Connection

31.1K 1.4K 518
                                    

Luna.

Ginalaw galaw ko ang mga daliri ko sa paa, kasunod ang sa kamay ko bago ako dahan dahang dumilat. Gusto ko na kasing igalaw ang buo kong katawan dahil feel ko ang tagal ko ng nakaratay sa kama.

"How are you feeling, Luna?" Naningkit ang mata ko nang makita si Lady Doreena sa harap ko.

"Ready na po ulit mamatay." Bangag kong sagot na bahagya niyang ikinatawa.

"You merely survived death, honey." Agad naman akong napangiwi nang marinig ang sinabi niya.

"Ilang araw na po ba akong nag-bakasyon dito?" Curious kong tanong dahil wala na akong makita sa kwarto bukod sa akin, kay Lady Doreena at sa dalawa pa niyang kasama.

"A week."

Tinitigan ko si Lady Doreena kung nangg-good time lang ba siya o totoo talaga pero agad nanlaki ang mga mata ko nang maalala ang huling nangyari sa akin bago ako mawalan ng malay.

Sabay sabay nagtaasan ang mga balahibo ko dahil naalala ko na naman kung gaano kasakit ang naramdaman ko no'n. 

That was the day I thought would be my last. I mean, I'm not exaggerating, but I shiver every time I remember how that sound single-handedly destroyed almost my entire being.

Bro, ayaw mo pa talaga ako makasama ano? 

"Deva soul was made to attack the purest among the purest which are the Jedens— kayo." Kinilabutan ako lalo sa sinabi niya.

Hindi na ako naka-catch up sa mga sumunod niyang sinabi dahil bukod sa ang bilis niyang magsalita'y hindi ko na talaga binalak makinig. 

The deva soul and its impact were the only things I understood. Deva soul is a sound emitted by a sacred gemstone thought to have its own soul.

According to legend, it was originally intended to be the energy keeper of the strongest among the strongest, which is also why it began sucking the soul of every being that is far below the frequency of wavelength of the stone's original form.

Once triggered, the souls within it will cry like a maniac, and because of their deep hatred and pain, their cries will only inflict pain on the strongest.

There is no specific explanation for how it ended up on someone's hand, but after learning that this occurrence is likely the result of an inside job, everyone became wary.

Meaning nandito sa academy ang may sala. Nakakasalamuha, nakakasama or maybe nakakausap pa namin.

"Opo, mag-iingat nga po ako." Paulit-ulit kong sagot dahil ilang beses na naman akong pinaalalahanan ni Lady Doreena.

"Tatanda ako ng maaga sayong bata ka." Reklamo nito na ikinangisi ko lang ng hilaw. Matanda ka naman na talaga, Lady.

Kinuha ko ang pagkakataon na 'yon para itanong kung nasaan ang mga kaibigan ko. Napagalaman kong nasa Seba sila ngayon dahil may mga kailangan silang bilhin para sa klase kay Master Kreme.

Napaisip tuloy ako kung ano kayang gagawin ko dahil isang linggo na naman akong nakaratay sa kama? Gaano na kaya karami ang kailangan kong habulin? 

Sa paanong paraan na naman kaya ako babawian ni Master Laidre?

Napahinga ako ng malalim dahil mukhang mas gugustuhin ko na lang manatili rito kaysa harapin ang patong patong na gawain.

"I'm afraid you won't be able to go to your dorm just yet, Luna. We still need to monitor your vitals and see if there are any side effects of the mallora in your body." Biglang pigil sa akin ni Lady Doreena nang tatayo na sana ako para lumabas.

Royal Academy #Wattys2020Where stories live. Discover now