Found you

52.3K 2K 644
                                    

Luna.

"Posible pala 'to?"

Napatitig ako sa kabuoan ng Nallum. 

Ang ganda.

Ang daming makukulay na nakasabit, maiingay na tugtog na hindi ko alam saan nanggagaling, mga lumilipad na hindi ko alam kung tao ba o hayop. 

Aside from these, students' laughter and noises can be heard across the place.

From here, I can see the sun almost disappearing behind the stone bridges as it sets. The sky was bathed in a pale orange tint. It was disturbingly enticing.

Such a sight to see.

"Luna, tara na! Ano pang hinihintay mo?!" Napatingin ako kay Veton na hinatak ako papunta sa kung saan.

Today is the official welcoming event na sinabi sa amin ni Sefarina kahapon. Kung alam ko lang na ganito kaganda ang mangyayari ay nagbihis sana ako ng maayos-ayos.

Itong kasama ko, mukhang pinaghandaan talaga 'tong araw na 'to. I mean, from his newly bought clothes, to his neatly tied hair in a man bun down to his strong yet pleasant aroma. Halatang isa siya sa mga estudyanteng uma-attend lang para pumorma.

"Luna!" Sigaw ng maingay na babae habang kumakaway at tumatakbo papunta sa amin.

"Oh my, I missed you!" Aniya bago ako niyakap ng mahigpit.

"Miss ka ba?" Tila wala namang narinig si Sefarina kaya tumawa na lang 'tong isa.

"Okay, ate girl. Let me explain these things to you."

Una niyang tinuro ang nasa pinaka-kaliwang bahagi ng Nallum. The students are holding their bows, but what drew my attention was the absence of arrows. Anong klaseng laro ba 'to?

"That's obviously archery, but it's not your pretty standard type. There are no arrows in sight because it will reflect your crest. The arrows that will be released are determined by the Crestior who is holding it." Paliwanag nito.

Fortunately, magsisimula pa lang sila kaya makakapanood kami.

Isa isang iniangat ng mga kalahok ang kanilang busog habang hinahatak ang tali hanggang sa kusang lumabas ang kanilang mga pana na agad nilang pinakawalan.

May umuusok, may nagyeyelo, meron ding napakabilis, may halos hindi mo na makita dahil sa kulay at marami pang iba.

The fuck is going on?

"Speed doesn't matter sa labang 'to, kailangan lang nilang magkaroon ng malinaw na mata at matalas na pandinig dahil ang kailangan nilang tamaan ay—"

"Isa lang namang hindi nakikitang apple, my Luna. Isn't it so cool?" Ngisi ni Veton habang nakatingin sakin.

Napaawang naman ang labi ko. Akala ko pa man din matatalino ang mga tao rito.

Sinong tanga man kasing gagawing target ang isang apple na hindi naman nakikita ng player? But honestly, If I were a player, I'll probably won. With my enhanced senses, paniguradong makikita ko agad iyon. 

Abala ako sa panonood ngunit hindi ko na nasundan ang sumunod na nangyari dahil hinatak na naman ako ni Sefarina.

Halos bigwasan ko na siya dahil hindi ba niya nakikitang nage-enjoy pa akong manood?!

"Ayan, track and field pero imbis na ang mga Crestiors ang magpapaunahan—"

"Their muses will." Ngisi na naman ni Veton at hindi na naman maipinta ang mukha ni Sefarina.

Tinignan kong mabuti ang nasa race track, iba't ibang uri ng nilalang. May nakita pa akong tila maliit na aso ngunit nang mag-go signal na ay naging isa itong malaking hayop na may puting balat, isang tenga at apat ang mga mata.

Royal Academy #Wattys2020Where stories live. Discover now