa kanya at pasimpleng umirap.

Royal Academy #Wattys2020Where stories live. Discover now