Unanswered

36.7K 1.6K 344
                                    

Luna.

"Luna, bangon!" Naramdaman ko ang isang malakas na pwersang pilit akong hinahatak patayo.

"Utang na loob, Sefarina. Sabado ngayon, tantanan mo muna ako." Napasigaw ako nang hampasin niya ang ulo ko.

Bakit parang isang malaking kasalanan ang pagtulog?! Gusto ko lang namang magpahinga!

"Tanga! Sasamahan mo ako lumandi!" Bigla akong napatingin sa kanya na parang isang malaking joke ang sinabi niya.

"Ay, may jowa ka?"

Tawa ako ng tawa matapos niya akong pagbabatuhin ng mga gamit ko na hindi ko alam kung saan niya pinagkukuha.

"Foul 'yon, foul!"

Ang ending nandito kami ngayon sa kwarto nila Veton. Hindi ko ba alam kung bakit palagi kaming nakikikain dito, may pambili naman si Sefarina ng mga pagkain namin sa Ensiv o kaya kahit sa Seba.

"Luna bear!" Sinungalngal ko ang palad ko sa mukha ni Veton na yayakapin sana ako.

"Alam mo, nasasaktan na ako." Ma-drama niyang sabi at nag-walk out pa.

Taray, pwede ng best actor si tanga.

Sakto namang lumabas si Pream sa kwarto niya at hindi na nagulat nang makita kami ni Sefarina, dumiretso siya sa kitchen at sumunod naman ang kaibigan ko na iniwan ako dito sa living room.

"Soaree na sa Friday, aattend ba kayo?" Rinig kong chismis ni Pream.

Tumayo naman ako para umupo sa harap ni Sefarina na parang tangang nakatitig kay Pream na nagsusuot ng apron at nagr-ready ng magluto.

"Anong Soaree?" Tanong ko bago sumubo ng ubas na nasa lamesa.

"Niloloko mo ba ako, Luna?" Bigla akong napatingin kay Sefarina na parang hindi makapaniwala sa tinanong ko.

Umirap naman ako. "Nagtatanong nga ako diba?"

"Kayo kaya 'tong parang installment kung mag-kwento." Reklamo ko.

"Hindi ko namang kasalanang kulang kulang mga impormasyong sinasabi niyo sa'kin." Tanggol ko pa sa sarili ko.

Biglang bumukas ang isang pinto at sumulpot don si Veton. "Every last day of the month ay may party na lahat pwedeng umattend, walang dress code at lalong walang bawal."

Nangunot ang noo ko na agad naman niyang napansin. "It's just like any other party, with people drinking and dancing. Nothing special, just a way to celebrate how far we've come this month."

Tinampal niya ang kamay kong kukuha sana ulit ng ubas at hinatak niya lahat ng 'yon papalapit sa kanya.

Edi sa kanya na, akala mo naman inaagaw ko.

"If Arrow and Dame's gonna attend, I'll come." Parang may nakita pa akong kinang sa mata ni Sefarina habang sinasabi 'yon.

"Tanga, anong aasahan mo sa dalawang 'yon? Dito nga hindi namin makita, sa Soaree pa?" Irap ni Veton at sumubo na naman ng ubas.

"Tinanong ko ba opinyon mo?" Napatayo pa si Sefarina.

"Mukha bang may pake ako?" Tumayo na rin 'tong isa hanggang sa nagsimula na naman silang mag-away.

Pream didn't even bother to look at us dahil malamang ay sanay na sanay na siya dito sa dalawa. Pasimple kong hinatak papalapit sakin ang ubas ni Veton at kinain 'yon habang pinapanood silang magsigawan.

"Sino ba kasing may sabi na lumabas ka ng kwarto mo ha?!"

"Aguy, attitude ka? Ikaw ang lumayas dito!"

Royal Academy #Wattys2020Where stories live. Discover now